37. Set me free

283 22 60
                                    


Wonyoung's POV




Yung ngiti nyang ganyan ang ganda tignan sa kanya lalo pa at kitang-kita yung dalawang dimples nya.


Ahn Yujin.



Nginitian mo na ba ako ng ganyan? parang sa tuwing nakikita mo si Minju unnie saka lang lumalabas yung ganyang ngiti mo.


Paano naman ako? Mahal mo ba talaga ako?



Palabas na ako ng clinic pero hindi nila napapansin masyado rin focus si Yujin pakikinig kay Minju unnie. Bago ko tuluyang isara ang pinto tinignan ko muna sila kung mapapansin ba akong nawala pero hindi, busy sila kaya isinara ko na.

"Masakit ba?"

Agad akong napalingon sa likuran ko nung marinig ko yung boses na yun.

"Unnie."

"Ang sakit bang tignan na masaya yung mahal mong masaya sa taong mahal nya?"

"Chaewon unnie."

"Wonyoung bilib din ako sa pasensya mo kay Yujin."

"Chaewon unnie pwede ba tayo mag-usap?"

Tumango naman sya at nagsimulang maglakad sumusunod lang ako sa kanya tumigil sya sa may student lounge malapit sa exit ng school.

"Wala masyado tumatambay dito kaya ok lang na sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin."

"Thanks unnie."

Sabay kaming umupo at hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin or anong gusto kong pag-usapan dahil sobrang bihira kaming mag-usap na dalawa lang.

"Alam kong nahihirapan ka na rin Wonyoung. Masakit na masyado ipagpilitan yung sarili mo sa taong hindi ka na mahal."

Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun pero diretso lang yung tingin nya sa gate.

"Tama ka unnie ang hirap pigilan na hindi masaktan at intindihin nalang lahat."

"Alam ko naman na kahit gaano pa kalaki ang pasenysa mo susuko at susuko ka parin."

"Palagi ko ngang naiisip na sana hindi nalang ako umalis at nag punta ng states para hanggang ngayon masaya pa rin kami ni Yujin."

"Don't blame your self Wonyoung hindi mo kasalanan na mahina si Yujin at humanap sya ng iba para mapunan yung kakulangan nya sayo."

"Pero ilang taon din yun unnie ineexpect ko din na kapag bumalik ako baka may iba na sya pero natuwa ako nung malaman kong wala syang naging iba at ako parin mahal nya pero mga kasinungalingan lang pala yun."

"Pero kakulangan parin ni Yujin yun Wonyoung hindi mo kasalanan, ikaw nga nakaya mong mag tiis ng ilang taon na hindi sya kasama at walang naging iba tss talagang mahina lang si Yujin."

"Bata pa kasi sya unnie."

"Ikaw rin."

"Siguro nga ako nalang yung nag mamahal sa aming dalawa."

"Pareho lang tayo Wonyoung."

"Saan tayo naging magkapareho unnie?"

"Pareho tayong nasasaktan dahil may ibang mahal yung taong mahal natin."


Tinitigan ko si Chaewon unnie kaya nagtaka naman sya.


"Oh? Why?"

"Magkaiba tayo Chaewon unnie?"

Fix Me || YulyenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora