CHAPTER 6

10.7K 386 23
                                    

CHAPTER 6

Habang sinusuot ang gloves sa kamay ko ay napatitig ako kay Aiko na namamangha kay Chona. Nang maisuot ang gloves ay lumapit ako kay Aiko. Napalingon siya kaya nang sumampa ako sa kabayo ay hinawakan ko siya sa baywang at inangat para makaakyat din siya.

Napatili siya kaya ngumisi ako at inupo siya sa harap ko.

"Bakit ba bigla ka nalang nanghahatak?!" galit niyang sabi.

"Nagseselos ako dahil kay Chona ka nakatingin." sabi ko na hindi niya sineryoso.

"Bitawan mo ako at bababa ako." sabi niya pero imbes na pakinggan ay hinawakan ko ang tali ni Chona at sinipa ito sa pang-upo kaya tumakbo ito na kinagulat ni Aiko.

"Oh my god!" sigaw niya.

"Don't say that." bulong ko na kinatingin niya.

"Huh?" 

Hindi ko na siya sinagot at pinatakbo ko si Chona sa tuktok ng burol. Napatingin ako kay Aiko na nakakapit sa braso ko at nakapikit. Hininto ko na si Chona ng makarating kami sa tutok ng burol kaya napadilat siya. Namangha ang mukha niya ng makita ang tanawin. Binaba ko siya kaya lumapit siya sa dulo.

"This view is great, right?" sabi ko at lumapit sa kanya. Tinignan ko siya at tumango siya. Pero biglang lumungkot ang mukha niya na nagpakuno't ng noo ko, "why?" tanong ko.

"Huh?" bigla ay parang nawala siya sa iniisip niya.

Napabuntong-hininga ako, "You feel suddenly sad." I said.

"Namiss ko lang ang pamilya ko." sabi niya. 

But the way she said it seemed like she didn't know if she would be happy or not.

Tumingin ako sa view at pagkaraan ay tumalikod at lumapit kay Chona.

"Lahat magbabago oras na makasal ka sa akin. Kaya simulan mo na sanayin ang sarili mong makibagay sa akin."

Sumakay ako kay Chona at tinignan siya. Nilapit ko si Chona sa kanya at hinila ko siya kaya napatili muli siya. Agad na pinatakbo ko si Chona pabalik sa mansion.

"Sir.." 

Pagkarating namin ay lumapit sa akin si Bernard, my Butler. Bumulong siya kaya napatango ako at sinenyasan siya na umalis.

"Ano 'yon? At sino iyon?" tanong ni Aiko.

"The designer has come to make your gown. So get ready." sabi ko at hindi sinagot ang tanong niya. Hinawakan siya sa kamay at inakay papasok.

Alam ko, kapag nagtagal pa si Aiko rito ay malalaman niya ang tunay na status ko. Pero bago mangyari iyon, sinisiguro ko na kasal na kami. 

Pagpasok namin ay agad na tumayo ang designer na napili ko. Sinenyasan ko sila sa kamay kaya agad na yumuko sila at bumati.

"Make my bride beautiful on our wedding day. Understand?" utos ko at tinignan ang mga ito.

"Yes, Sir." sabay-sabay nilang tugon kaya binitawan ko na ang kamay ni Aiko at iniwan ito doon.

"Miss Aiko, come here." naalis ang pagsunod ko ng tingin kay Aries ng bigla nalang akong iwan rito sa mga tao niya. Hindi ko masundan ang nangyayari. Kada gagawin ni Aries ay hindi ko mahulaan. Nalilito ako. Kinakabahan kung dapat ko bang gawin lahat ng ito. Pero kinakabahan ako sa gagawin kong desisyon.

ONE NIGHT WITH MY BEST FRIEND BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon