1

629 14 0
                                    

"Lisa." Nagulat ako nung may biglang nagsalita sa likod ko habang kumukuha ako ng shots dito sa field "Sa palagay mo ba makukuha mo yung mga gusto mo gamit yang kamera?" At sa tono ng boses nito at mga tawanan ng kasama niya kilalang kilala ko na agad kung sino ito..

"Suho, andyan ka pala." Sabay tango ko sa kanya
"Sinabi ko naman kasi sayo na ituloy mo na lang yung pagsasayaw mo Lis......"

Hindi ko na siya pinakinggan pa at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.. Wala ng bago.. tuwing nagkikita naman kami gantong ganto ang eksena, Aakalain mong kontrabida si Suho na bubullyhan ako at sisirain yung camera ko pero hindi.. Kapatid ko siya at mahal kasi ang kamera ko kaya hindi niya maiisipang basagin to.

Dudugo na sana ang tenga ko sa sobrang daming sinasabi ni Suho, sa awa naman ng Diyos biglang dumating ang bestfriend kong si Seulgi na nahalata atang naiirita na ko sa kapatid ko
"Lis! Tara na't may pupuntahan pa tayo!" Sabay akbay sa akin at bumulong pa na magpasalamat daw ako sakanya at iniligtas ko siya.
"Sige Suho mauna na kami." Sabi ko sa kanya at inayos ang mga dala kong gamit
"Ingat kayo, Lis.." rinig kong tugon niya bago kami makalayo..

"Lis, anong plano mo pagtapos grumaduate? Ilang araw na lang oh."

Shit.. Wala pa rin pala akong plano.

"Ikaw anong plano mo?" Tanong ko kay Seulgs
"Tangina mo hindi mo naman sinagot tanong ko!" Napatawa na lang ako kasi salungat talaga kami.. Siya, maraming plano para kumita ng pera at ako wala pa ring plano..
"Tara sa doon sa agency ng kuya mo?" Pag-aalinlangan niyang tanong sa akin dahil alam naman niyang hindi maayos ang relationship namin ng kapatid ko at singer siya sa YG ent. na sinasabing agency ni Seul "Narinig ko marami daw maganda at sexy don!" Napatawa na lang ako at pumasok na sa room namin ni Jisoo, ang boardmate ko..
"Jisoo, Doon tayo mag apply sa company ng kuya ni Lisa ha! Sure na to ah Lisa wag kang KJ" Sabi ni Seulgi sa amin napatawa at pikit na lang ako sa sobrang pagod sa buong magdamag na paglilibot sa buong campus.. Magtatapos na kasi ang klase at gagraduate na rin kami, kahit pa ayaw talaga ng pamilya ko itong kinuha kong course na photography..

Sa wakas maipapakita ko na rin sa kanila na magiging successful akong photographer balang araw

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.







Makalipas ang ilang araw

"MANOBAN GISING NA'T LALARGA NA TAYO!!" Sigaw ni Jisoo na siyang nagpagising sa tulog na tulog na kaluluwa ko. "OO NA UMALIS KA NA SA HARAPAN KO YAWA KA!" Sagot ko, ngayon na kasi ang pinakahihintay naming araw..

"GAGRADUATE NA RIN TAYO SA WAKAS!!!" Excited na sabi ni Seul "Mamimiss ko tong board niyo" Habang niyayakap yung pader nitong kwarto ko

Parang mga baliw talaga tong kaibigan ko.










Matapos ang graduation ng barkada...

"Cant believe na may diploma na rin tayo tapos trabaho na may pangkain na rin kayo mga mahihirap na nilalang" sabay tawa ko habang kausap ang barkada

Andito kami ngayon sa bahay nila Jisoo para mag celebrate kasama ang ibang kaibigan ni Jisoo
"Fuck you Manoban pakain ko sayo tong wallet ko eh" At natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Seul
"Next week mag apply na tayo dun sa sinasabi ko ah..." Gustong gusto talaga ni Seul sa YG Ent. Hindi ko naman siya masisisi kasi halos lahat gustong makapasok doon at tatlo kami nila Jisoo ang mapalad na tinawagan ng YG para i-interview.

"Ayon kita mo yun? Si Irene?..." Sabay turo sa kinatatayuan nila Chae at Irene "Pwede nating backer yan para tanggap agad tayo" bulong sa akin ni Seul..
"Ulol hindi porket isa siya sa sikat na artista doon eh matik pasok na tayo atsaka loko ka ba hindi nga natin yan kaclose??" Sabay kotong ko sa ulo niya
"Mag ready na lang tayo para may chance naman tayo na makapagtrabaho doon" buntong hininga kong sabi at pinagmasdan si Irene

"Wowers makatitig ka naman kay Madam Irene ha" Biglang sabi ni Jisoo na hindi ko alam kung saan nanggaling,
"Maissue ka hindi ba pwedeng naaprecciate ko lang yung mukha niya???" Inalis ko na lang ang titig ko kay Irene at ibinaling ang atensyon ko dito sa alak na hawak ko sabay punta sa pool side ng bahay nila Jisoo






Irene

"Sis tingnan mo si Manoban nakatingin sayo.." Sabay tawa ni Chae sa akin
"Sino?" Sagot ko..

Grumaduate na kami't lahat hindi ko pa rin kilala itong Manoban na sinasabi nila, Para ngang mas artista pa to kaysa sa akin sa school namin eh

Ilang minuto lang napagpasiyahan kong magpahangin muna sa pool nila Jisoo ang crush na crush ni Chae..
Sa pagpunta ko sa pool may napansin akong babae na kumukuha ng shots dito
Umupo na lang ako dito sa gilid ng pool malayo sa kanya baka makaistorbo pa ko

Nang biglang nasilaw ako sa flash na galing sa kamera niya
"Ano ba??!" Pasigaw kong tanong sa kanya
At di naman niya ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagkuha ng shots sa akin..

"Ilang araw lang na di ko nahawakan tong kamera ko ang pangit na ng mga kuha ko" Habang tinitingnan niya ang mga kuha niya..

Ay wow sinasabi niya bang pangit ako???

"Excuse me? Kahit kailan hindi ako naging panget sa mga kuha sa akin no??!" Sigaw ko sa kanya at dala na rin siguro ng alak kaya nabato ko yung tsinelas ko sa kanya na siyang tumama sa labi niya








Lisa

Ang ganda ng mga labi niya

Titig ko sa babaeng nakuhanan ko nang bigla akong matamaan sa labi ng tsinelas,

"Putang..." Pagharap ko ay nagulat ako na si Irene Bae pala itong nakuhanan ko.. Magsasalita na ulit sana ako para humingi ng sorry pero tinawag ako ni Seul para maglaro

"Hindi ka man lang magsosorry sa pagkuha mo ng litrato sa akin???!" Galit na sabi ni Irene..

Sobrang sungit ng babaeng to

Kaya naman naisipan kong inisin na lang siya lalo..
"Hindi! Buburahin ko rin naman to sayang lang sa storage!" Patawa kong sabi sa kanya na lalo niyang kinainis
"At saka ang baho ng tsinelas mo ganyan ba talaga ang mga artista???" Pahabol kong sabi at pumasok na sa loob..

Tinitigan kong muli ang mga kuha ko sa kanya at isa lang ang masasabi ko..

Perfect nga ang isang Irene Bae.

kamera-lisreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon