Kabanata 11

54 7 0
                                    

Naramadaman ko nalang ang smack kiss niya sa labi ko. Para akong hihimatayin.

Matapos niya akong makitang sabog last time ay hindi ko akalaing mangyayari ito.

Akala ko ba ayaw niya sa akin e bakit pumayag siyang halikan ako? First kiss ko iyo at kahit smack at mabilis lang ay sa labi niya parin ako hinalikan.

Narinig ko nalang ang hiyawan ng mga tao. They are teasing us. Pati na sina tita at tito. Pati sina Momy ay may nanunuksong tingin narin.
Ano bang nangyayari sa akin?

Natapos ang party at nagkaroon ng oras ang pamilya naming magsarilinan. Nasa salas kami ngayon at pinag uusapan ng mga magulang namin ang tungkol sa bakasyon.

"Ano kaya kung sa Mindoro nalang ang vacation? "-Si Momy. Katulad ko ay gusto rin ni Momy na ma experience ang Mindoro.

"Why not. I think its a good idea. At makakapag relax din ang mga bata."-binalingan kami ni Tita.

"Maganda ngang idea yan. Makakapag solo sila doon."-maka hulugang sabi naman ni Tito.

Anong solo solo ang pinagsasabi nila ang akala ko ba ay famili vacation?

"Dad akala ko ba family vacation yun?"-sa wakas ay tanong ni Llyndon sa kaniyang Ama.

"Napag usapan kasi namin na paunahin kayong dalawa don. Alam mo na para mas magkakilalanan kayong dalawa at may closure bago ang kasal."-sagot niya sa anak.

"Oo nga naman don't worry 10 days lang naman kayong mauuna at susunod din kami. May tatapusin pa kasi kaming mga works dito."-tila kinikilg si Momy.

Pabor naman sa akin iyon.

"Just be sure na magkahiwalay kami ng kwarto."-ani Llyndon. Mukhang wala talaga siyang interes sa akin.

"Ano ka ba naman anak. Hindi naman pwede iyon."-umiiling na sabi ni Tita. Habang tahimik lang ako dito. Ayaw ko ng sumabat.

"E hindi pa naman kami kasal tapis pag sasamahin niyo kami sa iisang kwarto, thats insane."-aniya sa inis na tono. Napatitig ako sa kaniya he is handsome as usual.

"Hindi naman iisa ang kama niyo don't worry my son. "-natatawang paliwanag ni Tita.

Wala na siyang nagawa pa at hindi na nakipag talo sa Momy niya. Bukas na ang alis namin papuntang Mindoro matagal ko na talagang  gustong pumunta don at thankful akong makakapunta na ako doon bukas.

Bukas na nga pala ng madaling araw ang flight ni Bella nakakalungkot isipin but I guess parte na rin yon ng buhay niya kaya I need to be happy for her too.

Maaga akong natulog syempre excited ako para bukas magkakasama lang naman kami ni Llyndon ng kami lang dalawa bukas. Pero hindi ako nagtitiwala sa mga magulang ko I am sure na may ipadadala siyang mga tauhan para bantayan kami.

Nakahanda narin ang luggage ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising hindi naman sa excited  ano? Pero parang ganon na nga hehe.

Alas Otso pa ang alis namin dahil susunsuin pa kami ng helicopter.

"Anak mag almusal ka muna."-yaya sa akin ni Momy. Maaga rin pala silang gumising.

Mayroong bacon, hotdog, at ham na nakahanda sa mesa. Kumain muna ako bago naligo. Pagsapit ng alasyete imedya ay binaba na ng mga katulong namin ang maleta ko.

"Ingat kayo anak. Susunod nalang kami dun after 10 days. Enjoy ha?"-makahulugang sabi ni Momy.

"I will Mom."

Inihatid na ako ng driver namin sa bahay nina Llyndon.
Nakagayak narin si Llyndon simple lang ang suot niya pero anggwapo niya parin he also smells good.

When Will You Be Mine?   |Completed|✓Where stories live. Discover now