●11● ACCEPTED

1.3K 66 2
                                    


Gabb's




Pauwi na ako ngayon at syempre masaya ako dahil nakita ko na naman yung baby coco ko kanina.



kung di lang sana tumawag si Daryll sakin eh di ako uuwi. May emergency daw sa bahay kaya kailangan kong pumunta.




Nandito na ako ngayon sa labas at napansin kong walang tao kaya dumeretso muna ako kwarto ng biglang may tumapik sa ulo ko.






"Sabi ko na nga ba ay tumakas ka eh" si Rans pala to. Sabi ko kase sa kanya na di ako aalis pero tumakas pa rin ako.





"Di ba ang sabi ko sayo wag kang aalis dahil kakagaling mo lang sa hospital?kung di ko lang talaga hiningan ng tulong si Daryll ay di ka talaga uuwi nuh?" sabi nya habang tumitingin ng masama sakin.





Napakamot nalang ako sa ulo ko eh wala naman akong magawa eh nangyari na yun.




"sorry na ate rans nabobored lang talaga kase ako ngayon eh kaya naisipan kong lumabas muna" sabay ngiti ko dito habang naka peace sign.







"wag mo akong daan daanin sa ganyan gabo iba ako magalit" sabi nya habang tumataas na ang boses nya.






"opo ate alam ko po kung paano ka magalit kaya nag so sorry na nga di ba?" Sabi ko habang nagpa pout yung lips.







"haynako gabo sige na umalis kana at magluluto muna ako ng dinner natin dito sa bahay" sabi naman ni rans at nagbago yung mood.




Pumunta na ako ng kwarto ko at nililibang ko lang ang sarili ko sa tiktok kaya gumawa muna ako ng video.





Nagtiktok ako at inupdate ko kaagad ito sa mga social media accounts ko and as usual tinatadtad na naman ito ng mga comments ng kababaihan and syempre may mga kalalakihan din na nababakla na sa kagwapuhan ko.





tapos na akong mag update sa mga social media accounts ko kaya pinatay ko muna ito kase tadtad ng notification eh ang sakit sa tenga.






natulog muna ako and its exactly 7pm..



.......


Nagising na ako ng mga 12 am ewan ko ba pero bakit di nila ako ginising? mga patay gutom talaga oh.



Binuksan ko naman yung phone ko at nakita kong may notification sa account ni Gabby Bear kaya bigla ko itong tinignan.





Coleen Trinidad Accepted your friend request.

8:30 pm ago.

nakatitig pa rin ako sa cellphone ko. Di ako makapaniwala na inaccept nya na yung friend request ko kaya di na ako nagdalawang isip na mag chat sa kanya.



: Hello coco? Still awake?
sent 12:03 am

Nagulat ako ng bigla nya itong i seen at halatang nag ta type pero nagtaka ako kase bat ang tagal?

tas nawala na naman yung tatlong dots na palatandaan na typing pa sya.

Coleen's

Inaccept ko na yung friend request sakin ni Gabby kaninang mga 8:30 pero bakit di pa rin sya nag chachat sakin? mabuti na nga inaaccept ko na yung friend request nya tsk.

siguro nandun na naman sya sa babae nya or baka pinuntahan nya talaga yung waitress kanina sa resto na pinagkainan namin.



bakit ko ba iniisip yun? eh di ko naman jowa. haynako coco baby ka pa kaya wag kang mag overthink okay?

When I look at you (Unicoco Story) SERIES 1Where stories live. Discover now