Kabanata 4

81 7 0
                                    

[Kabanata 4]

Iniaabot sa'kin ni Miranda yung gatas, nakaramdam naman ako ng kahihiyan sa lalaking nasa gilid ko.

"Hey, hindi akin yan ah." sinenyasan ko si Miranda.

Nagulat naman ako dahil biglang tumawa yung lalaki sa tabi ko.

"Umiinom ka pa rin ng milk? how childish HAHAHAH!"

Tinapunan ko naman ito ng masamang tingin.

"Pero pinakuha niyo ito sa akin kanina lang miss." ay shunga. Mukhang hindi ako na-gets ni Miranda.

Nag walk out na ako kasi tinatawanan na ako ni jerk.

Sabihan ba naman ako na childish? It was so damn embarassing ayoko pa namang nasasabihan no'n.

Umiinit lang ang ulo ko kaya naman bumalik na ako ng kwarto at nahiga.

Nagising ako dahil sa mga katok sa pintuan ng kwarto.

Hinawakan ko ang aking eyebags, gosh ang laki. eh papano ba naman, alas tres na ako natulog kagabi. Nakakadiri mang aminin pero dahil yon kay jerk. Inisip ko kasi siya buong gabi, grrr. Gusto kong sabunutan yung sarili ko, I feel so betrayed.

"Miss, maghanda na po kayo 11:30 a.m po ang flight natin." paalala ni Miranda sa akin habang kumakain ako sa kwarto.

"I know, iwanan mo muna 'ko please?" tinulak ko siya papalabas ng pinto.

Nag bow muna siya sa'kin bago umalis.

Tinapos ko kaagad ang pagkain ko bago nagbabad sa maligamgam na bath thub. Hindi ko namalayang nililipad na ang isip ko napapangiti ako na ewan, bigla bigla ko nalang kasing naiisip yung jerk na 'yon.

Yung tipong nakakatakot yung awra niya sa may resto galit mode pa siya no'n tapos nung nagkita kami bigla nalang mang-aasar.
Bipolar ata yun eh.

Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng isang white dress at pinatungan ko ng denim jacket, tutal mainit na ulit pag dating sa Philippines.

Bumaba ako nang lobby at nag check out na kami. Napasulyap ako sa huling sandali ko sa hotel nagbabaka sakaling makita ko ang lalaking iyon pero nabigo ako. Ano bang nangyayari sa akin nababaliw na ata ako.

Nakarating kami ng airport after almost an hour.

Naka sunod sa akin ang mga personal guards ko habang naglalakad sa pasilyo ng Airport.

We went to the open area where our private plane is waiting, Humakbang ako sa ladder ng plane at binati ng ilang cabbin crew, I smiled and nodded at them.

Tapos na ang maliligayang araw ko bukas back to normal na naman sigurado akong made-drain na naman ng husto ang utak ko sa nalalapit naming exam. At dahil graduating na kami expected na ang mala-outer space na tanungan sa exam.

Makikita ko kaya ulit yung jerk na yo'n? Nasapo ko ang sariling noo. Naiinis na ako sa sarili ko ha! bakit ko ba naiisip yo'n?
Am I falling for that brat? No way.

Mahigit tatlong oras ang naging byahe pabalik ng pinas, hinubad ko na rin ang jacket ko dahil sa mainit na ang klima.

Pagkababa ko ng private plane sinalubong kami ng ilan sa mga katulong namin na may dalang payong, agad silang nagsilapitan sa akin para payungan ako.

Damn protective. I know it's mom who summoned them here.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa airport dahil sa marami akong kasamang guards at maids, dumeretso na lang ako sa paglalakad yumuyuko naman ang mga nadadaanan kong staff ng airport namin. They shouldn't bothered, I told them many times before to not do this anymore and here we go again.

When Will You Be Mine?   |Completed|✓Where stories live. Discover now