2

8 0 0
                                    

Halos tabla ang laban sa pagitan ng SRU at MC. Hiyawan ang lahat. Maganda ang takbo ng laban at kapwa ayaw magpatalo sa isat-isa. Nakataya ang pangalan ng bawat eskwelahan kaya kailangan nilang galingan. Tutok ang mata ng lahat sa laro at palitan ng bola. Mukhang parehong magagaling ang bawat manlalaro ng dalawang paaralan. Ang bawat kuponan ay masusing dinedepensahan ang bawat tira.

Katatapos lang mag-change court at ang SRU ang nanalo sa first half. Lumamang ito ng dalawang puntos na kayang-kayang habulin ng MC. Kasalukuyang nasa SRU ang bola at si Rob ang titira. Ilang sandali ay pumito na ang referee bilang hudyat na pwede na niyang i-serve ang bola. Lumipad sa ere ang bola papunta sa kabilang net. Todo bantay ang nasa kabila para itira pabalik ang bola pero naging pabaya ang isang miyembro ng MC team at hindi nito nadepensahan ang bola na naging dahilan ng pagkakaroon ng unang puntos ng SRU para sa second half. Naghiyawan ang mga taga-suporta ng SRU.

Muli ay nasa SRU ang bola at si Rob muli ang titira. Pumito uli ang referee sabay serve ng bola. Pumasok sa kabilang net ang bola pero mula sa kung saan ay biglang lumabas ang isang player na may numerong syete at agad na dumepensa pabalik sa bola sa kabilang net. Naging alerto ang kabilang kuponan at nag-agawan ng bola pero dahil dun ay sumablay sa net ang bola. Isang puntos para sa Montenegro College.
Nasa MC ang bola at nagpatuloy ang laro.

" Wow galing naman ni Number 7. " saad ni Nikki.

" Oo nga." sang-ayon din ni Noreen.

Panay ang kanilang cheer. Humahanga sa player na naka-numero syete na jersey. Baway galaw ni Number 7 ang binabantayan nina Noreen at Nikki. Panay tili ang dalawa sa bawat puntos na ginagawa ni Number 7 para sa team nito. Pareho silang nag-aaral sa SRU at certified Rafaelians pero sa taga-Montenegro College sila sumusuporta. Hindi sa ayaw nila sa SRU pero mas feel nilang mag-cheer sa mga taga-MC. Sawang-sawa na sila sa mga player ng SRU at para maiba naman.

Napapatayo pa sa kanilang kinauupuan ang dalawa pag napupunta sa taga- MC ang bola. Kapwa pa sila pigil-hininga pag nagpapalitan ng bola ang dalawang team. Tuwang-tuwa at nagyayakapan pa ang dalawa sa tuwing gagawa ng puntos ang mga taga-MC lalo na si Number 7.

Sa totoo lang ay hindi avid fan or adik sa larong volleyball sina Noreen at Nikki. At kung tutuusin ay wala silang alam at pakialam sa laro. Nang malaman nila na magkakaroon ng exhibition game ay parang may kung anong espiritu ang pumasok sa kanilang katawan at naging interesado sila. Saka kailangan din talaga nilang umattend kasi may checking ng attendance at may penalty ang mga wala doon.
Sobra nang na-hook ang dalawa sa panonood ng laro. Naka-tutok talaga ang kanilang atensyon.

Napansin ni Noreen na may kumakalabit sa kanya. Si Lance! Sa sobrang pagkaaliw sa larong pinapanood ay hindi na niya naalala ang binata. Nawala sa kanyang isip na nasa tabi pala niya ito. Nilingon niya ito at umupo sa tabi nito.

" Oh, Lance I'm sorry masyado yata akong nalibang." hinging paumanhin niya.

" It's okay. Masaya akong nag-eenjoy ka. Pasensya ka na naistorbo kita."

" Wala yun. Bakit may kailangan ka ba?"

Muli ay lumakas ang hiyawan ng mga estudyante. Sa sobrang lakas ay di halos sila magkarinigan. Mukhang intense na ang game. Natuon ulit ang mata ni Noreen sa mga naglalaro.Lumapit ang binata sa dalaga at bumulong sa tenga nito.

" Gusto sana kitang imbitahan mamayang gabi."

Lumingon siya. Medyu maingay pa din.

" Saan? " pasigaw nitong saad.

"  I just want to celebrate with you na tayo lang at saka may sasa---"

Hindi nito natuloy ang sasabihin dahil naagaw ang atensyon ng dalaga sa laro. Muli ay naghiyawan ito kasama si Nikki.

" Anong sabi mo Lance? Sorry ulit ha." at muli ay umupo siya.

" Okay lang. Mamayang gabi susunduin kita sa inyo ha. Seven pm sharp."

" Okay." sagot niya at humiyaw ulit.

Katatapos lang ng exhibition game. Nanalo ang SRU laban sa MC. Halos dikit na dikit ang laban. Lumamang lamang ito ng tatlong puntos. Matapos ang laro ay masayang nakipag-kamay sa bawat isang manlalaro na malugod namang tinanggap ng bawat kupunan. Natalo man ang mga taga-Montenegro College ay maluwag sa loob nilang tinanggap iyon. Halos wala ng tao sa loob ng school gymnasium maliban sa mga players na nagpaiwan. Nagpahuling lumabas sina Noreen at Nikki kasi gusto nilang makita ang mga players ng Montenegro College lalong lalo na si Number 7. Masayang nakikipag-usap ang mga ito sa mga taga-SRU. Animoy parang mga close at magkakaibigan. Na parang nabura na hidwaan sa pagitan ng mga ito.

" Congrats guys! " bati ni Lance sa mga ito. Sumunod din sina Noreen at Nikki sa binata para bumati. Wala ang atensyon ng dalawa sa mga kaharap na taga-SRU kundi andun sa mga taga-MC na nasa isang tabi. Malaya nila itong pinanood habang nagpapahinga. They are all handsome kahit pawisan ang mga ito. Nawala ang mga masasamang impresyon sa mga ito dahil sa sportmanship na ipinakita ng mga ito matapo ang laban. Mga masasamang impresyon na nakatatak at dala-dala ng mga estudyante ng Montenegro College. Lahat kasi halos ng gulo at rambol sa buong San Rafael ay palaging may mga sangkot na estudyante na taga-MC. Na naging dahilan din kung kaya pinangingilagan ng mga ito lalo ng mga taga-SRU. Ang mga ito raw kasi ang palaging pasimuno ng mga rambol sa bayan. Hindi talaga alam kung ano ang punot-dulo kung bakit nagkaroon ng pagitan na naging dahilan kung bakit may alitan ang dalawang institusyon. Mukhang okay naman ang kinalabasan ng laro at sana ay ito na ang simula ng magandang samahan sa dalawang haligi ng edukasyong pang-kolehiyo  sa buong San Rafael.

They cant take away their eyes from the guy who wore jersey number 7. Pang-badboy ang mukha nito pero gwapo. Lakas ng dating at ang angas. Pero parang may kung ano dito na di nila maalis ang mga mata at pagmasdan ito. Para silang nagayuma na hindi makawala. Masaya itong nakikipag-kwentuhan at nakikipag-tawanan sa mga kasamahan. And that smile. Jusko makalaglag-panty. His eyes was dark as night. Expressive. Na para kang tutunawin sa mga titig. Na-hypnotize na ata sila. Kapwa tulala at wala sa mga sarili.

Pauwi na si Noreen sakay ng sasakyan niya. Hatid sundo siya ng kanyang driver na si Mang Simon. Isa sa pinakamayaman sa bayan ng San Rafael ang kanilang pamilya. Nagmamay-ari sila ng mga malalaking botika sa buong bayan. Maliban doon ay may mga negosyo pa sila sa may Maynila na mina-manage ng kanyang Papa at Mama. Masyadong workaholic ang kanyang mga magulang kaya kung minsan ay napapabayaan na siya. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang bunso at nasa ibang bansa ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Ate Nelly at sumunod naman ay ang kanyang Kuya Norman na nasa Cebu na may asawat anak na. Siya na lang ang natitirang anak sa kanilang bahay at kahit ni katiting na atensyon ay wala siyang nakukuha sa mga magulang. Masyadong busy ang mga ito sa pagpapayaman. She do things in her own way. Minsan pa nga ay naiisip niyang mas mahal at mahalaga ang kanilang negosyo kaysa sa kanya. Pero sanay na din naman siya. That's life and sometimes unfair.

Napabuntong hininga siya at napasandal. Para siyang hinihigop. Bigla siyang naghikab at napapikit ng mga mata. Inantok siya. Napagod siya sa buong maghapon. Enjoy na enjoy siyang mag-cheer kanina at mas excited siya para mamayang gabi. Susunduin siya ni Lance. Kailangan niyang maka-idlip sandali para may energy pa siya mamaya. Sandali pa lang siyang naka-idlip ng may biglang kalabog sa likod ng sasakyan. Napamulat siya at napabalikwas. Naging alerto siya at napatingin sa driver.

" Mang Simon, ano pong nangyari?" tanong niya dito. Natakot siya bigla.

Huminto ang sasakyan nila sa isang tabi.

" Binunggo tayo, Mam Noreen. " sagot ni Mang Simon.

Napatingin si Noreen sa likuran at isang itim na sasakyan ang kanyang nakita na nakahinto din. Agad na bumaba si Mang Simon para tignan ang likuran. Bumaba din siya. Nakita niyan yupi ang likurang bahagi ng sasakyan nila. Patay! Napangiwi siya. Siguradong pagagalitan na naman siya nito. Biglang nag-init ang kanyang ulo. Gusto niyang sugurin ang may-ari ng itim na sasakyang bumangga sa kanila. Naiinis talaga siya.

Anak ng pucha!

Napamura ito ng wala sa oras. Napangiwi na lang si Mang Simon sa tinuran nito.

I KNEW I LOVED YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon