Kabanata 12

51 6 0
                                    

Ilang minuto akong nakipagbakbakan sa pagkain bago ako natapos. Hinimas himas ko pa ang tyan ko katunayang busog na ako. At napadighay pa.

"Where's your manner girl?"-galit na aniya. Wow parang ngayon lang siya nakakita ng babaeng dumidighay a. Palibhasa spoiled bratt e.

"I'm full, Bayaran mo na."-baling ko sa kaniya.

Tumaas ang gilid ng labi niya.

"Ikaw ang maraming nakain tapos sa akin ka pala magpapabayad."-umiiling niyang sabi.

"Sige na, Ikaw ang lalaki kaya ikaw dapat ang magbayad. Rich kid ka naman e."-pang aasar ko sa kaniya.

Ang dami pang dada, babayaran din naman pala.

"Let's go darling."-kinaladkad ko na siya papalabas.

"Are you nuts? Stop calling me that darling thing."-nandidiring aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. E kung gusto ko wala ka nang magagawa hahah.

Bumalik na kami sa hotel at nagpahinga. Hindi namin namalayang pareho kaming nakatulog.

Hapon na nang magising ako. It's almost sunset. Antagal ko palang nakatulog. Wala na si Llyndon sa higaan niya.

Natatawa nalang ako sa sarili ko dahil sa mga kabaliwan ko. Narealize ko lang na tatlong beses na niya akong nireject pero balewala lang sa akin. Sabi nga ng mga kaibigan ko. Just be your self kaya eto ako ngayon nagpapakatotoo. Natural ang pagiging makulit ko. I am showing the real me. I am contented to just tease him now. Alam kong wala akong pag asa sa kaniya kaya siguro nagkakaganito ako dinadaan ko nalanv sa pang aasar sa kaniya ang nararamdaman ko. I will just go with the flow, napapansin ko kasing habang lumalapit siya sa akin ay lalayo lang siya lalo. I won't force him at pag hindi parin siya magkakagusto sa akin then I'll give up. At kung talagang hindi niya talaga ako gusto ako na mismo ang kusang lalayo sa kaniya.

I just want to gumble.

Tumayo na ako at ipinusod ang buhok ko papaitaas. Nagpalit ako ng shorts para mas komportable. I just want to walk and watch the sunset.

Naka loose shirt ako ngayon. Maraming tao ngayon sa seashore karamihan din sa kanila ay mga foreigner. White na white talaga ang buhangin dito sa white beach ng puerto galera. Nandiyan lang siguro si Llyndon, mamaya ko na siya hahanapin.

I was so amazed by the sunset and I think it's the best time to take a selfie.
Nagselfie nga ako. At ipinost agad nagcomment ang mga kaibigan ko.

Soleil private messaged me to say goodluck. At alam ko kung para saan.
I hope so.

Pagkagat ng dilim ay naisipan ko ng hanapin si Llyndon. Baka nakabalik na siya sa hotel. And I was right nandoon nga siya at naka headset habang nakapikit ang mata.

Tulog ba siya?
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya. He's eyelashes are long, he has a very pointed nose and natural red lips, he has also fair skin. Mas maputi pa siya sa akin. This guy is the true image of handsomeness at hindi na ako nagtataka kung bakit napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. He is also damn rich and intellegent he is almost perfect he is like an Angel from the heaven if he was asleep but when he was awake he was like devil to me. Yes pero kahit ganoon I love him even more.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. I want to kiss him so bad. This is my chance. Alam ko namang hindi niya malalaman kasi tulog siya. Gosh he smells so manly . Ang gwapo ng amoy niya.

Habang papalapit ng papalapit ang mukha ko ay kinakabahan na ako.
But then isang inch nalang ang pagitan ng mukha ko sa mukha niya ay bigla siyang nagmulat.

When Will You Be Mine?   |Completed|✓Where stories live. Discover now