Kabanata 5

61 4 5
                                    

Heiress



"Rise and shine, cousins!"

Nagising ako sa lakas ng boses ni Hestia. Isa isa niya kaming inalog hanggang sa bumangon.

"Tangina naman. Nakakaantok pa eh. Sarap pang matulog." si Lance na asar na asar.

Kinusot ko ang mata ko at tinignan ang wall clock na nakasabit sa itaas ng pintuan. Alas siete y media na at mayroon nalamang kaming isang oras at tatlumpong minuto para makapaghanda dahil ang sabi saamin ni Papa ay mas maganda kung pumunta roon nang maaga.

"Gising! Gising! Hoy! Omygosh. I remember my dream. It was Kuya Phyl." Dahil nga sa sinabi ni Hestia ay napabalikwas ang lahat saamin.

"Natatakot daw siyang matulog dahil nag aalala siya na baka gapangin o di kaya ay pakitaan siya ng masamang espiritu. Kaya gising siya hanggang magdamag." Napakunot ang noo ko.

"Hindi mo 'yon panaginip, Hesch."

"What the fvck."

"Phyl! Anong nangyari sa'yo pare?" si Lance na humagalpak sa tawa.

Kinusot ko ang mata ko para makita nang maayos ang mukha ni Phyl. Muntik na akong mapamura dahil sa nangingitim niyang mata at sa tamlay nang ayos niya. Mukhang nagkakatotoo nga iyong naging usapan namin kagabi tungkol sa kung sino ang mapupuyat ay siyang magmumukhang zombie sa nga pictures.

"Kasalanan 'to ni Percy eh." si Phyl na nakanguso sa sofa. Balot na balot ng kumot ang kaniyang katawan.

"Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?" Ako sabay duro-duro sa dibdib ko na mala Bobbie Salazar. Imbis na mainis dahil sinisisi niya ako ay naisipan kong mas asarin siya. Nakita ko naman kung paano ngumisi si Ocean sa ginawa ko. Naalala niya rin siguro kung paano itong si Phyl nagyabang kagabi. Kaya ayan ang napala niya.

"Hindi mo naman sinabi saakin na totoo pala talaga na may multo dito sa mansyon niyo." Reklamo pa rin niya.

I groaned and stood up. Ganon din ang ginawa nila Hestia at Artemis. Sabay naman na lumabas si Lance at Ocean para siguro'y makapaghanda na.

"Ligo na nga 'ko." si Artemis na humikab muna bago tuluyang lumabas.

Kaming tatlo nalang ang natitira kaya naman ay inayos ko na rin ang higaan ko at isnuot ang tsinelas.

"Kasalanan mo 'yan Kuya. Ang yabang mo naman pala kasi eh." si Hestia na hindi man lang ako inaya bago lumabas. Kaya naman tuluyan na kaming naiwan ni Phyl rito sa guestroom.

"Oh? Aalis ka rin? Ganyan naman kayong lahat eh, iniiwan ako lagi." Aniya na humiga ulit at nagtaklob ng kumot. Umiling lang ako dahil natatawa talaga ako sa kaniya. Sino ba naman kasing nineteen year old ang hanggang ngayon ay naniniwala pa rin sa mga kuwento tungkol sa multo?

Lumapit ako sakanya at hinila ang kumot niya. "Para kang tanga." Hindi siya sumagot sa halip ay nakapikit lamang siya.

"Tara na sa baba, Phyl." Sinundot ko ang tagiliran niya. "Bahala ka nga maiwan ko na kayo dito. Maliligo na ako—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil daig niya pa si Flash na naunang lumabas saakin.

"Tangina naman, Percy eh. Di na talaga ako babalik dito sa lugar na 'to." aniya na parang isang sumpa ang pagpunta sa bahay namin.

Nasa sala na kaming lahat at handa nang umalis. Hinihintay nalang namin ang van na maghahatid saamin sa Campos. Ginamit kasi nila Mama ang sasakyan kaya naman ang natira nalamang ay ang sedan, na talagang hindi kasya para saamin. Panay ang yaya ni Hestia na mag picture dahil aniya maganda raw ang damit niya ngayon. Nakasuot lamang siya ng red spaghetti strap, maong skirt at brown boots. Habang si Artemis naman ay katulad kong naka maong at puff sleeves lamang.
 

The Sunsets' Kiss (C.E Series #1)Where stories live. Discover now