Kabanata 4

71 5 10
                                    

Trip

"Before we go back, puwede ba tayong pumunta sa Campos Eternos? Ang tagal ko ng hindi nakakalanghap ng fresh air." ani Hestia habang naglalagay ng toner sakanyang mukha.

Nandito kami sa bathroom ng isa sa guestroom dito sa bahay. Dito rin kami lahat matutulog dahil malaki ito at kasya naman kami.

"Oo nga. Puwede ba yun, Perse?" si Artemis

"Sure. Sasabihin ko kay Papa."

Tatlong double deck bed bunk wooden at may isang L-shaped sofa at isang malaking tv ang nakapaloob dito. Nakahanda na rin ang mga inumin para sa mga pinsan naming lalaki dahil anila mag ne Netflix and chill daw.

"Nasa patio pa ba sila Kuya?"

"I guess so. Tawagin mo na dahil pag-uusapan natin ang plano para bukas." Tumango si Hestia.

Naiwan kami ni Artemis. Pinagpag ko ang mga unan na binigay ni Greta. Hindi kasi ito nagagamit dahil wala naman kami masyadong bisita. Tanging kapag pumupunta lamang ang mga pinsan ko. Good thing the households kept this array and free from dirt.

"Sa baba ka pa rin ba, Perse? Malaki naman ang puwesto dito kasya tayong tatlo ni Hestia. Dito ba matutulog si Kuya Paeng?" I forgot to tell them that Kuya won't be able to join us tonight. Because he has some errands.


"Hindi e. Busy kasi siya." I bit my lower lip.

"Okay. So tayong anim lang." Binalik niya ang nilagay niyang unan sa ilalim.

"I'm fine sleeping with you sa baba." Tumango naman siya at naglagay ng comforter.

Habang nasa panghuli na kaming double deck ay may kumatok naman sa pintuan.

"Papa." Binuksan ko ang pintuan para makapasok siya.

"Kumusta kayo dito? May kailangan pa ba kayo?"

"Wala na po, Tito." Bumaling saakin si Artemis at tinignan ako nang makabuluhan.

"Ah, papa. Puwede ba kaming pumunta sa Campos bukas?"

"Ah, yes tito. Gusto sana naming pumasyal doon bago umuwi ng Maynila. Kung hindi makakasama saamin si Percy ay sana nalang po ipasyal niya kami sa Campos." Artemis said and smiled.

"Talaga pupunta tayo sa Campos bukas?" si Phyl na dumungaw mula sa labas. Isa isa na silang pumasok.

"Oo naman. Bukas ng 9AM dahil hindi masyadong mainit at wala din gaanong tao. Para solong-solo niyo." ani Papa.

Nagsipalakpakan naman ang mga pinsan ko. Nag apir pa si Lance at Phyl.

"Nakaka excite naman. Thank you, Tito Apollo." si Hestia

"Always welcome. Huwag kayo masyadong magpuyat at uminom dahil baka hindi niyo ma enjoy ang Campos trip niyo bukas." Tumango kaming lahat na para bang mga bata.

"Sige magpapahinga na ako. Tawagin niyo lang si Greta kung may kailangan pa kayo." Lumapit ako kay Papa at niyakap siya. "Thanks, Pa."

He kissed my hair. "Sure, anak."

Pagkalabas ni Papa ay siya namang nagsi unahan ang mga pinsan ko sa kani-kanilang pwesto.

Sa unang double deck ay magkasama si Ocean at Lance, samantalang sa sofa naman napag desisyonan ni Phyl na matulog.

"Ayoko pri. Dito nalang ako sa sofa." aniya matapos asarin na kaya siya matutulog sa sofa ay takot siyang baka gapangin sa double deck.

"Hoy. Di porke't nasa probinsya tayo ay marami ng multo. Diba Perse?" Lance

The Sunsets' Kiss (C.E Series #1)Where stories live. Discover now