Kabanata 22

55 4 0
                                    

Dinalhan kami ng pagkain ng mga guards niya kaya sa kubo na kami kumain. Panay ang titig niya sa akin at panay din ang sabi niya ng I love you.

Bandang hapon na niya ako naihatid sa bahay dahil medyo makulimlim na ang kalangitan. Nagbabadya ang ulan. Sana lang ay hindi umulan bukas.

"See you tomorrow then, darling I love you, bye."-paalam niya sa akin bago siya naglakad papabalik sa kotse niya. Parang gusto ko pa siyang pigilan dahil gusto ko pa siyang makasama but I guess kailangan na rin niyang magpahinga.

Kumaway nalang ako sa kaniya ng umandar na ang sasakyan niya. I feel so sad today hindi ko alam kung bakit makikita ko rin naman siya bukas ah. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Baka dahil sa makulimlim lang ang kalangitan kaya ganito ang mood ko ngayon.

Pumasok na ako ng bahay at nakita kong abalang abala ang mga maid namin.

Wala pa sina momy at dady. Marahil ay busy sila para bukas, 10 am ang simula ng wedding sa church bukas. Sa hotel kami matutulog mamaya dahil bukod sa malapit lang ito sa church ay doon din ang reception. Sa pamilya Zaldua ang hotel na yon kaya naman napaka sosyal. Sa mansyon parin ng mga Zaldua matutulog ang family nila pati na ang groom ko. 30 minutes ang layo mula sa church para narin daw hindi kami magkita ng groom. E nagkita na nga kami kanina e.

Kasama ang mga pinsan at kaibigan ko. Doon na kami tumuloy. Napakalaki ng room na nakareserve sa amin. Kahit kaming lahat siguro ay magkakasya sa isang room lang. Mag i-sleep over kaming mga girls, kasama namin sa hotel ngayon si Ria. Ako ang nag imbita sa kaniya, masyadong malayo kasi ang hotel na pinag i-stay-an niya kaya minabuti kong isama narin siya sa hotel.

Pagsapit ng alasyete ng gabi, napakalakas ng hangin. Tila may bagyo matapos ang 15 minutos ay tsaka naman bumuhos ang napakalakas na ulan. Kinakabahan tuloy ako. Bukas na ang wedding kaya sana wala nang ulan.

Nagpatuloy pa ang lakas ng ulan parang mas nagiging malakas pa ito.

"Don't worry girl mawawala rin yan bukas."-pagpapakalma sa akin ni Mika.

"She's right Angeli wala namang bagyo ngayon kaya paniguradong wala na yan bukas."-nakangiting sambit naman ng pinsan kong si Kristal.

Sumang ayon din ang ibang girls.
Kakatapos lang naming maghapunan sa restaurant nitong hotel. Busy ang mga kasama ko sa cellphone nila pati napatingin ako sa nag text sa cellphone ko. Kanina pa ito nasend pero ngayon ko palang nabasa.

It was from Llyndon.

Llyndon: I love you always and forever.

PS- See you tomorrow darling.

Bakit parang sumisikip ang dibdib ko sa mensahe niyang ito? Ang wierd lang ha?. Sorry hindi ko kaagad nabasa darling. Alas diyes na ng gabi hindi ko na nireplayan si Llyndon dahil wala rin namang signal dahil maulan.

Napangiti nalang ako mag-isa. Excited na ako para bukas sana lang ay wala ng ulan. Kumukulog at kumikidlat narin eh. Lumamig pa lalo ang simoy ng hangin. Pinatay namin ang aircon dahil sa matinding lamig. Nagkasya kaming lahat sa kama at share share kami sa makapal na kumot.

Nagising ako sa ingay ng mga babaeng kasama ko. Mga halatang excited ang lahat at hindi siguro mapigilan. Lalo na ako this is our big day.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang ambon na lamang ngayon hindi katulad ng kagabi.

"Good morning Ms. Bride."-sabay sabay nilang bati sa akin.

Nginitian ko sila.
Sabay sabay kaming nagtungo sa restaurant ng hotel para mag almusal. It's still early 6 am palang kaya may oras pa kamu besides malapit lang talaga ang church dito.

When Will You Be Mine?   |Completed|✓Where stories live. Discover now