8

152 7 0
                                    

Lisa

"Tangina Chu patay na ata tong si Lisa, Alas dos na di pa rin nagigising"

"Buhusan na kaya natin ng tubig to?"

Nagising ako nang marinig ko ang mga bunganga nitong dalawang ulopong

Sobrang sakit ng ulo ko, At wala akong maalala sa mga pangyayari kagabi. Sana naman wala akong ginawang nakakaloko

"Umalis nga kayo sa paligid ko" Mahina kong sabi sa kanila dahil wala talaga akong energy para makipagtalo.

"Ay pinapaalis na tayo Seulgs?? Pano ba yan.. Wag nalang natin sabihin yung pinapasabi ni Irene."

Napabangon ako sa sinabi Jisoo at agad agad siyang tinanong kung ano ang tungkol kay Irene.

"Wala matulog ka na ulit dyan boss, sabihin na lang namin ayaw mo mabasa text niya!"

Wala na akong nagawa kundi habulin sila sino ba namang hindi magigising kung si Irene ang usapan

Pagkatapos kong guluhin at magbigay ng kapalit na 100 pesos ay agad na nilang binigay sa kin ang message ni Irene sa phone ni Jisoo.

Irene                                           1:30 pm

Hi Jisoo! Can you check Lisa for me? And bigyan mo na rin siya ng gamot for hangover! Pakisabi rin na wag niyang kalimutan yung lakad namin ngayon, Since I promised her a treat :)

Napangiti na lang ako dahil sa mensahe ni Irene

"Tanginaaaa kilig hanggang buto amputa" At narinig ko nanaman ang boses nitong epal na Seulgi na to

Pero umurong ang kilig ko nang maisip ko na maalalahanin lang talaga siya, Malay mo ganto niya lang talaga itrato ang mga kaibigan niya.












Hindi ko na lang pinansin si Seulgs at agad na naligo at nag ayos dahil ngayon pala ako ililibre ni Irene.



"LIS! PASALUBONG HA" sigaw ni Jisoo sa akin nang makita niya akong paalis na


Hindi ko pa rin maalala kung anong nangyari kagabi ang alam ko lang kasama ko si Irene, Kung hindi ba naman ako pinilit ni Wends uminom eh.








Pagkaraan ng ilang minuto ay nandito na ako sa sinasabing lugar ni Irene, Masyadong magarbo.. Mabuti na lang at mukhang maayos naman ang suot ko.
Mukhang pangmayaman ang mga pagkain at mga kumakain.


"Miss? Any reservation?" Tanong sa akin ng babaeng nagngangalang Joy.. Lahat ata ng nagtratrabaho dito ay mayayaman din. Mukhang naliligo sa gatas ito.

"Uh yeah, Irene Bae's" Sabay ngiti ko sa kanya at agad naman niya akong sinamahan sa table.

"Mukhang hindi ka sanay sa gantong lugar ah" Pagbibiro sa akin ni Joy

Hindi talaga ako sanay sa ganto kasi sa tuwing iimbitahin ako ng magulang ko ay tumatakas ako kasama si Seulgi.

Tumawa na lang ako sa biro niya at nagpasalamat sa pagsama niya sa akin dito sa table.



































Lumipas ang kalahating  oras ay wala pa rin akong nakikitang Irene sa harapan ko. Siguro'y traffic lang kaya ganon.
Bigla namang lumapit ang isang waiter sa akin para magtanong kung oorder na ba ako.

"No, may hinihintay ako"







































kamera-lisreneWhere stories live. Discover now