Chapter 21 (Encounter)

387 36 0
                                    

Pangga POV

Ang hirap talaga kalimutan ng nangyari kagabi. Hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako.

Kagabi, matapos ihatid sa bahay ng two new found brothers ko, iyak na naman ako ng iyak.

Kakainis na mga luha, hindi maubos-ubos. Namamaga na ang mga mata ko.

Hayyyssss...

....

"Nak, ayos ka lang ba?" si motherhood nakasilip sa pintuan ng aking kwarto.

"Ayos lang ako Ma, bakit naman magiging hindi diba?" pinasigla ko ang aking boses. Ayokong mag-alala sya.

"Sigurado ka?" paninigurado nito, kaya tumango ako. "O sya, tara na mag-almusal. Niluto ko ang paborito mo." speaking of paborito, dali-dali akong bumangon. Mas nauna pa nga ako kay motherhood sa kusina eh.

"Mukhang ayos ka nga." naiiling na lang itong nakasunod sakin.

....

"Saan pala lakad mo Ma?" tanong ko sa kanya matapos kaming kumain.

Bihis na bihis kasi sya.

"Sa Resort, kailangan pa ako dun.  Hindi pa umaalis ang karamihan sa guests kagabi." paliwanag nito habang nagliligpit ng pinagkain namin. Tinatamad kasi akong kumilos kaya siya na ang maghuhugas. Ngayon lang naman. Hihi

"Samahan na kita motherhood, baka masyado mong pagurin yang katawan mo. Napapansin ko kasing hindi maayos ang pakiramdam mo ngayong nakalipas na araw." sagot ko rito

Napatigil naman ito sandali sa ginagawa.

Tumingin sakin.

"Hindi na, dito kana lang sa bahay." nagpatuloy ulit ito sa ginagawa. Nasa lababo na kasi sya at naghuhugas.

"Maiinip lang ako dito tapos maiisip ko lang yung kagabi. Mas okay na po ang may ginagawa." sagot ko sa kanya.

Alam kong aware si motherhood sa nararamdaman ko. Nanay ko yan eh. Alam nya ang nararamdaman ko bilang anak nya at isa pa, mas una nyang nalaman ang tungkol sa engagement ni Icetone na naging dahilan kaya hindi ko nakasama si Naruto. Kaya lang kahit naikabit na muli ang antenna namin, wala akong gana manuod ng TV.

"Sige, ikaw bahala." pagpayag naman nya.

"Motherhood, sino pala yung kausap mo kagabi?" tukoy ko sa lalaking kausap nya kagabi. Pamilyar kasi.

"Malalaman mo rin. Sa ngayon gumayak kana at aalis na tayo."
Tapos na rin sya maghugas ng mga plato. Konti lang kasi. Dalawa lang kaming kumain.

Sinunod ko naman sya. Nagbihis ng karaniwan kong suot. T-shirt at jogging pants. Wapakels ako kung sosyalin mga tao dun ngayon. Hindi naman sila ang pupuntahan ko. At isa pa, mas makakapag-trabaho ako ng maayos.

....

"Pangga, makikisuyo naman sayo. Pakidalhan naman ng meryenda ang mga naliligo sa pool." pakiusap ng isa sa nangangasiwa ng kusina. Si Madam Kaye. Napakahaba ng pangalan niyan, Maria Kaye Angelica Victoriano. Oh diba san kapa. Pinahirapan siguro sya ng kanyang mga magulang nung nasa kinder, baka sya pa ang nahuhuli sa pagpapasa ng papel. Yung tipong may dictation exam, number 1 na pero sya hindi pa tapos sa pangalan nya.

Eneweys, nevahhhhmaynd nyo na lang ang pangalan nya. Dalaga pa yan, naghahanap ng jowa. Hihi. Matagal ko ng kilala si Madam Kaye, mas matanda sya sakin ng tatlong taon. Ayaw nyang tinatawag na Madam, gusto nya Ate itawag ko sa kanya, pero hindi naman kami ganun ka-close kaya hindi ko sya tinatawag na Ate.

The Cold and Wapakels?Where stories live. Discover now