7

167 7 0
                                    

Jisoo

"WOW GISING NA ANG LABERBOY NATIN DITO SEULGS!" Nagulat ako nang maaga magising itong si Lisa.. Kasi minsan ito ang pinakalate sa aming tatlo magising.. Pa VIP kasi

Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Mukhang masaya tayo dyan Manoban ha. Tingnan mo mukhang tao ka na!" Pang aasar sa kanya ni Seulgs na siyang ikinatawa ko.

Minura niya lang kami at agad nang nagpaalam papuntang YG


"Inlove na talaga bata natin Chu.. Parang dati lang may gatas pa sa labi yun" Tinawanan ko na lang si Seulgi at agad na naghanda para umalis na rin.

I just hope na ibigay na kay Lisa itong kasiyahan niya.
Sana.




































Lisa

Pagpasok ko sa building ng YG ay agad na nahanap ng mga mata ko ay si Irene..

Pero agad nawala ang ngiti ko nang makita kong may kausap siyang isang tao

Suho...

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong relasyon ang meron sila ni Suho, Dahil hindi naman kami close ng kapatid ko kaya hindi na rin ako nagtatanong.

Ayoko rin magtanong kay Irene.. Ewan ko baka kasi pagsisihan ko ang sagot niya, hindi naman sa nega ako.. Pero kasi sa paraan ng pag uusap at mga tawa nila ay alam kong espesyal ang relasyon nila..

Kagaya ngayon, Iba ang kislap ng mata ni Irene.. Ganyan din naman siya tumingin sa akin diba?

Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila at dumiretso na sa studio.

Ngayong araw kasi ay malamang sa malamang ay busy ako dahil bigating magazine at bigating tao daw ang kukuhanan ko.

"Wends, Wala pa? Mukhang VIP yun ah" Pagbibiro ko kay Wendy na kinatawa niya

"Lapit na yun Lis, Worth the wait naman to eh." Sabay ngiti niya na lang sa akin




Ilang minuto na ang lumipas at dumating na rin ang hinihintay namin.









"Hoy wends si Jennie Kim ba yan? Tangina idol ko yan." Pabulong kong sabi sa kanya at kinontrol ang sarili ko dahil idol na idol ko talaga to.

"Oo tanga wag kang mag gay panic! Photographer ka dito!" Pasigaw niyang bulong sa akin habang tumatawa.

"Hello, Im sorry late ako! May kinausap lang ako sa baba.." at kita naman sa mukha niya na hindi siya nagsisinungaling o talagang bias lang ako kasi idol ko to?

"Hi.. Its okay Miss Jennie, Hindi naman kami masyadong naghintay dito!" Pagdadahilan ko at agad naman akong kinurot ni Wendy.


"By the way, Okay lang ba mag stay mga friends ko dito? Hindi naman sila masyadong maingay and artists din sila dito." Sabay ngiti niya sa akin.. Wala na rin akong nagawa at sumangayon.



"Lets start!" Sigaw ko at nagsimula ng kuhanan siya.










































Irene

Nandito kami ngayon ni Suho, Nagkwekwentuhan at hindi mapigilang hindi tumawa sa kwento niya.

"Ayon yung kotse ko naihian ng aso tapos nung sinita ko........."

Nang biglang parang nahagip kong nakatingin sa amin si Lisa.. Tatawagin ko na sana siya nang bigla na lang siyang umalis..
Akala ko babatiin niya man lang ako.. Pero mukhang busy siya ngayon kaya pinagwalang bahala ko na lang tampo ko sa kanya




kamera-lisreneWhere stories live. Discover now