CHAPTER 5

12K 413 32
                                    

CHAPTER 5

Nagising ako sa sinag ng araw. Kumikislap ito at dinig ko ang pagsayaw ng tubig. Batid kong dahil sa tubig kaya kumikislap ang sinag ng araw sa gawi ko. Napatingin ako sa paligid at sa bawat sulok nito ay marangya ang nakikita kong kagamitan. Napatingin ako sa katawan ko at nakasuot na ako ng simpleng white dress. Napaupo ako at napahagod sa buhok ko. Naalala ko ang nangyari ng madaling araw. He slept with me. We had sex.

Agad na bumaba ako ng kama at agad na naglakad ako palapit sa pinto. Pagbukas ko ay nasilaw ako pero agad din akong naka-recover. Tumambad sa akin ang labas ng yate at malawak na dagat. Lumabas ako at naglakad habang namamangha sa dagat. Napatingin ako kay Aries, pangalan ng lalakeng nakauna sa akin. He's fucking gorgeous while standing and looking at the sea. Wearing the same color of my dress, he's wearing the polo and black pants. Tila malalim ang iniisip niya habang umiinom ng gatas. Sometimes I find him weird.. Some guys drank alcohol, but he's not.

Agad na napalingon siya sa akin at hawak ang baso ay lumapit siya sa akin.

"You want?" alok niya sa gatas. 

"I'm fine. Thank you." sabi ko at umiwas ng tingin.

"It's good for your tummy if you drink this milk." payo pa niya at nabigla ako ng inuma niya sa bibig ko. Wala akong magawa kundi uminom para tumigil lang siya. Pinunasan niya ang labi ko kaya agad na hinawi ko ang kamay niya.

"Saan mo ba ako balak dalhin? Parang hindi na abot ng sasakyan itong pupuntahan natin?" 

Dapat kasi, bago ako pumayag ay inalam ko muna lahat. Hindi ko masyadong kilala si Aries, pangalan lang niya. Bukod sa mayaman siya, ano nga ba talaga siya? Bukod sa nais niya pakasalan ako para makuha ang mana niya at makahiganti sa kaaway niya, ano nga ba ang mangyayari sa akin pagkatapos niya makuha lahat? Parang unfair sa part ko. Ako ang lubos na nawalan, ngunit siya ay nakuha niya lahat ng gusto niya.

"Huwag kang mainip, malapit na tayo. At tama ka ng iniisip mo. Hindi mapupuntahan ng ano mang sasakyan ang bahay ko." aniya na kinakaba ko.

"Aries, hanggang kelan ba? Kung magpapakasal tayo at makukuha mo ang mana mo, pagkakuha mo ba ay tatapusin mo rin ang marriage natin?"

Tumingin siya sa akin, "Are you hungry?" imbes na sagutin niya ako ay tinanong niya ako kung gutom na. 

"Answer me please.." pakiusap ko, "I have family, friends, and boyfriend waiting for me. And I have a job too."

"Hindi kita masasagot d'yan agad. Akong bahala sa pamilya mo at trabaho mo, pero sa kaibigan at boyfriend mo, I don't think so."

Napakuno't noo ako, "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Naglakad siya palapit sa sun-lounger at may kinuha doon. Lumapit siyang muli sa akin at tinignan ako. Napaidtad ako ng haplusin niya ang mukha ko.

"Malalaman mo rin. Buksan mo ang video." sabi niya kaya kinabahan ako.

Napatingin ako sa cellphone niya at tumingin ako sa kanya. Tinitignan niya ako para bang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Napahinga siya ng malalim at tumalikod. Naglakad muli siya palapit sa kinatatayuan niya kanina..

Napalunok naman ako at lumapit sa sun-lounger para maupo. Tinignan ko muli ang cellphone niya at nasa bungad ang isang video. Pinindot ko ito at hindi ko akalain na ang hula ko ng gabing iyon ay totoo.

Mikee and Paolo are having sex in Aries' suite. Hindi ko mapigilan na mapaiyak dahil nagawa akong lokohin ng dalawang taong mahal na mahal ko. Nilapag ko sa sun-lounger ang cellphone ni Aries. Napatakip ako ng mukha at napahagulgol.

"Bakit nila nagawa sa akin iyon?" tanong ko sa sarili ko. Kaya ba hindi man lang ako ma-contact ni Paolo kasi busy siya kay Mikee? Kaya ba tuwing tumatawag ako kay Mikee at siya lang ang nakaaalam ng sitwasyon ni Paolo kahit hindi ko nababanggit rito ay dahil palagi silang magkasama? Bumalik sa akin ang araw na tumawag ako kay Mikee at doon ko nalaman may ka-sex siya. Tama pala ang hula ko na si Paolo nga ang ka-sex niya. Nagawa pa niyang magpakilala ng ibang lalake para pagtakpan ang sa kanila ni Paolo. Kaya pala hindi ako ginagalaw ni Paolo kase may iba siyang kinakalantari. 

ONE NIGHT WITH MY BEST FRIEND BOSSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu