10

5 0 0
                                    

Tumawag ang mama ni Noreen sa kanya. Ipinaalam nito na mag-e-extend pa daw ang mga ito ng mga three days. Kaya nag-extend pa ng stay si Cymon sa bahay nila. Sakto din na walang pasok ngayon dahil local holiday sa buong bayan ng San Rafael. Kaya medyo masaya ang dalaga dahil they have the whole day para mag-bonding ni Cymon. May tatlong araw pa sila na magkasama kaya lulubus-lubusin na nila. Gusto niyang magkaroon sila ng mga good memories together bilang "bantay" nito at mapalitan ang mga bad experiences nila nung mga nakaraan. Ngayon pang nagkasundo at okay na sila.

Madalang nang tumawag si Lance sa kanya. Nagkikita sila sa school pero hindi na ito gaya ng dati pa. Hindi niya alam kung anong nangyare at kung bakit ito nagkaganun. Wala naman silang pinag-awayan na iba pa. Nagsimula lamang iyon ng mangyare ang paghaharap nila ni Cymon. Tapos bigla na lamang itong nagbago at nanlamig sa kanya. Ramdam at pansin niya iyon pero hinayaan niya lang. Baka lang kasi ay may pinagdadaanan lang ito. Handa naman siyang makinig dito pag kailangan nito ng kausap para saan pat naging girlfriend siya nito kung hindi niya ito madadamayan kaso mas pinili nitong dalhin iyon mag-isa. Baka ay hindi pa ito ready na sabihin sa kanya. Ayaw naman niyang mag-isip ng kung ano pa.

Nasa bakanteng lote sina Noreen at Cymon. Dala nila ang kotse ng dalaga at tuturuan kasi siya ng binata kung paano mag-drive. Kanina pa silang nandoon at paulit-ulit na tinuturuan. Nahihirapan ang dalaga sa pagkabisa  sa mga sinasabi at tinuturo nito kung anong hahawakan at tatapakan. Pero ang tiyaga nitong turuan siya. Ni hindi ito kinabakasan ng pagkainip o pagkainis sa tagal niyang matuto at makuha ang mga tinuturo. Very patience ito. Hindi ito nagsasawa na ulit-ulitin ang sinasabi. Kahit sino ay madaling matututo kapag ito ang magtuturo pwera ngayon sa kanya sadyang mabagal lang talaga ang pick-up niya. Nakakalito man ay enjoy na enjoy siya sa ginagawa nila. Masarap din pala itong kasama. Hindi ito boring. Palagi itong nagjo-joke na dahilan kung bakit napapahalakhak siya. Kahit corny ay bentang-benta sa kanya. May sense of humor talaga ito. Masarap kausap at masaya siya sa company nito. Hindi niya lubos akalain na ganito pala ang totoong personality nito --- kalog. Ibang-iba sa mga nasaksihan niya sa ilang beses nilang mga encounter. Ji-nudge niya agad ito without knowing kung ano at sino talaga ito. At mukhang nagkamali siya dun. Dont judge the book by its cover ika nga nila.

" Okay, tandaan mo lahat ng mga sinabi ko ha? Ano ready ka na ba?" tanong ng binata na nasa tabi niya.

Susubukan na kasing i-apply ni Noreen ang lahat ng mga tinuro nito. Nasa driver side na siya at hawak ang manibela.

" Medyo kinakabahan ako, Cymon." sagot ng dalaga.

" Wag kang kabahan. I know you can do it."

Bumaba ang binata ng sasakyan. Hahayaan siya nitong mag-drive mag-isa at wala ito sa tabi niya na magdidikta at aalalay.

" Ready?" tanong ulit ni Cymon na nakadungaw sa bintana.

Kinakabahan man ay pinaandar nito ang makina.

" Ready. " sagot niya.

Dahan-dahan na pinatakbo ni Noreen ang kotse. Unti-unti nang umuusad ito at napapangiti siya.

" Go, Noreen kaya mo yan." sigaw pa ni Cymon sa kanya.

Muli ay napangiti siya. Mas lalo siyang nagkaroon ng lakas ng loob. Naging kompiyansa na magawa at matutunan ang ginagawa. Tuloy-tuloy na ang kanyang takbo. Hindi masyadong mabilis pero umaandar at lumalayo. Naka-ilang metro ang tinakbo ng sasakyan. Tuwang-tuwa siya. Kitang-kita niya sa side mirror si Cymon na sumusunod sa likuran. She cant take off her eyes on him. Inihinto niya ang sasakyan at bumaba. Nagawa niya ang magdrive. Tumakbo siya pabalik sa binata.

" Cymon." sigaw niya sabay talon at yakap sa binata ng napaka-higpit. " I made it." saad niya sa sobrang saya. " Yes! I made it."

" Yes!  I know you can made it." anang binata.

Nakadama bigla ng hiya si Noreen sa  posisyon nila. Nakayakap siya sa binata. She could smell his perfume. She was so close to him. Pero maliban dun ay may iba pa siyang nararamdaman. Parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katauhan niya. Kakaiba ang dating niyon sa kanya. Animoy parang na-ground siya. She feel sparks between the two of them. Napabitaw siya.

" Sorry." at agad na lumayo dito.

" Okay lang."

" Cymon..."

" Hmm..."

" Thank you, ha?"

" For what?"

" For teaching me. For all the things  you did for me. For guiding me and for being there for me when I need you."

Ngumiti ang binata.

" Yun lang ba? Wala yun ano ka ba? Ako nga dapat ang magpasalamat sayo eh dahil sayo l learn to love... You."

" Anong sabi mo?" napakunot noo si Noreen.

" Wala, sabi ko thank you." sabay tawa at naglakad.

Naiwan ang dalaga. Hindi siya sigurado sa narinig kaya pinaulit niya. Pero parang hindi naman ang ganun ang sinabi nito. Sinundan na lamang niya ito.

Nung gabing iyon ay sabay silang kumain ng hapunan. Pagkatapos ay tumambay sila sa sala at nag-binge watching ng mga favorite series nila sa Netflix. Panay subo sila ng chichirya at umiinom ng soju na binili nila kanina sa isang convenience store. Halos sabay sila napapa-sigaw at tumatawa sa mga eksena na pinapanood nila. Enjoy talaga sila. Mas lalo na si Noreen na ngayon palang niya nagawa at maranasan na may kasabay at kasamang siyang nanood. Palagi kasing mag-isa siya pagnanood nun sa kanyang laptop sa kwarto. She cried, she scream and laugh alone. Kaya mas na-appreciate niya ngayon ang may kasama at may nakaka-usap. Nakakapalitan ng opinyon at mga reaksyon. Natutuwa siya na pareho sila ng hilig ni Cymon pwera na lang dun sa mga koreanovela na kilig na kilig siya pero nababaduyan naman ito. Hindi niya ito mapilit na manood niyon. They like the same korean actor too na si Ji Chang Wook. Mga action series lang daw nito ang pinapnood niya.

Naka-tatlong bote na sila at halos banginge na si Noreen. Nakahiga na ito sa hita ni Cymon na nakaupo sa lapag. Tapos na din ang pinapanood nila. Nakapatay na din ang laptop. Sanay uminom si Cymon kaya wala pa halos epekto sa kanya ang nainom nila. Pero si Noreen ay tuluyang tinamaan ng kalasingan. Mababa ng alcohol tolerance nito at hindi naman talaga sanay na uminom. Ewan niya ba at ito pa talaga ang nagyaya sa kanya na bumili ng soju na yun tapos di naman pala kaya. Nauna pa itong nalasing. Natatawa na lang siya.

Hinayaan niya lang ito na nasa ganoong posisyon at natutulog. Pinagsawa niya ang mata na pagmasdan ito. Hinawi niya ang buhok nito na tumatabing sa mukha nito. Napadampi ang kamay niya sa pisngi nito. Her cheeks is soft as cotton candy. That lips of her na nakabuka ng konti looks tempting to taste. Napakaganda ng dalaga. Napaka-amo ng mukha. Napaka-inosente. Parang baby na nasa mahimbing na pagkaka-idlip. Napaka-swerte ni Lance having Noreen at his girlfriend at na-iinggit siya. Hindi naman na lihim na may gusto siya sa dalaga. Klaro na sa kanya ang nararamdaman dito. He likes her. Nang una niya itong makita sa crowd na nagche-cheer sa kanya ay inagaw na nito ang atensyon niya. Kaya sa kadesperaduhan na makalapit at makilala ito ay nagawa niyang bungguin ang sasakyan. Such a stupid act of him pero ganun talaga siguro pag tinamaan ka na ni Kupido wala ka nang magagawa kundi sundin ito. At gumawa pa talaga ang universe ng way na mas makalapit at makasama pa niya ito. Just like this moment. He is super close to her. He has the chance to touch her face, watch her as she sleep. Ang swerte-swerte niya. Parang ayaw na niyang matapos ang sandaling ito at kung maaari ay ganun na lang sila habang buhay. Gumalaw ang dalaga at dumilat.

" Noreen." saad ni Cymon

Sa halip na sumagot ay umungol lang ito at pumikit lang ulit. Mukhang naalimpungatan lang at lasing pa din ito. Maingat na inalis ni Cymon ang dalaga sa pagkakahiga sa kanyang hita. Saka yumuko para buhatin ito. Pinangko niya ito. Napakabigat nito pero hindi iyon alintana ni Cymon. Kumapit pa ang dalaga sa leeg niya. Halos nakayakap na ito at dama niya ang mainit na hininga nito tumama sa leeg niya. Nagulo ang sistema niya at dama ang kakaibang sensayon na hatid niyon pero ayaw niyang bigyan ng pansin iyon. At wala siyang balak na pagsamantalahan ito sa kanyang kahinaan. He could feel his arousal down there pero isang pagkakamali ang iyon. He respect her at sa kanya ito ibinilin para bantayan at hindi sa kung ano pa man. Kailangan na nitong magpahinga. Kailangan na nitong maihatid sa kwarto niya.Mamaya na lang niya lilinisin ang mga kalat nila na naiwan. Ang mahalaga ay maging komportable na itong makapagpahinga. Nagtuloy na siya hanggang sa kwarto ng dalaga at maingat na inilapag ito sa kama. Inayos at kinumutan. And for the last time ay sinulyapan niya ito bago lumabas ng kwarto.




I KNEW I LOVED YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon