Kabanata 23

58 4 0
                                    

What?!

Halos himatayin ako sa kina uupuan ko ngayon. Unti unti nalang tumulo ang luha ko. For real?

"What?!"-naluluhang sambit ni tita kristine at parang hihimatayin rin siya. Agad naman siyang dinaluhan ni tito.

"Ano pong nangyari?"-hindi ko na mapigilang magtanong.
Sira na ang make up ko pero wala na akong pakealam.

Sa akin nakabaling ang atensyon ng lahat.

"Nadamay po ang kotse niya ng madulas at tumaob ang isang truck. Malala po ang tama niya."-nakatungong sambit ni Mr. De Guzman.

"What the--??"-inis na sigaw ni tito.

Naestatwa na ako at hindi makagalaw.

Nag aalala ang mga bisita.

Agad kaming sumugod sa ospital nang mahimasmasan ni hindi na ako nagpalit ng damit gayun din ang iba pa. Parang tumigil na sa pagtibok ang puso ko at nanlalamig na rin ang buo kong katawan. Sobrang nag-aalala ako sa kaniya.

Lumaban ka please, Darling...

Kasama namin ang mga abay. Maging si Ria ay sumama. Naiwan ang ilang mga guards ng pamilya para i-accompany ang mga bisita.

Pagkarating namin sa ospital ay naabutan namin si Llyndon sa Emergency Room, hindi kami pwedeng pumasok doon. Nakita ko siya mula sa salamin ng kwarto. He look so pale and bloody. Maraming doctor at nurses ang nakapalibot sa kaniya.

Umiiyak si tita sa gilid habang pinagmamasdan ang anak. Napakaraming dugo sa ulo niya at sobrang nanghihina ako. Bumagsak ang luha ko. He's dying and seeing him in that situation is so damn hurt.

Napasalampak ako sa sahig at agad akong inalalayan ng mga magulang ko. I can't even think clearly.

Darling, you have to fight. Fight for me please. You can do it, I am waiting for you.

Nagkakagulo na ang mga doktor sa loob at pina-pump nila si Llyndon para bigyan ng oxygen.
They are giving their best to revive him. Dinig ang iyakan sa buong hallway na kinaroroonan namin.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago may lumabas na doktor mula sa ER. Kaagad siyang sinalubong ng mga magulang ni Llyndon. He's the heir of their family kaya napaka importante niya.

"How's my son doc?"-nanginginig na tanong ni tita sa doktor.

Nagtanggal muna ng mask ang doktor bago nagsalita.

"We need to operate him in the head as soon as posible. His head is being shaken seriously. I'm afraid that this accident may cause him some complications."-malungkot na sabi ng doktor.

Bumagsak ang balikat ko at mas tumindi pa ang daloy ng luha.

Tahimik ang lahat dahil nakikinig sa usapan ng doktor at ni tita habang tahimik lang si tito sa gilid at parang wala sa sarili.

Pinahid muna ni tita ang luha bago ulit nagsalita.
"And what might be the complications doc?"-basag ang boses na tanong ni tita.

"It may lead him into coma."-bagsak ang balikat na ani ng doktor.

Napahagulhol ako sa upuan ko.
Hanggang sa bigla nalang nagdilim ang paningin ko ay tuluyan akong  bumagsak. Narinig ko pa ang tawag nila sa pangalan ko.





Nagising ako na nasa kwarto ko na. Madilim na rin ang labas at napalitan narin ang damit ko. Naalala ko ang nangyari sa ospital. Nahimatay pala ako, sana panaginip nalang ang lahat at magising na ako sa bangungot na ito. Is he okay now?

When Will You Be Mine?   |Completed|✓Where stories live. Discover now