6. Rumor

287 21 42
                                    


Yena's POV


         
            Nandito na kami ni Minju sa Coffee shop kung saan nag tatrabaho si Juri nag hi/hello lang naman kami pero itong si Minju kanina pa ako inaasar. 


“Haist ang sarap talaga ng Iced Americano nila”


Sabi ni Minju na pinipicturan pa yung inumin nya haist.



“Ah Minju may tanong ako”

“About ba kay Yuri?”

“oh? P-paano mo nalaman?”





Nilapag ni Minju yung cellphone nya at ngumiting tumingin sa akin.



“Haist buong araw ata kayong hindi nag-usap ni Yuri diba?”

“Parang ganun na nga?”

Sagot ko at saka ako napatungo haist nakakapanibago rin na hindi kami nag-uusap ni Yuri.


“Feeling ko kasi parang worried ka sa kanya na nasanay ka na kinakausap nya though hindi talaga sya yung sumasakay sa mga jokes mo hahaha then biglang ganyan sya tahimik”

“Yun na nga eh, Ah Minju may alam ka ba sa past nya? Kung bakit sya naging ganyan? Or yung about sa dati nyang school?”

“Oh ah hmmm actually wala rin ako alam eh nagkaka idea lang ako dahil sa mga rumor pero sabi nila totoo daw talaga yun.”





I took a deep sigh~





“Anong basehan nilang tama yung rumor?”





Napacross arms naman si Minju at nag-iisip then tumitig sya sa inumin nya.







“Ang alam ko yung isa sa student body member ay dating nag-aral doon sa school kung saan galing si Yuri at yun nga sinasabi nya na nakicked out nga daw si Yuri sa school na yun dahil sa bullying incident ng barkada nila at take note si Yuri ang student body President that time.”

“Si Yuri lang ang nakicked out?”

“Oo kasi sya daw ang leader ng grupo nila? saka sya yung tinuturong pasimuno at nagsimulang mambully marami daw silang binubully na students doon.... Pero itong last na incident yung malala kasi nga nag commit ng suicide yung binully nila at nag cause nga ng suspension nasuspend yung ibang kaibigan nya at sya lang ang na kicked out”




Natigilan naman ako bigla sa narinig ko. Grabe? Nag suicide yung binully nya? Binully nga ba talaga nya? Sya talaga ang pasimuno?






“Actually sabi ng ibang students dito banned si Yuri sa lahat ng School pero nakiusap lang daw ang parents nya na tanggapin sya dito kasi ang alam ko cousin ata ng Daddy nya yung Director ng School na ito... But in return hindi daw sya gagawa ng kahit anong gulo kaya yun nga tahimik lang syang ganyan pero itong mga schoolmates kasi natin hindi pa rin sya tinatantanan kaya alam kong nagpipigil lang yang si Yuri kasi konting tiis nalang din naman gagraduate na tayo.”



Ganun pala kaya tahimik lang sya at hindi nakikipag kaibigan ayoko man sabihin pero naaawa ako sa kanya she really need a friend.




“Minju naniniwala ka ba sa rumor na yun?”



Nakita ko naman na nagulat sya sa tanong ko.


“Oh? Ah hmm I don't know, hindi rin kasi natin alam ang totoo but....yung nag kwento kasi mismong nanggaling sa school nila at nakasaksi ng lahat”

“Oh let’s rephrase it ibahin natin ang tanong, Minju naniniwala ka ba na kayang gawin ni Yuri ang lahat ng iyon?”




Mas lalong nagulat si Minju sa tanong ko at napatitig sya sakin medyo matagal rin bago nya inalis at inubos yung inumin nya.






Fix Me || YulyenWhere stories live. Discover now