9

3 0 0
                                    

Dalawang araw ang lumipas.

Kadarating lang ni Noreen sa kanilang bahay. Sadyang napaka-tahimik ng buong kabahayan. Medyu magulo ang kanyang isipan. Para siyang nanghihina. Napaupo siya sa sofa. Alas syete na ng gabi sa orasang nakasabit sa dingding. Pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siya. She closed her eyes. Lahat na lang ng tao ay iniiwanan siya. Sinasaktan. Walang nagmamahal sa kanya. Mag-isa na lamang siya at mukhang ito talaga ang kapalaran niya.

Hindi na umuwi si Cymon sa bahay nila after nang nangyare. Maging si Lance ay hindi na din nagpaparamdam sa kanya. Tinatawagan niya ito pero hindi ito sumasagot. Kahit sa mga text ay hindi rin nagrereply. Nag-aalala tuloy siya dito. Pati ang mga magulang niya ay hindi pa muling natawag. Ayaw naman niyang disturbuhin ang mga ito at baka nasa meeting din ang mga ito. 

Umakyat na lamang siya sa kanyang kwarto. Nahiga at nag-isip. Andami niyang realizations. Ramdam niya ang pag-iisa. Napayakap siya sa kanyang unan. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Wala siyang mapagsabihan. Wala siyang mapagkwentuhan ng mga oras na yun. She was alone and no one to turn to. Napahagulgol na lamang siya.Pinakawalan ang mga pinipigil na emosyon at bigat na nadarama. Nakatulog siyang hilam ng mga luha.

Pag- gising niya kinabukasan. Naka-uniform na siya ng bumaba sa komedor. Nagulat siya ng hindi madatnan si Nay Purita kundi iba ang makitang nagluluto. Si Cymon na naka-apron pa. Hindi na niya inaasahang babalik o makikita pa uli ito pagkatapos ng nangyare sa kanila. Aaminin niyang galit pa rin siya dito at hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nito. Hindi na sana siya tutuloy para kumain. Plano niyang doon na lang sa canteen kakain pero napansin na siya nito.

May nakahain ng pagkain sa mesa. Sinangag, hotdog, pritong itlog at bacon. May isang tasa ng kape at isang baso ng gatas.

" Kain ka na." alok nito ng makita siya na nasa pinto.

Pormal ang boses nito at kalmado. May simpleng ngiti sa labi. Bagong paligo at maaliwalas ang mukha. He looks fresh sa simpleng sando na pinatungan ng apron at short nito. Nag-alangan siyang lumapit. Hindi ito ang Cymon na kilala niya.

" Sige na, wag ka nang mahiya. Niluto ko talaga yan para sa yo." sabi pa nito.

Tinitignan niya ang mga pagkain nakahain. Nagugutom na rin siya pero hindi siya kumbinsido sa inaakto nito ngayon. Lumipat ang tingin niya sa binata. Parang maamong tupa ito sa hitsura nito. Naghihintay ng magigimg tugon niya. Umaasang pagbibigyan niya ito. Hindi lang siya sanay na ganun ito. Sa ilang beses nilang nagharap ay palaging hindi maganda ang impresyon niya dito. Parang weird lang ng biglaang pagbabago nito. Hindi niya alam kung nagbabait-baitan lang ito dahil sa ginawa nito nung nakaraan. Pagsusumamo ang nakarehistro sa mukha nito. At mukhang nag-effort talaga ito na ipagluto siya. Gutom na talaga siya kaya naupo na din siya sa hapag. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan niya ito. Agad niyang napansin na lumiwanag ang mukha nito.

Ikinuha pa siya nito ng plato pati na kutsara't tinidor at iniabot sa kanya.

" Salamat. " nasaad niya. " Si Nay Purita?" tanong pa niya. At unti-unting nilalagyan ng pagkain ang plato.

" Umalis kanina pa. May pupuntahan daw na importante. Sabihan na lang daw kita." sagot nito at pinatay ang gas stove. Hinubad nito ang apron at umupo rin sa upuan na katapat nito.

" Ikaw? Hindi ka pa kakain?" aniya at kinagat ang hotdog na nasa tinidor.

" Sige, kumain ka lang. Mamaya na ako."

Napansin ng dalaga na pinapanood siya nito. Tahimik lang ito at seryoso.Hindi tuloy siya mapakali. Hindi talaga siya komportable na may nanonood sa kanya habang kumakain. Nawawala siya sa konsentrasyon pag ganun. Dinig niya ang mga buntong-hininga nito. Parang may gustong sabihin pero hindi alam kung paano sisimulan.

Napaubo si Noreen. Maagap nitong inabot sa kanya ang gatas at agad niyang ininom iyon. She feel relief. Nawala ang barang nadama niya.

" Thanks." aniya ng makabawi.

" Dahan-dahan lang kasi. Maaga pa naman. Hindi ka pa naman male-late." anito.

" Wala ka bang pasok?" tanong ni Noreen dito.

" Mamayang hapon pa." sagot naman nito.

Tumango siya at nagpatuloy siya sa kanyang pagkain. Tumikhim ito. Napatingin siya.

" Uhm...Noreen. Pasensya ka na sa mga nagawa ko. " nahihiya pa nitong saad. Theres sincereness on his face as she can see through his eyes. Hindi siya umimik. Hinayaan niya lang ito magsalita. " For hurting you. For being so selfish. For being so stupid. Sa pagiging mahigpit ko sayo. Sa pagiging pakialamero. I know mali ang ginawa ko. I invade your life. Dapat alam ko kung saan lang dapat ako. Dapat hanggang sa pagiging bantay lang pero nahimasok pa ako. I'm so sorry for that. Nagulo tuloy ang buhay mo dahil sa akin. Sana mapatawad mo ako." he admitted.

Kitang-kita niya ang pagiging honest at sincere nito sa kanyang mga sinabi. Ramdam niya na galing iyon sa puso at hindi sa ilong. Hindi niya inaasahan na hihingi ito ng paumanhin at aaminin ang mga kasalanan. She appreciate that. And she believed him. Alam niyang hindi madaling umamin ng kasalanan at magpakumbaba but he do it. Parang natunaw lahat ng galit niya dito. Lahat ng hindi magandang impresyon ay nawala at napalitan ng magaganda. Natutuwa siya talaga.

Hindi na niya natuloy ang pagkain dahil sa mga narinig. Nabusog na siya sa mga sinabi nito. Hindi naman pala ito ganun kasama gaya ng pinaniniwalaan at nakikita niya. Still he does have his good side. Mali lang talaga na jinudge niya agad ito.

" No, Cymon. Its my fault also. I know you're just doing this because you dont want me to get hurt. Gusto mo lang akong protektahan. Ayaw mo lang akong mapahamak. Ako lang talaga ang sadyang matigas ang ulo at ayaw na sumunod. You're my guardian so I must obey you but I break your rules. Pero sana maintindihan mo kung bakit kita sinusuway kita. Simula pagkabata ko ay palagi na akong sunod-sunuran sa parents ko. I have no freedom. Hindi ko nagagawa ang gusto ko." tumigil pa siya. Gusto na niyang ibuhos lahat ng sama ng loob niya. Nagpatuloy siya.

" Hanggang ngayong dalaga na ako ganun pa din. Lahat ng galaw at desisyon ko naka-depende pa rin sa kanila. Never akong naging malaya. Na nasunod ang mga gusto ko. Minsan pakiramdam ko para na akong puppet. " at naging emosyonal na siya. Naiyak na siya at hindi na niya napigilan pa. " Pakiramdam ko mag-isa na lang ako. Wala akong maka-usap pag kailangan ko ng kausap, karamay pag may problema ako, hingahan ng sama ng loob at higit sa lahat never kong nadama sa parents ko yung oras ng magulang sa anak. Palagi na lang negosyo ang kanilang inaasikaso, inuuna. Busy sila palagi. Wala silang panahon para sa akin. Oo, nabibigay nila lahat ng kailangan ko pero iba pa rin. Kaya nung nalaman kung aalis sila labis akong natuwa kasi malaya ako pansamantala. At ang oras na dapat ay sila ang magbibigay kay Lance ko nakuha. He always there for me. I'm a time and attention seeker. And I found it with Lance. I'm very lucky to have Lance in my life. Kahit hindi pa alam ng parents ko ang relasyon namin. Masaya akong may isang Lance na andiyan para sa akin. So, I'm asking you Cymon. Wag mo akong isusumbong kina mama please?" paki-usap niya.

Tumango siya at pinahid ang mga luha sa mata ng dalaga. Hinawakan niya ang mga kamay nito. Gusto niyang maramdaman nito na maaasahan siya nito. He wants to give her assurance at naiintindihan niya ang pinagdadaanan nito.

" Whenever you need someone to talk. I'm here for you. Remember I'm your guardian you know."

Napangiti ang dalaga.

" Aasahan ko yan. " anito.

" Oo, ba."

Nagkatawanan silang dalawa.

" Tuloy mo na pagkain mo. Malamig na yang pagkain." anang binata.

" Sabayan mo na kasi ako para madali natin tong maubos. Pasensya ka na at nagdrama pa kasi ako."

Natawa ito.

" Sige na nga." at tumayo para kumuha ng plato.



I KNEW I LOVED YOU (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt