CHAPTER 3

11.3K 395 18
                                    

CHAPTER 3


Hindi ko alam paano lulusutan ang lahat ng problema ko. Dahil sa nangyari ay hindi ko magawang ngumiti ng totoo kay Paolo. Kada titingin siya sa akin ay hindi ako makatingin sa kanya ng tuwid. May bahid ng konsensya ang tingin ko kaya ayokong makita niya iyon. Kapag kakausapin naman niya ako ay natutuliro ako. Pero pinipilit kong umayos para lang hindi siya makahalata.

"Sorry, Babe. Kung wala lang akong duty ngayon ay hindi kita iiwan rito." aniya habang papasok muli siya sa trabaho. Sumaglit lang siya para magkita kami. Narito lang ako sa kwarto niya magdamag at naghihintay. Ayokong lumabas dahil natatakot akong makasalubong ang boss niya.

"Ayos lang. Ayos naman ako rito. Huwag mo na akong alalahanin." sabi ko habang inaayos ang kwelo ng uniform niya. Naligo at nagpalit lang siya kaya siya bumalik, pero aalis din para gampanan ang trabaho niya sa cruise.

"Hayaan mo, kapag nakasampa na tayo sa isang lugar ay mamamasyal tayo. Ipapasyal kita at susulitin natin ang bawat oras." hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan sandali sa labi, "kaya kung mabagot ka man ngayon ay lumabas ka muna at libangin ang sarili mo. Heto ang card ko, bumili ka ng nais mo." kinuha niya ang card sa wallet niya at binigay sa akin.

"Huwag na, Paolo. Ayos lang ako rito. Hindi naman ako nagpunta rito para mag-shopping. Nagpunta ako rito para makita ka at makasama." sabi ko. Pero ang nangyari ay imbes na maging maganda ang trip na ito, nakagawa ako ng kasalanan sa kanya na hindi ko masabi-sabi.

"Aiko, I love you. Kaya kahit na magkalayo tayo minsan ay hindi ko magawang tumingin sa iba dahil mahal na mahal kita. Kahit na sinasabi ng iba na ang mga seaman ay may babae rito, huwag kang maniniwala. Hindi kailan man ako humanap ng babae rito. Dahil kung gagawin ko iyon ay parang binastos na rin kita at relasyon natin."

Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan na tamaan. Dahil sa maling akala ko at nagpadala ako sa tukso ng kapatid ko kaya ako ang nauwing nagtaksil sa kanya. 

"Alam ko iyon, Babe. Alam ko na never mo akong lolokohin. At sorry.." sabi ko at napaiyak ako.

"Hush, Babe. Bakit ka umiiyak? At hindi mo kailangan mag-sorry. Wala kang kasalanan." 

Mas lalo akong napaiyak kaya napayakap ako sa kanya at humagulgol. Hindi ko masabi. Takot ako na masaktan ko siya. Ayoko rin na masira ang relasyon namin.

"Masaya lang ako, Babe. Huwag mo na akong pansin." pinunasan ko ang luha ko at bumitaw sa kanya, "sige na. Umalis ka na at baka ma-late ka pa."

"Sigurado ka ba na ayos ka lang?" kita ko sa mukha niya ang pag-aalala kaya tumango ako para mapanatag siya.

"Oo."

Kaya naman ay napahinga siya ng malalim at hinalikan muli ako bago siya umalis. Nang maiwan akong mag-isa ay napaupo ako sa kama at muling umiyak. Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko. Hindi ako makaramdam ng kapayapaan. Ito ang consequence ng nagawa ko kay Paolo.

Nahiga ako at nais ko na magpalipas muli ng maghapon rito. Pero nakaramdam ako ng gutom. Bumangon ako at tinignan ang ref ni Paolo. Wala man lang siyang stock. Pero gaya ng sinabi niya ay sa labas siya usually kumakain. Kaya wala akong choice kundi lumabas.

Paglabas ko ay napatingin ako sa kabilang room. Agad na iniwas ko ang tingin doon at umalis ako. Inayos ko ang balabal sa balikat ko dahil malakas ang hangin sa labas ng makalabas ako. Ang saya sana na enjoying ang cruise ship na ito. Ngayon lamang ako nakasakay sa ganito pero para akong nasa lupa at nakikita ang madalas kong makita na mga kainan at iba pang mapaglilibangan rito. Lumakad ako sa hindi matao at nang makasandal ako sa pader ng cruise ay tumanaw ako sa dagat. Ang sarap damhin ang mahinang hampas ng dagat at lamig na dulot nito. Isabay pa ang ganda ng langit. Hindi ko tuloy maiwasan na matulala at maalala ang nangyari. Nakakatulong naman ang dagat sa bigat ng nararamdaman ko. Kahit papaano ay nababawasan.

ONE NIGHT WITH MY BEST FRIEND BOSSWhere stories live. Discover now