Kabanata 8

43 1 0
                                    


Farmer

Halatang pinaghandaan ni Wendy ang outing na ito. Nakahilera ang mga pagkain at inumin sa isang mesa. Gumawa rin sila ng apoy gamit ang mga kahoy na galing sa gubat upang makapag-ihaw ng barbecue.



"Percy, halika!" ani Wendy na nakasuot ng kulay asul na bikini na bumagay naman sa kaniyang magandang kulay at pangangatawan.




"Ipapakilala kita sa mga kasama ko." Tumango naman ako at nagpatiayod sa kanya.




"This is Persephone Marcera, single." Nakangiting wika niya. Bahagya ko naman siyang kinurot sa tagiliran.



"Oh, nice. I'm Cedy. Single ka ba talaga? Alam no naman itong si Wendy, scammer. Naninigurado lang." Inilahad ni Cedy ang kanyang kamay. 



Imbis na sagutin ay tinanggap ko nalang ang kamay niya. He's got that tall, dark, and handsome type of guy in novels.



"Ehem. Hinay hinay lang sa pang rereto, Wendy. Baka ma hot seat nanaman tayo niyan kay papi Darius." ani Cora na pinandilatan ko kaagad ng mata.



"Well, whoever that Darius is, I'm making sure he won't be jealous. Kasi gusto ko lang namang makipag kaibigan. I'm Pietro." Mas lalong nadepina ang dimples niya sa magkabilang pisngi. He has curly hair and along with his thick brows is a set of scintillated brown eyes. Compared to Cedy, Pietro has light and has more amicable nimbus.



"Ah thanks." Tanging nasabi ko lang at agad na tinanggap rin ang kanyang kamay. Matapos pinakilala ni Wendy ang mga kasama niya ay agad naman siyang nag aya na kumain.



I sighed in relief while observing the food that was prepared. There were in fine fettle fruits and dish. There were also liquor that was maybe prepared for Wendy's cousin.



"Sayang at di nakapunta si Russell. Sakto din kasi na may outing sila ng mga kaibigan niya. Yung hayop na 'yon, mas pinili pa ang mga kaibigan niya kesa saakin na totoong kadugo niya." ani Wendy at sinaksak ang pakwan.



"Kahit ako naman Wendy, mas pipiliin ko nalang na mag laro ng basketball kesa sumama saiyo." Everyone burst into laughter when Pietro threw those words to her cousin.



"Eh bakit ka pa rin sumama kung ganoon? Alam mo ang plastic mo din." Napairap naman si Wendy.



"Gusto ko lang." Natahimik ang lahat at sinundan ang tingin ni Pietro. Halos mapalunok ako ng huminto ang titig niya sa mga mata ko.

The Sunsets' Kiss (C.E Series #1)Where stories live. Discover now