11

152 11 0
                                    

Lisa

Isang linggo na rin ang nakaraan nung mangyari ang hindi ko inaasahan..
Parang kahapon lang nangyari.. Ramdam ko pa rin ang pagdampi ng labi niya sa akin.

Pagkatapos din ng gabing yun ay hindi ko na ulit nakita si Irene dito sa building.. Sabi ni Seulgi busy daw sila sa mga events at kung ano ano.

Ganon talaga siguro kapag sikat, Kaya hindi ko rin alam kung ano bang susunod na gagawin o kung ano nga ba kami ni Irene.

Baka nga hindi niya nagustuhan yung ginawa ko eh.. Kaya sa tuwing papasok ako ay may dala akong bulaklak para sana umamin sa kanya na gusto ko na siya.









"Manoban, Pang ilang bulaklak na yan ah.. Ikaw ah si Seulgi pala ang type mo"

Biro ni Wendy sa akin, Pano ba naman kay Seulgi ko binibigay ang mga bulaklak na dinadala ko dahil para mabigay kay Irene dahil hindi raw pwedeng istorbohin si Irene.

Busy nga talaga siya..






"Narinig ko maglalabas daw ng album si Irene kaya busy."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Wendy..
Sobrang talented niya lang talaga.





















Nandito ako ngayon sa parking lot para hintayin si Irene, Mas maganda siguro kung ibigay ko nang personal tong bulaklak at para makapag usap na rin kami.

Kabado na siguro ako.. Ganto ba ang nararamdaman ng mga kabataan sa tuwing nagtatapat sila sa mga crush nila?


"Lis."

Nagulat ako nang may tumabi sa akin ngayon sa parang gutter na kinauupuan ko.





"Suho."

Tadhana nga naman.. Mukhang masaya siya ngayon, At mukhang iisa lang hinihintay namin ngayon.

Napangiti na lang ako sa pagkalungkot, At napatingin sa mga pulang rosas na hawak niya..


Rosas,pagmamahal at Irene


Mukhang magandang kombinasyon.







"Bakit ka andito? Gabi na ah"

Tanong niya sa akin.. Hindi pa rin siya nagbabago, Kuyang kuya pa rin ang datingan niya.

"May hinihintay lang.. Ikaw?"
Sagot ko sa kapatid ko na ngayon ay nakatingin sa mga bulaklak na hawak ko ngayon.

Iginilid ko na lang ang mga ito para hindi na magtanong ang nasa tabi ko.

"Ibibigay ko lang to kay Joohyun"
Sabay pakita niya sa akin ng dala niya
Napatango na lang ako sa kanya

Ganto rin ata ang mga kabataan, kapag sobrang gusto nila ang isang tao
Inaamoy niya pa ang dala niyang bulaklak.. At mistulang prinotektahan ito sa mga usok na galing sa mga kotseng papaalis na.























3rd POV

Natigil ang pag uusap ng magkapatid ng biglang bumukas ang elevator
Dala dala nito ang hinihintay nilang babae

Nagulat naman ang babaeng nasa elevator nang makita niya ang dalawang magkapatid

Dali dali namang lumapit ang binata kay Irene habang si Lisa naman ay ngumiti na lamang kay Irene

"Irene, This is for you"
Sabay abot ni Suho sa hawak niyang bulaklak na agad namang tinanggap ni Irene..

Hindi alam ni Lisa kung ibibigay niya ba ang bulaklak na para kay Irene.. Bakas sa mukha niya ang pagkalungkot dahil naunahan nanaman siya.

Natatawa na lamang ang dalagang photographer.. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay gusto niya na lamang umalis sa kinatatayuan niya.

Ilang minuto rin ang nagtagal ang pag uusap nila Irene at Suho, Nagkamustahan at nagkatawanan na para bang may sarili silang mundo... Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang may kumirot na kung ano sa puso ni Lisa.


"Sige Joohyun.. Mauna na ko ha nagpapasundo kasi sila Dad at Mom eh..
Lis! Goodluck sa pagbibigyan mo nyan ha, Dalaw ka na rin minsan kayla Dad"
Tumango na lang si Lisa sa kanya

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Suho.. At ang naiwan na lamang ay si Lisa at Irene.


























Irene

Kami na lang dalawa ang nandito ngayon..
Ilang linggo na rin na hindi ko siya nakita, Araw araw din akong nakakatanggap ng kung ano anong bulaklak at minsan pagkain na paborito ko mula sa kanya..

"Uhm.. Hello Irene"
Pagbati niya sa akin na parang nag aalangan pa

Pinatabi ko na muna ang bigay ni Suho sa akin sa loob ng sasakyan.. At umupo na ako sa kaninang kinauupuan nila.

Ilang saglit lang ay naramdaman ko na rin si Lisa sa tabi ko..





"Roses means love"
Rinig kong sabi niya

"Sabi nila rosas daw ang pinaka sweet na way para sabihin mo na mahal mo ang isang tao.."

Pagkatingin ko sa kanya ay nakatuon ang pansin niya sa bulaklak na hawak niya..
Ito pala ang tinatago niya kanina pa.








"Peony and Tulips"

Biglang sabi niya sa akin

"Anong tingin mo sa mga bulaklak na to?"

Sabay tingin niya sa mga mata ko

Hindi ko mabasa ang mga mata niya.. Malungkot ba ang mga ito o masaya

"Magaan sa mata?"

Natawa na lang siya sa sinabi ko


"These flowers reminds me of you."

Napatingin na lang ako sa kanya habang siya'y nakatingin sa hawak niyang bulaklak





"Peony... parang katulad din to ng rosas na hawak mo kanina... Pagmamahal, Pero alam mo kung anong espesyal dito?



Napaisip na lang ako sa kung anong ibig sabihin ng binanggit niya na uri ng bulaklak.. Ano ba ang espesyal dito? Is it because of the color? Pink?





"...Ang ibig sabihin ng Peony sa Chinese ay pinakamaganda."

"At sa tingin ko bagay na bagay to sayo."

Sambit niya habang nakangiti sa hawak niyang bulaklak..
At parang bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko, Alam na alam niya talaga kung paano iparamdam sa akin ang kilig.



"Kanina rin nagtanong ako doon sa nagtitinda.. Kasi parang hindi sapat tong Peony para sayo eh"
Sabay kamot niya sa ulo na palagi niyang ginagawa sa tuwing nahihiya siya..

Sasabog na ata ang puso ko.. Bakit ganto ba ang babaeng to?

"Kaya naman sinamahan ko ng tulips.. Red tulips that reminds me of your lips noong nahalikan ko ang mga labi mo"

Sabay ngiti niya sa akin na nagpawala ng hininga sa katawan ko..

At parang nag flashback ang mga pangyayari noong nahalikan niya ko..
Na siyang ikinapula ng mga pisngi ko

Ilang minuto rin na walang ibang marinig dito sa kinauupuan namin kundi ang paghinga naming dalawa.

Malalim ang paghinga niya habang ako ay hinahabol ko pa rin ang hininga ko.










"Gabi na.. And mukhang pagod ka na rin, You can go home now Rene"

Agad niya namang binigay sa akin ang bulaklak na hawak niya
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagsalita..

"And Irene?"

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa kotse nang magsalita siya..
















"Red Tulips means true love.."

kamera-lisreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon