CHAPTER 2

12K 412 30
                                    

CHAPTER 2

Tinitignan ko ang bawat sulok ng barko ko para malaman ang nangyayari. So far so good at walang anumang problema.. Almost five years na nasa pangangalaga ko ang pagpapatakbo ng barko. Pinamana pa sa akin ng parents ko before they died together. But I need to do something para hindi mawala ang barko sa akin.. Dahil kung hindi ko magagawa ay mawawala sa akin lahat-lahat..

Iba't-ibang lugar na rin ang nararating ko tuwing hihinto ang barko sa isang lugar. Kaya kapag humihinto ang barko ay sinasamantala ko na bisitahin ang mga kaibigan ko sa lugar nila.

Ngayon ay nasa cebu ang barko kaya pinuntahan ko si Taurus, one of the member of our group 'Astro'. We have same intention. Pare-pareho kami ng estado sa buhay. But not the business.

"What's up, Man." nag-man-to-man hug kami bago naupo sa upuan sa labas ng bahay niya.

"Nakahanap ka na ba ng mapapangasawa?" I asked.

"Yes, pero ang hirap.." aniya bakas ang weird expression. Natawa ako at uminom ng kape.

"What do you mean, Taurus?" I asked again.

"Wala.. Ikaw ba, nakahanap ka na?" ngayon ako naman ang binalikan niya ng tanong.

"Wala pa, pero inutusan ko na ang tauhan ko na ihanap ako."

Natawa siya sa sinabi ko. May pagkakataon talaga na ginagawa akong katatawanan ng isang 'to.

"Man, you are the riches and handsome Aries Galban. The owner of Galban Big Cruise ship. And the leader of our group. But you can't find a woman?"

Nilapag ko ang baso ng kape sa table at napasiklop ako ng mga kamay.

"Hindi ako makahanap ng babaeng hindi maa-attract sa akin, kaya nagdesisyon ako magpatulong." sound weak, but I don't have a choice. Wala ni minsan akong babae natipuhan. Wala ni isa pumapasa sa panlasa ko.

"Kung ganon pala, bakit hindi mo subukan ang ginawa ko? Sa cyborg apps girlfriend ako naghanap. Iyon nga lang, robot ang magiging girlfriend mo."

Sa pagkakataon naman na ito, ako ang natawa. Napailing ako sa trip niya.

"I'm not that desperate, Taurus."

"We all desperate, Man. We don't have time." paalalahanan niya kaya napatango ako at nag-seryoso. Yeah, we don't have time, "take my advice, Man. Kapag hindi ka pa nakahanap, bisitahin mo ang apps na ginamit ko. Pasa ko sa 'yo ang link."

"No need.." tumayo na ako, "I need to go." paalam ko rin dahil wala naman na akong sasabihin. Ganyan kami pero malapit kami sa isa't-isa.

"Okay. Till next time, Man."

Tumango ako at bumalik sa cruise. Nakita ko ang text ng tauhan ko na si Mikee, and she said she found a girl. Matagal na ang text at ngayon ko lang nabasa. Baka nakaalis na ang babae. Kaya dumeretso ako sa suite ko at nakita ko na makalat imbes na maayos ang room gaya ng instructions ko kay Mikee. At wala pa ang girl na sinasabi niya kaya napailing ako. Nilinis ko muna ang suite ko bago nag-shower dahil baka na-late lang ang babae. Pero gabi na, wala pa ang sinasabi ni Mikee.

Hindi pa ako tapos sa paliligo ng makarinig ako ng galabog. Agad na pinatay ko ang shower at kinuha ang roba. Napahagod ako sa buhok ko at lumabas ng shower room. Nagpupunas ako ng buhok gamit ang white towel habang tinungo ko ang pinaggalingan ng ingay at I found out na may isang babae na tila walang-wala sa wisyon habang nakahiga sa kama ko.

Lumapit ako rito at tinignan siya. She has a perfect body. Perfect shape of waist. Suot ang simple ngunit attractive na floral dress. Nag-lean ako para makita ang mukha niya, and her face is perfect. Even her eyes, nose, and lips. Tinapik ko ang pisngi niya kaya medyo naalimpungatan siya.

ONE NIGHT WITH MY BEST FRIEND BOSSWhere stories live. Discover now