24. La pam pam

280 17 60
                                    


Yena's POV



"Haha next week na ba? sabi mo di ba weeks lang after ng mission?"




"Yen."





Seryoso si Juri.



At alam ko na malungkot sya para sa akin.




Pero ito naman yung gusto ko diba?





Gusto ko ng matapos ang mission na ito para makatakas na sa katotohanan.






Katotohanan na hindi talaga ako masayang aalis.





"Yen."




Ngumiti ako sa kanya para naman gumaan yung atmosphere dito para kasing mas malungkot pa sya sa akin.


"Hey Juri. Anong itsura yan? Masaya na ako noh finally tapos na yung mission ko dito."

"Tapos na ba ang mission mo?"

"Masaya na sya."

"Yun ba ang mission mo? yung sumaya lang sya?"

"Bakit? ano pa ba?"

"Tinanong mo na ba kung masaya na talaga sya? or kung ok na ba yung feelings nya?"

"Ofcourse natanong ko na yun noh and she said yes. Nandyan na si Sian at nagkaintindihan na sila ano pang magiging dahilan ng kalungkutan nya? wala na di ba? So.... I'm free now."

"Masasabi mo lang na tapos na yung mission mo once maconfirmed mo na hindi na sya colorblind sayo."


Oo nga pala hindi ko pa natatanong kay Yuri kung nakikita na ba nya lahat ng kulay sa damit ko or may white parin syang nakikita.



"Tss for sure naman nakikita na nya lahat ng kulay sa akin noh."

"Paano ka nakasiguro?"

"Masaya na nga sya! Hindi na nya maiisipan na magpakamatay dahil sa lungkot noh."

"Pero hindi ka masaya."



Ghad!! Juri naman pati ba naman ikaw???? Aist!!!!




"Naiinis na ako! sobrang naiinis na talaga ako! Ilang beses nyo ba kailangan ipamukha sa akin na 'Oo na hindi nga ako masaya! Hindi ako masaya ngayon at aalis ako na hindi masaya!"

"Yen."

Hindi ko napigilan at nasigawan ko si Juri.

Ayoko na talaga makarinig ng ganyang tanong or salita kung alam nilang hindi ako masaya wag na nilang tanungin kung okay lang ba ako! Hindi nga masaya diba? so I'm not fine!

Nasasaktan din naman ako.

"Sorry Yena."

"Sorry din Juri, Nasigawan kita."

"Sinadya ko yun, sinadya ko na magalit ka at sumigaw ka. Sinasarili mo kasi yung problema mo ngumingiti ka sa mga kaibigan mo pero ang totoo durog na durog ka na. Alam naman nila Yujin ang totoo di ba? sabihin mo sa kanila yung totoong nararamdaman mo yung galit mo sa sarili mo ilabas mo sa kanila sigawan mo rin sila kailangan mo yun Yena, Kaya nga tayo may tinatawag na kaibigan diba? Para sandalan kapag hindi na natin kaya."


Tama sya.

Hindi ko na kaya kailangan ko to ilabas.

"Ok lang yan Yen. Umiyak ka lang."

Naramdaman kong lumapit sya sa akin at saka ako binigyan ng hug.

Fix Me || YulyenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon