PROLOGUE

35.8K 608 28
                                    

PROLOGUE

Anniversary namin ni Johan ngayon. Kaya naghanda ako para i-celebrate namin ang five years relationship namin. Isang seaman si Paolo at ako ay isang sales lady sa isang mall. Malaking tulong ang pagtatrabaho ni Paolo sa barko dahil kahit na hindi pa kami kinakasal ay sinusuportahan niya ako. Maliit lang ang sahod ko at hindi sapat sa pagtustos sa pamilya ko. Simple lang naman kami at dati nung nagsisimula palang kami ay sa mga street walk lang kami nagde-date. Kumakain ng fishball, kikiam, at iba pa. 

Back-to-topic tayo. Nag-isip ako ng ibang klaseng celebration. Gusto ko siyang i-surprise dahil matagal-tagal din kaming hindi nagkita.. Ang hirap din kasi na may boyfriend na seaman. Minsan kapag kakagaling ko lang sa work at tatawagan ko siya o ibi-videocall ko siya ay hindi ko matawagan gawa na magkaiba ang oras namin. Kaya nagte-text na lang ako para naman magkaroon pa rin kami ng communication. Naisip ko na i-surprise siya sa barko. Syempre sa tulong ng bestfriend ko na si Mikee na nagta-trabaho din sa barko. Siya ang nag-ayos ng room para sa amin ni Paolo. Sinabi niya sa akin na settled na kaya naman ay sumampa na ako sa barko.

Tinext sa akin ni Mikee ang room number ni Paolo kaya masaya na pinuntahan ko iyon. Room 306. Nang makarating ako doon ay ginamit ko ang key card para makapasok. Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang mga pinaghubarang damit na panglalake at pangbabae. Nagtaka ako kasi dapat ako ookyupa ng room. Tila mayroon palang ibang umokyupa.

Kaya dali-dali akong lumabas at tinawagan ko si Mikee. Ring lang ring.. Pero sa huli ay sinagot din niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Magsasalita palang sana ako ng marinig kong magsalita si Mikee.

[Pao, stop! May tumatawag... Ohhh!]

Narinig ko palang iyon ay agad ko nang pinatay ang linya. Agad na umagos ang luha ko. Ibig sabihin si Mikee at Paolo ang nasa room? Ibig kong pumasok uli ngunit nanginginig ang kamay ko sa galit. 

Agad na umalis ako doon at napadpad sa labas ng barko. Humawak ako sa bakal na riles at tumanaw sa dagat. Hindi na nga pala ako makakaalis dahil umaandar na ang barko.

Napahilamos ako ng mukha at napahagulgol. Iniisip ko pa rin ang narinig kong ungol ng pagtatalik ng dalawa. 

Dahil gusto kong mawala ang iniisip ko ay nagpunta ako sa bar nitong barko. Kahit na hindi ako sanay ay uminom ako at nagpakasaya ngayong fifth anniversary sana namin. Ang saya ng life ko. Hindi ko akalain na ang boyfriend ko at bestfriend ko ay may milagrong ginagawa sa room na pina-book ko. At si Mikee pa ang nag-presinta na mag-book. Kaya pala..

Nilagok ko ang huling alak at halos mahilo na ako sa dami ng nainom ko. Napahawak na ako sa ulo ko ng tumayo ako. Para palang binabaliktad ang paningin ko kapag nakainom. Halos hindi ko na nga alam kung saan ako tutungo.

Nang mapadpad muli ako sa room 306 ay natawa ako. May lakas ng loob na akong sugurin sila. Binuksan ko ang pinto at pagewang-gewang na naglakad ako. Para talaga akong gumegewang at masusuka pero kinaya ko kahit madilim ang kwarto.

Nang makarating ako sa kama ay ang magulo lang na kama ang naabutan ko at wala doon ang mga salarin! Lumapit ako sa kama at napahawak sa makapal na kobre kama. Natawa ako ng pagak habang naluluha. Ito ang witness sa kababuyan nila! 

Halos guluhin ko ang kama sa sobrang pagwawala ko. Nang mapagod ako at nakaramdam ng sobrang hilo ay napahiga ako. Lasing na nga siguro ako dahil biglang sumulpot ang isang lalake sa harap ko at tila ako kinakausap. Bigla kong nakita sa kanya si Paolo.

"Hayop ka! Hayop! Walanghiya!"

Pinaghahampas ko siya sa katawan dahil hindi ko mapigilan pa rin ang emosyon ko.. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha at epekto ng alak. Pinigil niya ako sa pagwawala at hinalikan ako. Pumapalag ako pero kalaunan ay kusang bumigay ako.

Alam ko na may nangyari sa amin.. Kahit lasing ako ay alam ko.. 

Akala ko pagkatapos ko uminom ay mawawala ang sakit ng ulo ko at iniisip ko, pero napahagod ako ng buhok at napaiyak ng makita na ibang lalake ang nakasiping ko. At worst pa dahil hindi ko kilala ang nakasiping ko.

Dali-dali akong nagbihis at umalis doon. Paglabas ko ng room ay bigla akong napahinto at napalapit sa isang pinto. Hinawakan ko ang room number at natagal ang isang number nito. Tumingin ako sa baba ng pinto at nakita ko doon ang nahulog na numero. Agad na namutla ako at tumingin sa room number na nilabasan ko. Room 309.

Bumukas ang pinto sa likuran ko kaya lalo akong nanlamig ng marinig ang boses ng boyfriend ko.

"Babe, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinihintay rito."

Nang humarap ako kay Paolo ay halatang puyat siya at suot pa niya ang uniform niya tila magdamag siyang naghintay. Hindi ako makapagsalita. Lalo na at bumukas din ang room number sa kwarto ng umookyupa doon.

Hindi ako makaharap dahil parang tinatahi ang puso ko sa kaba at konsensya. Ano ba itong nagawa ko?

"Hi, Guys!"

Napatingin kami kay Mikee at may kasama ito.

"S-sino siya?" tanong ko.

"Ah, siya si Pao, new boyfriend ko.. E, kayo, anong problema?" tanong ni Mikee.

 Napapikit ako dahil mali ang akala ako. 

"Wala.." tugon ko.

"Nandito ka rin pala, Sir." biglang sabi ni Mikee kaya napadilat ako. Lumingon ako sa tinawag niyang Sir at ito ang lalakeng nakasiping ko na nakatingin sa akin.

"Ginamit niyo ang room ko ng hindi inaayos. At nasaan na ang babaeng sinasabi mo na irereto sa akin?"

Natawa si Mikee, "Sir, pasensya na at naabutan lang kami ng boyfriend ko ng init d'yan sa kwarto mo habang inaayos ang romantic bed niyo. At tungkol doon sa babae, tinigil ko. Baka pikutin kayo, e. Alam niyo na, concern lang ako sa inyo."

Natawa ang Sir ni Mikee, "I see.. But I think I found the right girl to replace her." sabi nito sabay ngiti at tingin sa akin. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"Sige, pasok na kami ni Paolo." agad na paalam ko.

Lumapit ako kay Paolo at hinawakan ito kaya napatingin siya. Kinuha niya sa akin ang number at kinabit sa pinto. Napakagat ako sa labi ko. Mali ako! Ako pala ang mali. Dahil ako ang tunay na nagkasala sa amin ni Paolo. At worst, nakipagsiping pa ako sa boss ni Mikee.

ONE NIGHT WITH MY BEST FRIEND BOSSWhere stories live. Discover now