11

3 0 0
                                    

Huwebes ng gabi. Hindi sinundo ni Lance si Noreen. Tinawagan lamang siya nito at sinabing hindi na siya masusundo pa. Halos tatlong araw ang lumipas bago siya tawagan nito. Kaya nagpahatid na lamang siya kay Mang Simon papuntang eskwelahan.

Nasa school auditorium ginanap ang victory party. Halos lahat ng estudyante ay nandoon at enjoy na enjoy sa sayawan. Naghahanap ang mga mata ni Noreen. Gusto niyang makita si Lance at kausapin ito. Pero ni anino pa nito ay hindi pa niya nakikita.

" Oh, Noreen bat nandyan ka? Tara sayaw tayo." yaya ni Nikki ng makita siya.

" Ah...ha, sige."

Hinila na siya nito papunta sa may gitna at nakihalo sa mga nagsasayaw. Hataw na si Nikki pero siya ay mabagal pa sa pagong kung gumalaw. Tipid na tipid ang galaw niya. Hindi sa hindi siya marunong sumayaw pero wala ang kanyang isip doon. Wala ang atensyon niya sa pagsasayaw. Umiikot at kung saan-saang dako pumupunta ang kanyang paningin. Umaasa siyang makikita ang kasintahan.

Kahit wala siya sa mood ay pinilit niyang makisaya, makipag-sayaw at makipagtawanan sa mga kaklase. Nagkunwari siyang napapagod kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na maka-alis at hanapin si Lance. Tiyak niyang hindi siya tatantanan ng mga ito pag hindi siya magdadahilan. Nasa gilid siya ng auditorium nagsimulang maghanap. May ilang estudyante kasi ang nakatambay sa labas. Nakasalubong niya si Rob.

" Rob, nakita mo ba si Lance?" tanong niya rito.

" Naku, Noreen hindi eh." sagot nito.

" Ganun ba? Sige salamat."

" May kailangan ka ba sa kanya?"

" Gusto ko sana siyang makausap. Hindi rin sumasagot sa tawag ko eh."

" Sige, pag nakita ko siya sasabihan ko."

" Thank you, Rob."

" Sige. " ngumiti pa ito saka umalis.

Nagpatuloy pa siya sa paghahanap. Halos lahat na yata niya ay napagtanungan niya pero iisa lang ang mga sagot nito --- hindi nila alam.  Napagtanungan niya din ang ilan sa mga team mates ni Lance pero wala ding alam ang mga ito kung nasaan. Ang sabi lang ng mga ito ay nandoon na raw ito kanina pa. Hindi lang nila alam kung san nagpunta.

Medyu pagod na siya kaka-ikot. Halos mabingi na siya sa lakas ng sounds. Parang hindi na siya makahinga sa loob sa sobrang siksikan. Lumabas siya ng auditorium para makalanghap ng hangin. Pumunta siya sa may gilid. Wala na ang mga nakatambay doon kanina. Halos lahat na ata ay nasa loob na at nag-e-enjoy. Naglakad pa siya hanggang sa nakarating na siya sa may engineering building. Hindi niya alam kung ano basta parang may bumubulong at humihila sa paa niya na pumunta doon. Medyu weird ang kanyang pakiramdam pero nagpatangay lamang siya. Malakas din ang pakiramdam niyang may kakaiba doon.

Isang ingay ang kanyang narinig. Inagaw niyong ang kanyang atensyon. Nagmumula iyon sa likod ng building. Mas lalo pa siyang lumapit doon. Medyo malayo na siya sa auditorium kaya hindi na rin ganun kalakas ang sound system. Parang tinig iyon ng isang babae na umuungol ang kanyang narinig. Mas malinaw at mas malakas habang papalapit siya roon. Binalot siya ng takot pero pinilit niyang labanan iyon. Balita-balita pa naman sa buong campus ang kwento-kwento tungkol doon sa babaeng nakaputi na nagpapakita doon. Gusto niya ring malaman kung totoo nga iyon. Kahit na madilim ay buong tapang siya na dumiritsu. Hindi niya alam kung anong dahilan ng mga ungol na iyon. Na-curious talaga siya. Isang tinig muli ang kanyang narinig at sa pagkakataong ito ay lalaki naman iyon.

" C'mon baby, you can do it." anang boses ng lalaki.

Ungol ulit ng babae ang muli niyang narinig. Louder and more intense. Mas lalo pa siyang naging pursigido na tuluyang lumapit doon. Mukhang may ginagawang milagro ang mga ito roon. At dito pa talaga sa eskwelahan? Maingat siyang humakbang para hindi makagawa ng ingay. Gusto niyang malamang kung ano ang ginagawa at kung sino ang mga ito. Nagtago siya sa hindi mapapansin ng mga ito. Palakas ng palakas ang mga ungulan. Kahit walang ilaw ay kita niya ang lugar dahil sa sinag ng buwan na bilog na bilog. At nanlaki ang mata niya. Napahawak siya sa bibig sa sobrang pagkabigla sa kanyang nakikita. Isang lalaki at babae ang kanyang nakita na nasa aktong may ginagawang kalaswaan. They are having s*x. Tama nga ang hinala niya. Huling-huli niya ang mga ito. Hindi niya maaninag ang mga mukha nito. Pero kita niya ang ginagawa ng mga ito.

I KNEW I LOVED YOU (Completed)Where stories live. Discover now