8. Sleep Over

304 22 17
                                    

    

Yuri's Pov

        Naglalakad na kami ni Yena pauwi tahimik kami pareho siguro iniisip nya parin yung napag-usapan nila ni Juri...

Ako naman hindi madaldal bakit ko sya kakausapin?


“Yuri!”

Agad naman ako napalingon sa kanya nung marinig ko ang pangalan ko at tumigil din ako sa pag lalakad nung makita ko sya na tumigil.

“Pwede bang ano? Ahm sa.. hmm”

Hindi ko alam kung nahihiya lang ba sya kaya hindi nya masabi yung sasabhihin nya or wala talaga syang sasabihin?

“Arhggg hehe forget it nakalimutan ko yung sasabihin ko”

Nagsimula na sya mag lakad kaya sumunod lang din ako tsss sabi na nga ba gusto nya lang patayin yung katahimikan kaya sya ganyan at yun nga lang wala syang maisip na maging topic.





Nakarating na kami sa apartment building namin at nakaakyat na rin dito kung saang floor kami at ganun parin yung itsura ni Yena.

“Bye!”

Yun lang ang sabi ko at nag u-unlock na ng passcode ko.

“Ah Yuri!”

Ayan na naman sya ano bang problema nya? Tch. Lumapit sya sa akin saka ako tinitigan problema nito? kanina pa sya ah.

“Hey hard headed girl!! Kung may gusto kang sabihin go sabihin mo na! Ano ba yun hah? Ako yung nahihirapan manghula eh”

“hehe sorry... Kasi ano.. ah.... ano...ahmm”

“hmm???”

Naiinip na ako kanina pa sya ganyan napakamot sya sa ulo nya at itsurang nahihiya at nag-aalangan pero ngumiti pa rin sya sa akin.

“He-he Pwede bang diyan muna ako sa inyo kahit ngayong gabi lang?”

Eh?

Ano daw? Talagang napanganga ako sa sinabi nya... Dito muna sya sa apartment ko ngayong gabi? as in dito ba matutulog?

"Again? Dito ka muna? Tambay ba o mag sleep over?"

"Sleep over"

Gulat na gulat talaga ako hahaha tagal ko ng nabubuhay sa mundo ni wala kahit isang kaibigan ko ang nagpaalam na makiki--- Oh may isa pa lang nakatulog na dito...Wait hindi sya nag paalam na makikitulog basta lang sya natulog dito kaya hindi ko na ginising at pinaalis... Arghhhh Forget it! Forget it!!




“Ano—ah kasi ano... parang feeling ko kasi kailangan ko lang ng kasama ngayon? kakwentuhan ganun hanggang sa makatulog. Ha-ha-ha ang weird ko ba? Ok lang din naman kung hindi pwede”



May problema ba sya? Eh nagkaganyan lang sya 'nung nakausap nya si Juri ganun ba sila kaclose? Or .... Woah baka naman may gusto sya kay Juri then nag selos sya? Kasi sa pag kakarinig ko sa chismisan nila may date kanina si Juri Tsss Owww pumapag-ibig si Yena at nababakla ah! So need nga nya ng kausap baka kung anong gawin nito sa buhay nya kaya binuksan ko ulit yung pinto ng apartment ko.

“Fine! Pasok!"

Nakita ko naman yung smile nya at agad din syang pumasok.




Umupo naman sya sa sofa at nililibot ulit yung paningin nya.

“Are you hungry? Mag luluto ako ng dinner.”

“Ah no.. 'Wag na busog pa ako ang dami kong nakain na cookies”

Fix Me || YulyenWhere stories live. Discover now