4

6 0 0
                                    

" Oh, Lance I'm so sorry."

Hinging paumanhin ni Noreen kay Lance ng magkita sila sa eskwelahan. Nabanggit kasi ng mama niya na may dumating na isang lalaki kagabi na hinahanap siya. Doon niya naalala na susunduin pala siya nito. Pero dahil na rin sa pagod at dahil na rin sa lalaking nainkwentro niya ay nawala na sa kanyang isip ang kanilang lakad. Napahimbing ang tulog niya kaya wala na sa isip niyang tawagan man lang ito at ipaalam na hindi siya pwede. Kaya maaga siyang pumasok. Inaamin niyang it was her fault.

" I'm really sorry Lance. I forgot nakatulog na kasi ako sa sobrang pagod. Nakalimutan ko na ding tawagan ka. I'm so sorry talaga." sincere niyang hingi ng paumanhin.

" I understand. Baka hindi ka rin payagan kagabi." seryosong niyang sagot.

Halatang medyo nagtatampo ito. Tumabi ang dalaga dito at niyakap ito.

" Galit ka ba?" tanong ni Noreen.

" Hindi." walang gana nitong sagot.

" Galit ka yata eh." pilit ng dalaga.

" Hindi nga."

" Lance, sorry talaga. Babawi na lang ako next time. Ngiti ka naman please?" pakiusap niya." Sige na, please." paglalambing pa nito.

Pilit itong ngumisi.

" Yung totoong ngiti. Ano ba? Galit ka talaga yata eh. Sige ka papangit ka niyan. Ikaw pa naman ang pinakagwapong team captain ng SRU."
Lihim na natuwa ang binata sa sinabi nito. Parang gustong tumalon ang puso niya. At hindi na niya napigilan pang ngumiti ng ubod tamis.

" Yehey!" bulalas ni Noreen sa sobrang tuwa. " Hmmp! Sarap mong kurutin." pangigigil niya sa pisngi nito.

Lalo pang napangiti ang binata. Tamang-tama na tumunog ang bell para sa susunod na klase. Magkahawak kamay silang nagtungo sa kanilang mga klase na kapwa may mga ngiti sa labi.

Hapon. Sabay na umuwi sina Lance at Noreen. Naka-akbay pa ang binata habang naglalakad sila papuntang parking area. Labis-labis ang katuwaang nadarama ni Noreen ng mga sandaling iyon. Napapatingin pa ang ilang mga estudyante sa kanila. Mukhang alam na niya ang mga iniisip ng mga ito. Hindi pa naman sila official na mag-jowa pero parang ganun na rin. Hindi naman lihim sa lahat ang pagiging close nila ni Lance. Masaya naman siya kung ano man meron sila ng binata.
Ang binata ang maghahatid sa kanya pauwi. Nasa talyer kasi ang kanyang sasakyan at pinapaayos ang nayuping likuran niyon. Idinaan lamang siya kanina sa eskwelahan ni Mang Simon saka itinuloy ang sasakyan sa pagawaan. Mabuti na lang at hindi napansin ng kanyang mga magulang ang sira ng sasakyan niya. Isang araw na seremonya ang tiyak niyang maririnig mula sa mga ito lalo na sa kanyang mama at posible ding mawalan ng trabaho si Mang Simon dahil doon. Nakuntsaba na niya si Mang Simon sa mga sasabihin nito sakaling magtanong ang mga nito.
Kasalukuyan ay palabas na sila ng poblacion sakay ng kotse ni Lance. Habang nagmamaneho ang binata ay lihim niya itong pinagmamasdan. Ito na yata ang pinaka-gwapong team captain na nakilala niyam. Ang Mister Hardcourt ng SRU. Ang MVP ng basketball at ang kanyang love of her life. Napapangiti siya pag-naaalala niya ang mga katagang "love of her life" at para sa kanya isa lang ang tinutukoy niyon ang kanyang pinakatatanging si Lance Galvez.
What if kung nobyo na niya si Lance? What if kung sila na nga talaga? What if kung sila talaga ang itinadhana hanggang sa huli? What if kung... Andaming what's if na tanong ang naghihintay ng kasagutan. Maraming tanong tumatakbo sa kanyang isipan. Siya na siguro ang pinaka-masayang tao sa mundo kung masasagot at mangyayari ang mga iyon. Muli ay pinakatitigan niya ang binata. She love watching Lance. She never felt boredom whenever they together. She really enjoy his company. Mabuti na lang at may Lance siyang nahihingahan ng mga sama ng loob, ng mga problema, pag kailangan niya ng kausap, tagapakinig at takbuhan pag hindi na niya kaya. She owe him a lot. Nagpapasalamat siyang palagi itong andiyan pagkailangan niya ito.

I KNEW I LOVED YOU (Completed)Where stories live. Discover now