●16● WHO IS THE MYSTERY SAVIOR?

1.3K 60 2
                                    


Ella's

nakatingin pa rin ako kay Gabb ngayon habang nakahiga na dyan sa buhangin katabi si Rans.

si Rans naman ay halatang kinikilig habang mahimbing na natutulog.



ewan ko ba pero sobrang na shock talaga ako sa nangyari sa kanila kanina like ganun na ba talaga ka wild si Gabb ng iniwanan ko sya?

sana ako nalang si Rans
sana ako nalang nasa pwesto nya ngayon. Yan ang mga iniisip ko sa mga oras na to.

"anong tinitignan mo dyan baby?" bigla naman akong nagising sa katotohanan ng may nagsalita sa tabi ko at hinihimas himas yung likod ko.


si Gia nga. yung may kapakanan ng lahat ng to.




"wala lang baby tinitignan ko lang kung okay lang si ate rans" saad ko dito at biglang humigpit yung pagkakahawak nya sa likod ko.

"si rans ba o si gabb?" ang sakit ng kamay nya. kaya tumayo ako at hinila sya papalayo dito at kinausap ko sya ng maayos.

"di ba Gia ikaw na yung pinili ko? dapat nga magpasalamat ka pa dahil hanggang ngayon nandito pa rin ako. kung tutuusin nga kaya kong makipag break ngayon sayo" sigaw ko ngayon kay Gia at parang bumabalik na naman sya sa pag-iisip nya.

"I'm sorry baby" sabay yakap naman sakin neto at parang naiiyak na.



"I didn't mean na saktan ka" singit nya sa salita nya.



tinotopak na naman sya.



bumalik na kami ngayon sa kanila at napansin ko na wala na dun si Gabb at ate rans kaya binalewala ko nalang ito kase kapag magtatanong pa ako baka may masamang gawin na naman itong si Gia sa kanya.

"bat nga pala kayo napabisita?" Tanong ni ate sheki samin ni Gia.


sasagutin ko na sana sya ng biglang nagsalita si Gia kaya pinabayaan ko na.


"sobrang miss na namin kayo ate kaya napadalaw kami. ang sweet namin di ba?" sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit.




"at saka din ate dyan na din kami mag-aaral ni Ella dyan sa Freedom university kaya magkakasama na tayo magmula ngayon" singit nya pa dito at halatang natatawa na ngayon.


eh bat pa kase nya sinabi yun? alam kong magkakagulo na naman nito sa bahay kapag sinabi nya na dun na rin kami titira.



"and sa sobrang miss namin sa inyo, dun na din kami titira ulet ni Ella." sigaw neto at pumapalakpak.

Napansin ko rin na nagtinginan lahat ng ka myembro ko sa isa't isa na parang may pinapahiwatig.

"ay ganon ba? ah sige bumalik nalang kayo dun nandun pa naman yung kwarto niyo eh kaya lipat na." sabi ni ate sheki na napakamot nalang sa ulo.

"oo nga baka mas magigiging masaya tayo pag naging kompleto na tayo ngayon."

"Oo nga mas mabuti na rin yung kase mag-aaral na kayo ulet pati ni Ella."

sabi nila na halatang pilit lang naman.

Alam kong ayaw nila kami na bumalik dun.

Alam ko rin na ngayon ay ayaw na ayaw nila makita yung mukha namin ngayon sa harapan nila.

Pero bakit? bakit nila ginagawa ito?bakit tinatanggap nila pa rin kami sa lahat ng ginawa naming masama?.

"so kailan niyo ba balak lumipat sa bahay?" Agad na tanong ni ate Alice na naka cross arm na.

When I look at you (Unicoco Story) SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon