6

6 0 0
                                    

" Pag-siniswerte ka nga naman oo."

Anang isip ni Cymon. Masaya siya sa kanyang nalaman. Hindi niya inaasahan ito. It's really a surprise for him. Wala siyang idea na ito pala ang babantayan niya--- si Noreen. Wala rin naman nabanggit ang kanyang Tita Helen na ina ng dalaga tungkol dito. Basta ang sabi nito ay kailangan niya ng pabor mula sa kanya. Hindi naman siya nagdalawang-isip. Basta na lamang siyang umoo. Wala din sa isip niya na tanungin pa ang pangalan nito. Pumayag lang siya kasi nahihiya siyang tanggihan ito. Ibig sabihin lang nun ay may tiwala ito sa kanya.

Naging mag-business partner kasi ang kanyang mga magulang at ang mga ito noon. Kaya naging malapit na magkaibigan ang kanilang pamilya. Inaanak pa nga ng parents niya pangalawang anak nito na si Norman. Kaya naging magkumpare din sila. Pero sa tagal na magkakilala ng kanilang mga magulang ay wala siyang natatandaan na dinala ng mag-asawa ang anak nilang si Noreen. Ang mga nakakatandang kapatid lang nito ang kilala niya. Pero kay Noreen wala talaga siyang ideya.

Hindi maalis ang ngiti ni Cymon. He has a lot of time to know her. Makakasama niya ito sa loob ng mahigit na isang linggo. Magkasama sila sa isang bahay at babantayan niya ito. Napapangiti siya sa kaisipan iyong. And he's excited for the coming days.

Kakababa niya lang ng hagdan ng madatnan niya ang dalaga sa sala na may kausap sa telepono. Agad naningkit ang mga mata ng dalaga ng mahagip ang binata na nasa hagdan. Binalewala niya ito at itinuon ang atensyon sa kausap sa kabilang linya. Kausap niya si Lance. Panay ang pambobola nito sa kanya na labis niyang kinakiligan. Tatawa-tawa pa siya sa mga jokes nito.

" Corny mo ha." saad niya.

Biglang nawala ang ngiti niya ng makita ang binata na nakatayo pa rin sa may hagdan. Hindi pa rin pala ito umaalis doon. Nakikinig ito sa usapan nila. Para itong gwardya na nakabantay. Pinapanindigan talaga nito ang utos sa kanya. Nainis siya dito. Binigyan niya ito ng matalim na tingin.

" Sige, see you tonight. Love you!" at agad na tinapos ang usapan.

Muli ay binalingan niya ang binata. Pinasadahan niya ito ng tingin. Naka-bihis na ulit ito. Naka-short at sando lang ito. At home na at home sa kanyang get up. He's like a model. Very natural habang nakapamulsa ang mga kamay. Everytime she see him lalo itong guma-gwapo sa kanyang paningin. Pero bumalik sa alaala niya ang nakita niya kanina sa kwarto. At malinaw pa din iyon.

" Tapos na ba? How do I look?" tanong nito na labis niyang ikinabigla.

Agad siyang nagbawi ng tingin dito. Kanina pa pala siyang nakatunghay dito. Napahiya siya konti sa inakto niya. Tumayo na lamang siya para iwasan ito. Hindi pa siya nakakahakbang ng magsalita na naman ito. Napatigil siya.

" Sino yung kausap mo? " seryosong tanong nito.

Nagsalubong ang kilay niya.

" Pakialam mo wala ka na dun." inis niyang sagot.

" I'm asking you. Sino yun? Boyfriend mo ba? " ma-otorisadong tanong nito.

" Oo, ano ngayon? Hindi ka ba tinuruan ng good manners?"

" Alam ko ang ginagawa ko. Matagal na ba kayo nun?"

" Could you please stop questioning me. I do not owe you any explaination. And please stop acting like my mom cause your not." galit niyang wika. " Saka ang trabaho mo lang magbantay hindi mangi-alam." diin pa niya.

" Still I'm your guardian here. Lahat ng mga planong mong gawin at desisyon will consult me first. It's depend upon me kung papayagan kita o hindi ." paninindigan pa din nito.

Napabuntong-hininga si Noreen at napa-tawa ng pagak.

" Your sick!" saad niya at nagmadali siyang tumalikod dito.

Naghahanda si Noreen para sa date nila ni Lance. Nag-aalangan at the same time ay namomoroblema siya kung paano siya makaka-alis. Sigurado siyang binabantayan siya ni Cymon. Sigurado siyang hindi siya makaka-alis basta-basta. Pero siya pa rin naman ang masusunod at walang makakapigil sa kanya. Gusto niyang patunayan dito na hindi niya kailangan ng presensya para bantayan siya. Na kaya niyang mag-desisyon. Na kaya niya ang sarili niya.
Katatapos lang kumain ni Noreen ng hapunan. Nauna na siya kasi ayaw niyang makasabay ang binata. Agad siyang nagkulong sa kanyang kwarto para sa kanyang paghahanda.

Masayang pinagmamasdan ni Noreen ang sarili sa salamin. Suot niya ang isang simpleng cocktail dress na bumagay sa kanya. Napaka-simple lang niyon tignan habang suot niya. Light make-up lang ang kanyang nilagay sa kanyang mukha at kaunting lipsticks sa kanyang labi.
It's their official first date and she's very excited. Matagal siyang naghintay na maging sila. And this is real. Hindi na rin siya nanaginip. Hindi na rin siya nangangarap at nakatanaw dito. Sulit ang kanyang paghihintay. It was all worth it. Walang mapaglagyan ang saya na kanyang nararamdaman.

Pasado- alas syete y media ng gabi. Handa na siyang umalis. Nasa baba na daw si Lance at hinihintay na siya. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang kwarto. Maingat na isinara ang pinto. Para siyang tipaklong na tatalon-talon. Ingat na ingat na makagawa ng ingay. Binitbit niya ang kanyang sandals habang bumababa ng hagdan.
Maingat siyang nakarating main door. She open the door silently. Bago pa siya lumabas ay nilingon pa niya ang buong kabahayan. Nag-aalala siyang baka mahuli siya ni Cymon. Wala itong kaalam-alam na aalis siya. Tiyak niyang nasa guest room na ito at nagpapahinga. Ni anino nito ay wala siyang nakita. Alam na niya na kahit magpaalam pa siya dito ay di pa rin naman siya nito papayagan. Magsasayang lang siya ng laway sa pakikipag-usap dito. Maiinis lang siya at maba-badtrip dito. Mukhang talagang pinapanindigan talaga nito ang kanyang pagiging "bantay". Mas mabuti ng ganito theres no need to exert more effort tapos wala din. Hindi rin pala siya makakaalis. Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyang makalabas ng pinto. Nagtuloy-tuloy na siya sa gate at walang lingon-lingon. Kailangan na niyang magmadali para makaalis. Baka mapansin pa ni Cymon na wala siya at umalis ng bahay. Mabubulilyaso pa ang kanilang plano.
Agad na siyang sumakay sa kotse ni Lance na kanina pang naghihintay sa kanya. Doon na lang din niya isinuot ang sandals niya.

" Are you okay?" tanong pa ni Lance ng makapasok ng kotse.

" I'm fine lets go." aniya at agad na umalis sila.

Mula sa taas ng bahay. Sa kwartong kinaroroonan ni Cymon ay tanaw niya at kitang-kita ang pag-alis nito. Hindi niya nilubayan ng tingin ang kotse hanggang hindi ito nawawala sa paningin niya. Nanghina siya bigla at napahiga sa kama. Nakadama siya ng kakaibang pakiramdam. He had never felt this kind of feeling. For the first time he felt jealous. And he couldn't take it.

Sanay kasi siyang siya lang ang pinag-aagawan at pinag-seselosan. Minsan pa nga ay iniiyakan ng mga babaeng gusto siyang maging boyfriend. Well that's life. Hindi niya kasalanan na ipinanganak siyang may itsura. Idagdag pang mayaman din siya. They should blame his parents if thats the case. His only human and natural to act this way and to feel this kinda feeling.

Hinayaan niya na lang ang dalaga. Palalampasin na niya muna ang ginawa nito for now. Pero sisiguraduhin niyang the remaining days ay sa kanya at sa dalaga lang. Patitinualin niya ito kung kailangan. Napabangon siya ng tumunog ang phone niya. Si Gary ang tumatawag. Isa sa mga kabarkada nito. Agad niyang sinagot iyon.

" Oh, brod, napatawag ka?" bungad na tanong niya.

" Tara labas tayo. Nag-aaya si Philip. Libre niya daw." sagot nito mula sa kabilang linya.

" Anong okasyon?"

" Wala. Basta na lang nag-aya. Tara na baka magbago pa ang isip nun."

" Okay, sige. Magbibihis lang ako."

" Sige bilisan mo. Kita-kits na lang tayo dun sa dating lugar ha."

" Oo ba. Sige. " patapos niyang sabi at pinindot ang end call button. Nagmadali siyang nagbihis. Medyo maaga pa naman pero mas mabuting makarating doon ng mas maaga. Minsan lang magyaya ang kabarkadang si Philip kaya hindi niya dapat ma-miss iyon.



I KNEW I LOVED YOU (Completed)Where stories live. Discover now