Chapter 16 (I'm Sorry)

410 39 0
                                    

Pangga POV

Bumalik ako sa karinderya ni motherhood nang umalis ako sa talon. Naiinis ako sa kanilang lahat, lalo na sa Icetone na yun.

Napakarumi ng isip. Tapos sinabihan pa akong slut at bitch, may stupid pa. Bwesit sya. Bagay lang sa kanya ang ginawa ko. May pafall-fall pa syang nalalaman, eh hindi naman ako aware sa mga nararamdaman nila. Isa pa napaka-imposible naman nun. Isa lang akong simpleng babae na namumuhay ng payapa dito sa Isla. Ang haba naman ng buhok ko kapag nagkataon.

Pero...

Wala naman silang sinabi. Puro tamang hinala lang ang bwesit na Icetone na yun.

.....

"Oh... Bakit ang aga mo naman? Nasaan na ang future mo bakit hindi mo kasama?" si motherhood, nang makita ako sa pintuan ng karinderya. Wala pang masyadong tao, hindi pa kasi lunch time, 10:00 am pa lang.

"Nilunod ko na po sa Waterfalls, nakakabwesit po kasi." nakasimagot kong sagot.

"L. Q na agad kayo ah." nanunudyo pa itong si motherhood.

"Wala pong L., Q lang ang meron. At saan nyo naman po napulot yun ah?" naghihinala kong tanong sa kanya.

"Sa k-drama na pinapanuod ko." sagot nito habang nag-aayos ng mga panindang ulam.

Speaking of k-drama, may internet si motherhood.

"Motherhood, pahiram phone mo. Pagamit ng data." sabi ko dito. Kung tatanungin nyo ako, wala po akong cellphone. Hindi ko naman kailangan. Wala naman akong kaibigan na tatawag sakin. Kasama ko naman si motherhood na nag-iisang pamilya ko. Kaya wag na lang. Sayang ang pambili.

"Hindi pwede, 2GB na lang meron ako, nasa episode 12 pa lang ako ng Legend of the Blue. Ay nakakakilig talaga." sinasabi ko na nga ba. Malabo akong pahiramin nito. Adik yan sa k-drama.

Titingnan ko sana kung sino ang bwesit na Icetone na yun. Kahit naiinis ako sa kanya, gusto ko pa rin malaman kung sino sya. Baka may makuha akong impormasyon kung bakit ganun sya. Kaso naalala ko, hindi ko pa pala alam ang pangalan nya.

....

"Motherhood, may alam kaba tungkol sa may ari ng Resort?" tanong ko kay motherhood. Dumaan na kasi ang lunchtime, kaya wala masyadong customer. Nakaupo lang kami dito.

"Bakit hindi na lang sila ang tanungin mo? Mukhang close naman kayo." sabi nitong nakatutok ang mata sa phone nya. Malamang nanunuod na ito ng k-drama.

Ngayon ko lang kasi naisip ang tungkol sa kanila. Maliban sa mga pangalan ng dalawa at nagmamay-ari ng Resort wala na akong alam sa kanila. Dun naman sa isa, maliban sa kinatatakutan ng dalawa, wala na rin akong alam sa kanya.

Tapos ang pagtawag ng dalawa kay Icetone ng Boss, ibig sabihin mas mataas ang katayuan nito? O baka may Boss talaga ang pangalan nya.

Wala pala talaga akong alam sa kanila.

"War kasi kami motherhood. Kaya imposible ang sinasabi mo." pansin ko namang binaba nito ang phone, pero nakahawak sa dibdib nya.

"Motherhood ayos ka lang?" tanong ko.

"O-oo naman. Na-hurt lang ako kasi baka hindi matuloy ang future mo sa isa sa kanila. Makipagbati kana kaya. Nag-iinarte kapa eh." sumbat na naman nito sakin.

"Nagmamadali ka kasi masyado motherhood. Sinabi ko sayong we have a lot of time diba. Hayaan mo na yun."

"Gusto ko kasi maayos ka kapag wala na ako." seryoso nitong sabi sakin.

The Cold and Wapakels?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon