2. White

492 27 52
                                    




Hanggang ngayong umaga hindi ko pa rin makalimutan yung nakakahiyang nangyari kahapon..




Nakakahiya talaga!!! Bakit ko ba inisip na sinusundan nya ako? Pwede naman na dito rin sya nakatira sa building na ito!!! Aigoooooo Yuriya!!! tigilan mo na pag-iisip may pasok ka pa....





Pag bukas ko ng pinto palabas ..... Nakita ko si Yena na palabas palang din ng Apartment nya.





“Oh Yuri!! Good Morning!”




Talagang ang laki ng ngiti nya ah inaasar nya ba ako? Tss hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang mag lakad.


“Wait Yuri! Sabay na tayo”

Kailan ba ako titigilan ng babaeng ito?? Ayoko nga makipag kaibigan aish!!


“Grabe bilis mo naman mag lakad”

Tumigil ako at tinignan sya.


“Hindi mo ba talaga ako naiintindihan? sinabi ko na sayo na ayoko makipag kaibigan diba?”



Medyo mataas na yung boses ko nakakainis na kasi sya aish


“Ikaw ayaw mo pero ako gusto ko!”


Sabi ni Yena na nag cross arms pa haist napahampas nalang ako sa noo ko isip bata talaga to!


“Sina---“


She cut me off



“Ayoko lang naman na maranasan mo yung naranasan ko dati.. ayaw ko rin makipag kaibigan dati nilalayuan ko talaga lahat kaso pinag sisihan ko yun, iba parin talaga yung may kaibigan ka yung nasasabihan ng problema haha kailan ko lang din narealized na kailangan ko rin ng kaibigan gusto ko rin ma experience yung tumawa kasama mga kaibigan, pumunta kung saan saan, maikli lang ang buhay kaya kung anong gusto mo edi gawin mo na haha ”


Natigilan talaga ako sa mga sinabi nya! Kaya pala ganyan sya kakulit na magkaroon ng kaibigan ano kayang problema nito bakit hindi sya nakikipag kaibigan dati? At bakit ba palagi sya naka white???



“Bakit palagi kang naka white? buti nakakapasok ka pa rin sa school.”





Hindi sya agad sumagot at nakita ko na parang gulat na gulat sya sa tanong ko problema ba nya?




“Palagi ako naka white?”




Paulit-ulit??




“Oo kahapon naka white ka rin diba?“




Ganun parin yung itsura nya parang nagulat na multo yung kausap tss




“T-talaga? Naka white ako?”





Yaishhhh inulit na naman.




“Yah hindi ako color blind ah kaya ko isa-isahin sayo yung mga kulay na nakikita ko sa paligid natin”





Minsan talaga ang weird nito! haist minsan nga lang ba talaga? Parang oras-oras ah!



“Yuri-ya!”


Napatingin naman agad ako sa kanya at inabot nya yung kamay nya para makipag shake hands.



“Yuri- ya! I’m serious let’s be friends?”




W-What? Serious? Bakit ba ako ang gusto nya maging kaibigan?? Nandyan naman sila Minju ah




“Yuri-ya!”




Fix Me || YulyenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon