●19● Classmate

1.2K 59 4
                                    

At dahil wala akong magawa ngayong gabi update nalang muna ng next chapter.






Gabb's

Nasa  room na nga ako ngayon buti nalang wala pang teacher kaya pinagtinginan ako ng mga bago kong kaklase na halatang kinikilig din.


Naghanap ako ng bakanteng upuan at meron din naman na nag alok sakin pero ayoko eh kaya mas pinili ko dun sa dulo para maganda yung view.



Nandito na ako ngayon sa likuran at may bakante din sa tabi ko kaya nilagay ko nalang dito yung gamit ko para walang makatabi sakin.


7:40 na at wala pa ring teacher nilalamig na ako dahil naka full yung aircon tas di pa makapal yung t-shirt ko kaya labas pasok yung lamig.


bigla ko naman naisip yung coat ko na binigay ko kanina sa babaeng natapunan ng tubig.

Ano na kaya yung ginagawa nun ngayon?

siguro freshmen lang yun kagaya ko.

pero kahit na freshmen ako ay kabisado ko na lahat ng pasikot sikot dito sa school kaya wala na akong problema.




Coleen's

Nandito pa rin ako sa building A hinahantay ko pa rin kase si Cole kase sobrang tagal eh.

7:31 na tas wala pa rin sya baka malelate na ako sa klase neto.

Nagulat nalang ako bigla ng nagkaguluhan ang mga babae dito sa school at naghihiyawan.


may hearthrob ba na paparating o may artista?

tumingin naman ako at may isang babae na nakaitim na naka mask na kagaya ni Gabby kaya di ko mapigilang ngumiti.

Nagulat naman ako sa mga naririnig kong salita sa mga babae na nagtatakbuhan papunta sa kanya.

"Gabb sakin ka nalang okay lang kahit na saktan mo ako"

"Gabb okay lang sakin na masaktan basta ikaw lang"

"Gabb I'm here please notice me"

"Gabb!!!!! I love you"

"Saranghae oppa"


yan yung mga sigawan nila kaya mas lalo akong kinabahan kaya tinutok ko talaga yung attensyon ko sa babaeng ito.

halatang pinagpapawisan na sya and infairness ang hot nyang tignan kahit na sa malayuan ka.
Tumutulo na ngayon yung mga pawis nya papuntang leeg nya ng dahil sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.


nandito lang ako sa gilid at pinagmamasdan kung ano pa ang gagawin nya.

Gabb pala pangalan nya ah. Kapangalan nya crush ko sa mnl48 tas same din sila pumorma ehe kenekeleg nemen eke. Yan yung nasa isip ko ngayon.

Bigla naman akong nagulat na inalis nya yung mask nya sa mukha at shettt ang hot ni daddehhhhh di kakayanin ng heart ko.

Kamukha nya nga si Gabb ko ehe yan yung nasa isip ko ngayon ay wait? kamukha nga talaga ni Gabb.

si Gabb nga!! aaaaAaaack my heart is shakinggggg.

may isang grupo na naman ng babae ang dumaan dito at halatang papunta na naman kay Gabb sumabay naman ako pero bigla akong nabuhusan ng tubig ng isang babae kaya basang basa ako ngayon tas nag white pa talaga ako ah.


When I look at you (Unicoco Story) SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon