●3● MEET

1.5K 70 0
                                    


Coleen's POV

so ayun gumising ako ng maaga para sa lakad namin ni dad. Mga 10 am aalis na kami dito sa bahay at pupuntang mall para magsaya.
At sakto naman na nakita ko si dad sa hapag kainan.

:"good morning dad" bati ko dito at tumayo ito at yumakap sakin.

:" good morning din ija masarap pa tulog ng baby namin?ah?kumain kana at may lakad tayo I'm sure magsasaya tayo dun baby" kumain na ko ng mabilis at di na nagpaligoy ligoy pa na naligo.


"hay salamat naman nakatapos din" sabi ko sa sarili ko na nakaharap ngayon sa salamin.



simple lang naman yung suot ko di yung magara kagaya ng iba.
Naka Hoody lang ako na Red at Pants at white shoes oh di ba ang cute ng baby ehe.

bumaba na ko at nakita ko na naghihintay na pala si dad sa baba kaya dali dali akong tumakbo dun.

"Oh ija wag ka masyadong magtatatakbo dyan baka matumba ka" sabi ni dad na kinakabahan sa pagtatatakbo ko.

"Opo dad"


Nandito na kami ngayon sa mall kumakain kami ngayon sa isang restaurant ng biglang may nag call kay dad.


"hello? okay okay I'll be there right away" sabi naman ni dad na nagmamadali. Alam ko naman na dahil sa business na naman yun.

"Ija?I have to go na ah? May urgent meeting daw kase sabi dun." Sabi ni dad na nagmamadali.

"sige po dad it's okay kaya ko naman po sarili ko uuwi din po ako pagkatapos kong maglibot libot dito sa mall" at umalis na si dad ako nalang naiwan dito sa mall. Alam ko naman yung daan pauwi kaya mag cocommute nalang ako.


Gabb's POV


Kakaalis lang namin ngayon sa Hospital di naman malala yung sakit ko nahimatay lang ako dinala na agad ako ng mga patay gutom na yun.
Pero infairness nakita ko naman na concern silang lahat.

Pinauwi ko na si Laney at ako na rin nagbayad ng bills ko dito sa Hospital. Naka mask lang ako na lumabas dito sa hospital alam mo naman kapag kilado ka pagkakaguluhan kana naman ng mga tao.



Naisipan ko munang pumunta sa Mall para makapagpalamig.
At syempre dinala ko kotse ko na sabi kong iwan nalang nila sela dito sa Hospital kagabi.



Nandito na ko sa mall ngayon at palakad lakad lang pero may mga nakatingin pa rin saking mga chix.
Sa bagay kasalanan ko bang maging gwapo sa paningin nila? tinignan ko naman sila at nagtitilian naman silang lahat.

may napansin akong isang babae na palakad lakad mag-isa at sya lang talaga ang di tumitingin sakin ah.
di pa nya siguro nakikita ang kamandag ng isang Skribikin.

pero habang nakatitig ako sa kanya ay tumingin naman ito ng bigla kaya namulat ng bigla ang mata ko at tumingin nalang kung saan saan.
Ang ganda naman ng mga mata nya. Ang cute parang baby. Baby ko yiieee haha.

muntik ko nalang sana lapitan kaso may mga lumapit na naman sakin mga babae na nagtatanong kung single pa daw ako. Eh syempre si Gabo to eh kaya sagot ko is "single and ready to mingle girls" sabay kindat sa kanila kaya napahiyaw sila lalo.


tumingin naman ako sa kinaroroonan ng babaeng gustong gusto kong lapitan. Nandun pa rin sya pero di sya nakatingin sakin. Nasa loob sya ng isang stuff toy store kaya pinuntahan ko naman.



Bigla naman syang nagulat ng nakita nya akong papalapit na sa kanya.
Kaya umurong sya ng konti dun sa may malapit sa cashier.

Coleen's POV

May napansin akong parang isang lalake na nakatingin sakin sa may layuan kaso di ko talaga alam kung lalake o babae ba yun parang si Gabb nga eh. Imposible naman kung si Gabb yun kase sikat yun eh.

Madami naman yung lumalapit na babae sa lalakeng yun naka mask sya na black at black lahat ng suot nya akala ko nga parang korean sya haha
Gwapo din pala infairness.


Pero nagulat ako ng bigla nya akong tignan at di talaga nya maiwas na tumingin sakin kaya nailang ako at umiwas sa tingin nya.


titingin sana ako ulet ng may mga lumapit sa kanyang mga babae at ewan kung ano yung pinag uusapan nila.


Halata naman na kilig na kilig yung mga babae sa sagot ng lalakeng to.
Tas yung lalake naman ay parang babaero. Tas nakangisi pang sumagot sa mga babae.

Ay Babaero nga! tinignan ko ng kinindatan nya yung mga babae.
Tas umalis na kaagad ewan ko kunv saan sya pupunta. Kaya pumunta na ako sa isang stuff toy store.


Pero bigla akong nagulat na dito pa din syang pupunta. Seriously?dito talaga?


pero nagulat ako ng biglang tumabi sya sakin. Ewan ko pero parang kinikilig ako kase sobrang lapit nya talaga sakin.


so andito ako ngayon tas hinahawakan ko itong unicorn na gustong gusto kong bilhin kaso nakalimutan kong magdala ng pera kaya kulang.


nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko na babae.


"Hello there?" sabi pa nito kaya tumingin ako kung san nanggaling yung boses pero wala namang babae dito sa loob.

pero nagsalita ulet at kinaway kaway ako.

"Hello babygirl? Nakikita mo ba ako?" Wait parang may ka boses sya. Medyo familiar. Kaya tumingin ako. yung nagsasalita pala ay ang akala kong lalake kanina dun sa labas. Kaya napanganga nalang ako dito.



"Bibilhin mo ba yang stufftoy?" Tanong nya kaya umatras ako.nahiya ako kase di ko mabibili yun. Gustong gusto ko pa naman kanina ko pa nga yinayakap yun eh.




"ahm hinde eh, eh ikaw ba bibilhin mo?" Tanong ko naman sa kanya kaya klarong napangiti sya ng dahil sa mask nya klaro naman kase at ang ganda ng mga mata nya parang binibihag ako. Wait kay Gabb lang ako guys kay Gabb lang okay?.




"Syempre bibilhin ko yan pabirito ko kaya yung unicorn" kinuha nya na ito at sinabi sa cashier na dalawa daw yung bibilhin nya. Teka?dalawa?two timer ba sya? ah baka para sa girlfriend nya. kaya tumingin tingin nalang ako dun sa shop.



Bigla naman akong nagulat ng may tumatawag sakin sa likod. At sya yun yung bumili ng paborito kong unicorn :<


"Psst babygirl?" Sabi nya pa. Ano close tayo?



"Ahm bakit po yun?" Sabi ko na parang nahihiya pa.


Nagulat naman ako ng may ibigay sya sakin na isang bag.
Binuksan ko naman yun at pagkakita ko ay yung unicorn na gustong gusto ko.


Magpapasalamat sana ako sa kanya kaso biglang tumakbo eh kaya hinabol ko ng hinabol hanggang sa makarating kami sa parking lot.

When I look at you (Unicoco Story) SERIES 1Where stories live. Discover now