Chapter 30 (Amelie Gabrielle Lefevre)

509 36 1
                                    

Frost Silver POV

"Magandang araw Mahal na Diwato. Nakita mo ba si Little crab?"

Am I dreaming?

Narinig ko siyang nagsalita.

Napatingin ako sa pigura na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung totoo sya o isang imahinasyon.

Nakangiti pa rin sya.

Gusto kong lumapit ngunit natatakot akong baka mawala na naman sya tulad ng mga nagdaang pangyayari. Nagpapatunay lang sa masakit na katotohanan na wala na sya.
Sa tuwing hahawakan ko ang nakangiti nyang pigura, lumalagpas ang kamay ko sa kanya kasabay ng pagkatunaw ng imahe nya sa hangin.

Ayokong mangyari yun ngayon. Gusto ko syang matagal na masilayan.


Pero.....

"Icetone, namiss kita!" at dinamba nya ako ng yakap.

M-my Lady.


Hindi ako nakakilos. Nararamdaman ko siya. Totoo sya. Nahahawakan ko talaga sya.

"Magsalita ka naman Icetone. Hindi ako nagkusang gumising mula sa pagiging sleeping beauty para lang hanapin ang prince charming tapos ganyan ka?"

Nagsasalita sya.

Naririnig ko sya.

"L-lady." nasabi ko na lang.

"Ang haba mo pa rin magsalita ah." nakanguso nitong sagot.

"M-my Lady, you're real." niyakap ko sya ng mahigpit.

Alam kong sya ito, nararamdaman ko. Hindi ko napigilan ag pagluha.

My God, I missed her so much.

"Aray, dahan-dahan naman Icetone." reklamo nito

"I'm sorry My Lady, I thought you're gone." pinagmasdan ko sya. Walang pagbabago maliban sa pumusyaw na balat.

"My Lady, it's really you." dala ng galak ng malamang buhay sya. Pinaghahalikan ko sya sa buong mukha.

Hindi ko rin pinigilan ang aking sarili, hinalikan ko sya sa labi.

Her sweet scent.

Her sweet lips.

Naramdaman kong nabigla sya at nanigas sa kinatatayuan.

"I love you My Lady." nasabi ko sa kanya matapos bitiwan ang kanyang mga labi.

Mula sa gulat na expression, unti-unting lumabas ang malaki at matamis nyang ngiti.

"Ano ba yan Icetone, kinikilig pa rin ako sayo."

Natawa ako at niyakap syang muli.

Hindi pa rin aya nagbabago.

Wala akong pakialam kung ano ang nangyari sa kanya. Susulitin ko muna ang pagkakataon na to.

"Icetone, para yatang mas dumami ang bukol mo sa tyan."

Sh*t Lady, huwag mo akong hawakan dyan.

Kakaiba ang aking naramdaman ng hinihimas nya ang aking ABS sa tiyan. Aware ako na mas lalong naging tone ang mga muscles ko, pero dahil sya ang aking Lady, hindi sya aware sa ginagawa nya.

" Lady, please stop it. May nagagalit." saway ko sa kanya

"Huh? Talaga? Andyan na ba si Little crab? I'm sure malaki na yun. Makakaganti na ako sa kanya." nakangiti sya.

The Cold and Wapakels?Where stories live. Discover now