CHAPTER 8

23.4K 692 490
                                    

CHAPTER 8

Hinihingal na tumakbo ako sa kagubatan. Napahinto ako sa isang puno at humawak doon habang habol ko ang hininga ko. Napatingin ako sa mga binti ko na puro sugat matapos kong tumakbo sa mga tuyot na kahoy dahilan para masira din ang dulo ng dress ko. Pagod na ako pero kailangan ko makatakbo at makaalis. Lalo pa ng malaman ko ang tunay na dahilan kaya nais akong pakasalan ni Aries.

Pumikit ako at bumalik sa akin ang eksena kung saan pabalik na sana ako sa kwarto ng may maulinag akong nag-uusap. Tinungo ko ang mga boses na iyon at nagtapuan ko ang mga maids na nasa isang kwarto at nagkwekwentuhan habang nag-aayos ng mga kumot. Babalewalain ko sana at babalik sa kwarto ng mapahinto ako ng marinig ang sinabi nila.

"Kapag nabuntis si Miss Aiko at magluwal ng anak ay iyon ang gagawin ni Sir Aries na kapalit sa manang makukuha niya. Pantakip lamang ang kasal para hindi malaman ni Miss Aiko ang totoo. Kaya oras na mabuntis siya at iniluwal ang sanggol, tiyak na etchapwera na si Miss Aiko kay Sir Aries."

Napatakip ako ng bibig at hindi makapaniwala. Kaya ba.. Kaya ba palagi akong ginagalaw ni Aries ay dahil gusto niya akong buntisin para maialay ang anak ko?

"Ibig sabihin, papatahimikin si Miss Aiko para hindi ito magsalita pa."

"Exactly!"

Agad na umalis ako doon. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako. Kailangan kong umalis agad bago pa matupad ang pinaplano ni Aries. How dare him! I trusted him but he lied!

Agad na nagtago ako ng makita si Butler Bernard kasunod ang isang kasambahay. Papunta sila sa isang kwarto kaya sumunod ako. Nang makapasok sila ay sumilip ako. Napamaang ako habang kinakabahan na nakatingin sa dalawang tao na nasa isang malaking human pod. Alam ko ang ganito. Nakapanood na ako. Na kapag gusto na mag-clone ng tao. Sino ang kino-clone nila?

"Maayos ang progress nila. Malapit na silang makalabas." sabi ng isang tila scientist na tumitingin sa isang laboratory ng bahay na ito.

"Good. Tiyak na matutuwa si Sir Aries."

Si Aries ang may pakana nito? Kung ganon, sino ang gusto nilang buhayin?

"Ikaw na ang bahala rito. Kailangan ko pang bantayan ang mapapangasawa ni Sir Aries."

Nang sabihin ni Butler Bernard iyon ay agad na umalis ako. Kinakabahan ako habang patagong naghahanap ng daan palabas. Nagpapasalamat talaga ako at walang palisaw-lisaw na mga tauhan ni Aries. Nang makahanap ako ng daan ay nalaman ko na ito ang likod ng bahay. Tumakbo ako palabas at habang palayo ako ay nalaman ko na kagubatan na pala.

Nakarinig ako ng tunog ng chopper. Napatingin ako sa taas ng may dumaang chopper. Natakot ako kaya agad na tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako papunta, pero kailangan kong makatakas. Pakiramdam ko hindi maganda na manatili pa ako kay Aries. Nalinlang niya ako. Magaling siyang magpanggap.

Napasinghap ako ng madapa ako. Napapikit ako sa sakit ng tuhod ko at siko. Nang tignan ko ang braso ko ay nagkaroon ng gasgas. Nahirapan pa akong tumayo dahil sa impact ng pagdapa ko pero sinikap kong makabangon dahil kung magtatagal ako rito ay baka hindi ako makaalis.

Nang makalabas ako ng kagubatan ay tumambad sa akin ang isa pang dalampasigan at dagat. Nais kong manlumo dahil hindi ko alam paano makakaalis sa islang ito. Napahinto ako ng may nakita akong lalake sa malayo na nakatayo sa dalampasigan at nakatanaw sa dagat.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 28, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

ONE NIGHT WITH MY BEST FRIEND BOSSOnde histórias criam vida. Descubra agora