5

211 9 0
                                    

Lisa

Lumipas ang ilang linggo ay ubos na ang pera ko kakabili ng pagkain para kay Seulgi para lang makita si Irene.

Nitong mga nakaraang linggo ay lalo kong nakilala ito. Katulad ng kung anong kulay ang pinakapaborito niya at kung anong paborito niyang kainin pagkatapos niyang mag rehearse. Naging ritwal ko na rin siguro kasi na ihatid siya pababa sa elevator ng  parking lot.

Kung minsan nag uusap kami tungkol sa mga hilig namin sa buhay at nag aasaran din.

Katulad ngayon nagkwekwento siya sa akin ng mga nakakatawang pangyayari sa buhay niya dito sa loob ng elevator.

Nakakatawa nga na dito lang sa loob ng makinang ito kami may chance na mag-usap... Ni hindi ko siya nahatid sa loob ng sasakyan niya o nakakausap sa tuwing magkikita kami sa building.


Natigil ang pagtawa ko sa kwento niya ng biglang tumunog ang makinang ito hudyat para lumabas na siya at ako naman ay tumaas ulit



"Alam mo nakakahalata na ko na laging ikaw naghahatid sa akin pababa dito ha" Na parang inaasar ako sa tono ng boses niya


"Well kung ganon pala.. Dapat may sweldo na ko dahil sa paghahatid ko sayo ano?" Sabay pigil ko sa pinto ng elevator dahil sa anumang oras ay sasara na ito

Napatawa na lang siya sa sinabi ko at  kunwaring nag isip

"Pano kung lumabas tayo para mabayaran kita sa paghatid mo sa akin?"

Lumabas kami? Tama ba yung narinig ko????

Sa sobrang gulat ko ay hindi ko namalayang malapit na sumara ang pinto ng elevator at nung magsasalita na dapat ako ay hindi na si Irene ang nasagot ko kundi ang pinto ng elevator na to

Napamura na lang ako at nung bumukas na ulit ang elevator ay agad akong gumamit ng hagdan dahil isang floor lang naman ang kailangan kong babain



Kailangan kong maabutan si Irene.. Bigay mo na sakin to Jisoos pls








Patakbo akong bumaba at nung nakita kong papasok na si Irene sa kotse ay agad akong sumigaw para mapigilan siya

"IRENE!"






















Irene

Papasok na sana ako nang marinig ko ang pangalan ko at nung tiningnan ko kung sino ito ay napatawa na lang ako

Si Lisa pala at mukhang hirap na hirap siyang huminga at sobrang gulo ng buhok niya

"Lisa! Mukhang pagod na pagod ka ah" Sabi ko sa kanya habang siya naman ay lumalapit sa akin

Huminga muna siya ng malalim at saka nagsalita

"Payag akong lumabas tayo" Sagot niya sakin na siyang nagpasaya ng puso ko dahil nitong mga nakaraang araw ay magaan talaga ang loob ko sa kanya.

Wala namang masama magyaya ng kaibigan dahil pasasalamat ko na rin yun sa kanya sa paghatid hatid niya sa akin..

"Okay great! Next week ililibre kita dahil mukhang naubos mo na ang pera mo kay Seulgi" sabay tawa ko

"Ah kasi lab na lab ko talaga yun si Seulgi kaya kailangan laging may pagkain yun" Ito nanaman yung pagkamot niya sa leeg na hindi ko alam kung nahihiya ba siya o nagdadahilan lang

"Okay sabi mo eh. So... See u tmrw? Mukhang ikaw ulit ang uutusan ni Seulgi na maghatid sa akin eh" Matawa tawa kong sabi sa kanya


"Mukhang ako nga ulit ang maghahatid sayo" Sagot niya sa akin habang binubuksan ko ang pinto ng kotse para pumasok na dito

kamera-lisreneOnde histórias criam vida. Descubra agora