2

247 11 0
                                    

Lisa

Maaga kaming umalis nila Jisoo at Seulgi papuntang YG ENT.
Nakakaba pala to namamawis na rin ang kamay ko dahil sa sobrang kaba

"Uy Lalisa kabado bente ka na nyan?" Sabay tawa ni Seul sa akin
parang walang katense tense sa katawan tong damuhong to
"Manahimik ka dyan" Sagot ko na lang sa kanya dahil sobrang kabado talaga ako
"Relax lang kasi Lis! Kita mo kami ni Seul walang ka-daga daga sa dibdib" Sabi ni Jisoo habang minamasahe ang braso ko
"Tanga wala ring daga sa dibdib si Lisa! Wala nga yang dibdib eh" At sabay pa silang humagalpak ng tawa
Sasagot na sana ako ng biglang..

"Lalisa Manoban, Tawag na po kayo ni Boss"



This is it! Pancit! Kaya mo to Lisa








Matapos ang interview ng barkada...

"Guys ano ba magandang caption dito sa fb para mainggit naman mga kaaway natin sa school... Bilis lagyan ko ba #bffsgoals??" Eto nanaman po si Slug.. Siya lang ata maingay dito sa loob ng building

"Tangina mo Seul paka jejemon mo wag mo kami idamay dyan" Sabi sa kanya ni Jisoo


sa wakas nakapasa kaming tatlo sa interview mukhang tama nga si Seul na #bffsgoals pero mukhang tama rin si Jisoo na jejemon siya



"Jisoo magsearch ka ng quotes dyan about friendship bilisan mo! wala akong macaption" Di pa rin mapatahimik tong si Seul

Mga ilang minuto lang tumahimik na itong mga kupal na to at nagtaka naman ako kung bakit

"Sa wakas tumahimik na rin kayo" Nakatulala at tutulo na ang laway sa tinititigan nilang tao
At nung tiningnan ko kung sino ito




Itim na buhok,Perpektong korte ng mukha at ang pinakamaganda sa kanya eh ang mga labi niya



"Grabe talaga ganda ni Bae no?" Tanong ni Seulgi sa akin habang pinagpapantasyahan si Irene
"Maganda nga namamato naman ng tsinelas" Pabulong kong sabi at natawa na rin ng onti dahil naalala ko yung tsinelas niya na binili ata sa bangketa na tag bebente

Nagulat ako nang magtugma ang mga mata namin at alam kong naalala niya ko kaya inalis ko agad ang tingin ko sa kanya at ibinaling ito sa kamerang dala ko

Nararamdaman kong palapit na siya at papalapit na rin ang paghihirap ko...

"Kinukuhanan mo nanaman ba ko? isa ka ba sa mga fans ko?"














Irene

"Uy Seul tawag ka oh hehe" Rinig kong sabi ni Jisoo "Tangek si Lisa ata.. Lisa kinakausap ka hehe" Sabi ni Seulgi sa katabi niya.. na mukhang busy busyhan sa kamera niya

Lisa pala ah


"Lisa, Kung gusto mong mag papicture sakin sabihin mo lang.. mabait naman ako sa mga fans ko" Sabay ngiti ko sa kanya na may halong pang aasar

"Miss, Hindi mo po ako fan at hinding hindi magiging fan.. Baliw ka na ata Miss" Sabay tawa niya



Aba't kapal ng bangs nito para sabihin akong baliw


"Eh bakit mo ko kinuhanan sa party ni Jisoo ha? Ano ka ibebenta mo mga pics ko sa mga fans?? Next time na magkita tayo at nakita pa kitang may hawak na kamera ipapahuli na kita!" Sa sobrang inis ko nagulat na mga managers sa pag sigaw ko



Nakakainis talaga itong babaeng to.. onti na lang titirisin ko na to talaga





"Cute." Yun lang ang tanging nasabi niya at tumayo na paalis sa harapan ko

Pinagmasdan ko na lang siya habang pinapakalma ang sarili ko

"Sorry pala.. aksidente lang na nakuhanan kita nung nakaraan! Bibilhan na lang kitang bagong tsinelas!" Sabay tawa niya

"See you Irene!" Sigaw niya na may kasamang pag ngiti bago pa siya mawala sa paningin ko



Hindi ko alam pero sumaya ang puso ko nang makita ko yung ngiti niya
Inalis ko na lang agad sa isipan ko at nagpatuloy na sa pupuntahan ko













Seulgi

"Hoy Lisa may hindi ka ba sinasabi sa amin ha?!" pamewang kong tanong sa bestfriend kong parang stick di ata kumakain to

"Sinasabi mo dyan? Kain na lang tayo nagutom ako bigla" Aba sumasagot na tong stick na to ahh... Charot masungit talaga tong si Lisa.. Hindi ko nga maintindihan mood nito minsan eh

"Asus sabihin mo lang kung crush mo si Irene.. Si Jisoo bahala sayo na gumawa ng damoves dun" Sabi ko sa kanya na wala pa ring pake sa pinagsasabi ko "Oh crush mo yung artista na dito rin nagtratrabaho? Sino yon? Jennie?" Crush na crush niya kasi yon simula nung maglabas ng kanta si Jennie Kim as in sobrang crush.. Landi nitong friend ko eh no

"Hayy dalaga ka na talaga friend, Pakiss nga" Sabay lapit ko ng nguso ko sa mukha niya "Yuck! Tara na nga libre ko na" Sabi niya sa amin at ngumiti ng parang baliw




Unpredictable ka talaga Manoban









Unang araw ng barkada sa YG ENT.

Lisa

Andito ako ngayon sa unang project para sa akin.. Hindi ko nga alam kung bakit ang bilis ako bigyan ng project at bigating artista pa siguro dala na rin ng swerte

"Okay na lahat pakisabi sa kukuhanan natin, Pwede na tayong mag start" Sabi ko sa katrabaho kong si Wendy na mukhang mabait naman at magkakasundo kami pagdating sa gantong bagay

Ilang minuto lang at narinig ko na ang pagbukas ng pinto hudyat para tingnan kung maayos itong kamera ko dahil sa ilang sandali lang ay magsisimula na kami

"Hello-...." At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang babaeng hindi maalis sa isipan ko..





















"Jennie."

kamera-lisreneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora