8

4 0 0
                                    

Lunes. Maagang nagising si Noreen. May pasok siya at kailangan niyang maghanda. Suot na niya ang kanyang uniform. Bumaba na siya para mag-almusal. Inaasahan na niyang makakasabay si Cymon para sa agahan pero wala ito. May pasok din ito. Hindi niya kung umuwi ito o hindi. Kung dumating ito ay hindi na niya alam baka tulog na siya.

Katatapos lang niya kumain. Inabot niya ang kanyang bag at tinungo ang garahe. Napansin niyang wala ang sasakyan ng binata. Nadatnan niya si Mang Simon na pinupunasan ang kanyang kotse.

" Magandang umaga, Mang Simon. Ayos na po ba ang kotse?" tanong niya.

Tumigil ang matanda sa ginagawa at tumingin sa dalaga.

" Ayos na mam Noreen. Hindi na halata yung yupi." sagot nito.

" Hay! Salamat. Mabuti naman po. Tara na po." yaya niya at sumakay na sa sasakyan.

Tumalilis naman ang matanda at sumakay sa driver side. Nag-seatbelt. Pinaandar ang makina at pinatakbo.

Kakababa lang ni Noreen sa sasakyan ng matanaw niya ang sasakyan ng kasintahan na paparating. Hinintay niya itong makaparada para sabay na silang maglakad at pumasok sa kani-kanilang klase.

" Hi, babe." bati sa kanya ni Lance ng maiparada at makababa mula sa sasakyan. Inakbayan pa siya nito.

" Hi." bati niya rin dito.

" Kamusta na yung pakiramdam mo?"

" Medyo okay na."

"Ah, oo nga pala susunduin kita sa huwebes. May victory party ang team pati na rin yung volleyball team. Isinabay na nila kaya I want you to be there when I received my MVP trophy again."

" Congrats, babe. You really deserve it." bati niya at ngumiti ng matamis.

Lalo pang humigpit ang akbay ng binata sa kanya. Pinangigilan siya nito. Tuwang-tuwa. Isang nakaw na halik ang ginawad nito sa pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa nito. Nahiya siya bigla dahil maraming estudyante ang nakatingin at naka-salubong sa kanila. Siniko niya ito sa tagiliran ng mahina dahilan para matawa ang binata. Hinayaan niya lang ito. Hindi na niya sinaway pa. Deserve naman nito iyon dahil sa achievements nito. Saka isa pa ay jowa na rin naman niya ito. Huminto sila sa paglalakad.

" Babe, wag kang magagalit ha. I want you to feel how much I love you. Wala akong pakialam sa sasabihin nila basta mahal kita. Gusto kong ipagsigawan sa kanila at sa buong mundo that you are mine now."

" Hmp! Alam ko naman yun. Ramdam ko naman. Kaya wag na wag kang magloloko kundi lagot ka sa akin." paalala niya.

" Never. Mahal na mahal kita alam mo yun. You're the one in here." sabay kapa sa dibdib. "Maniwala ka." dugtong pa nito.

" Oo na. Basta sinabi mo." sabay ngiti.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakaka-ilang hakbang pa lang sila ay agad na naman siyang ninakawan ng halik nito. Nagulat na naman ang dalaga. Sa pagkakataong iyon ay kinurot na niya ito sa tagiliran. Napa-iwas itong tatawa-tawa.

" Ikaw babe ha, abuso ka na." reklamo ng dalaga.

" Sorry I can't stop myself. I really love you."

Kinilig ang dalaga sa mga sinabi nito. Napaka-vocal at expressive ito sa pagsasabi na mahal siya nito. Mga katangian na nagustuhan niya dito. At lalo pang nagpa-inlove sa kanya sa kasintahan.

" I love you." bulong ng binata sa tenga niya.

" I love you, too." sagot niya.

Nasa corridor na sila. Kailangan na nilang maghiwalay. Magkaiba kasi ang kanilang klase at malayo pa ang lalakarin ng binata dahil nasa kabilang building pa ang unang klase nito.

I KNEW I LOVED YOU (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora