Chapter 4

3.2K 69 6
                                    

Chapter 4


Napamulat ako nang maramdaman ko ang ngalay sa katawan ko. Naabutan ko ang sarili na nakahiga na sa sofa at may nakabalot sa itaas na parte ng katawan ko na jacket, kay Grey ata. Nalingunan ko naman ang anak ko na nasa swivel chair na ni Grey kaya agad ko itong sinaway. She smiled at me.


"You're awake, mommy," tumakbo ito at malambing na yumakap sa akin. Nakaramdam ako ng tuwa dahil doon. "Daddy told me na hintayin daw po natin siya, kanina pa naman po siya umalis. He also said that I shouldn't bother you since you are tired of working. Is that true, mommy?"


Binuhat ko ito at iniupo ko sa hita ko. "I'm not going to be tired working lalo na kung para sa'yo, baby."


"I love you, mommy and also daddy." Pagyakap nito sa akin. Naputol lang ang yakapan namin nang pumasok na si Grey na animo ay nagmamadali.


"Masyado ba ako matagal?" Hinihingal pa siya na akala mo ay may tinakbuhan na tao.


I just shrugged my shoulder since hindi ko naman talaga alam. Kumakain pa lang ata siya kanina ay nakatulog na ako at ngayon na nagising ay hindi man lang nakita pa ang oras. Umupo agad siya sa swivel hair niya at sumandal dun habang hinihilot ang noo. Agad na tumakbo papunta doon ai Kaylee, nagpakalaong sa tatay at siya mismo ang naghilot sa noo ng ama.


"Masama po ba pakiramdam niyo daddy?" bakas pa sa boses ni Kaylee ang pag-aalala. "Do you have any medicine here, daddy? You should drink it para di na po lumala."


Di naman agad nakasagot si Grey pero nang mahimasmasan ay inayos niya sa pagkakakalong ang anak. "Medyo pagod lang ako, Kaylee. But, I'm okay. By the way, where do you wanna go?" pero habang sinasabi niya yun ang bakas sa mukha niya na hindi siya ayos kaya napatayo na din ako at nag aalinlangan na lumapit sa kanya. Napailing pa ako ng ulo.


"You sure you're okay? Pwede naman sa susunod na tayo umalis?" suhestiyon ko na nakapag-pamulat sa mata niya. Natigilan siya at napaisip sa sinabi ko bago ibaling ang atensyon sa akin.


"You sure?" he asked. Tumango ako.


"Yup, para makapag-pahinga ka rin. Mukha kasing 'di ka okay, eh. Madami pa naman time para d'yan. Tsaka para makatulog uli ako, nakulangan pa ako." Tawa ko kaya agad din siya natawa. I even reasoned that out. Pakiramdam ko kasi ay hindi siya papayag na hindi kami umalis kung siya lang din ang iisipin.


Nagulat nalang kami nang tahimik na si Kaylee, 'yun pala ay nakatulog na din sa pagkakaupo sa tatay.


"I told you," kindat ko pa kay Grey kaya agad ko na inayos ang mga gamit ni Kaylee para makauwi na.


Buhat-buhat na ni Grey ang anak, tuwang-tuwa pa ang sekretarya niya sa anak namin nang makita ito. Nang makasakay sa elevator ay tahimik lang at kami lang ang andito dahil exclusive ito para sa kanya, sosyal. Boss na boss.


Pagkababa sa lobby ay agad ang tinginan ng mga empleyado sa amin. Halata sa mga tingin nila ang pagtataka kung sino kami ni Kaylee at bakit buhat ito ng kanilang boss. Nakaramdam pa ako ng ilang at hindi maiwasan mapayuko. Pakiramdam ko tuloy ay artista ako panandalian.


Pero may lakas loob na tumawag kay Grey. "Sir Greyson!" at nagmamadali pa itong tumakbo sa gawi namin. Nagulat ako na si Carlos ito. Isa pala siya sa empleaydo dito and I think nasa mataas na posisyon nga lamang siya. "Hi, Khloe."


Ngumiti ito sakin bago bumaling sa anak kong tulog. "Hello, baby Kaylee," kinurot-kurot pa nito ang pisngi. Sasawayin ko sana nang unahan ako ni Grey. "Nakitang natutulog e," paangil na sabi ni Grey. "What do you need?"


"Ay, over protective sa anak," dahil sa sinabi ni Carlos ay narinig ko ang ilan na bulungan, mukhang nakakauha ng sagot para sa mga sariling tanong. "Nakita ko lang kasi kayo and I approached you para lang bumati."


"Yun lang?" pagsusungit ni Grey.


"Eh, syempre meron pa. Namiss ko makita itong si Khloe e."


Sabi niya na ipinagtaka ko. But he just smiled at me at umalis na rin naman. Sinundan pa nga siya ni Grey ng tingin na halatang nagtaka rin sa sinabi ng kaibigan.


For almost 2 months namin na magkasama ni Grey, ilan beses ko na rin nakasama ang mga kaibigan niya tuwing pupunta ang mga ito sa condo unit. Lalo na si Carlos, minsan ay bumibisita siya kahit wala naman talagang sadya at nagugulat pa nga si Grey kung bakit andoon ang kaibigan.


Mabuting kaibigan naman si Carlos. Walang mali doon pero minsan ay nakakapagtaka nalang din ang pakikitungo niya. Minsan nga ayaw ko isipin na may iba, pero kakaiba kasi ito kung makitungo.


He even DM me on my instagram. He just says hello pero naging iba sakin yun. Pero ipinasa-walang bahala ko na lang din.


Sa tagal kong napatulala di ko namalayan na nasa parking lot na pala kami ng building kung nasaan ang condo ni Grey. Agad akong bumaba at inalalayan ang anak ko. Halata naman sa mukha pa rin ni Grey na may dinadamdam siya na sakit.


Nang makarating nga sa unit ay agad na pumasok si Grey sa kwarto at dumiretso sa pag-higa. Pinagsabihan ko pa nga muna na magbihis bago siya mahiga. Si Kaylee naman na nagising sa byahe kanina ay ngayon inumpisahan ang pagkukulay uli.


"Matulog muna ako, Khloe," sumungaw pa ang ulo ni Grey mula sa kwarto. Tinanguan ko naman agad siya kaya pumasok na muli siya sa loob.


Alas-kwatro palang naman ng hapon kaya naisipan ko gumawa ng meryenda. Nag-request pa nga si Kaylee na pancake daw kaya pinagbigyan ko. Nang matapos sa niluto ay kumatok ako sa kwarto at walang sumagot agad kaya tingin ko ay tulog pa rin si Grey.


I decided to enter and caught him sleeping peacefully. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinapik siya sa braso para gisingin pero nahawakan ko siyang mainit. Agad akong umupo sa tabi niya. "Huy, Grey, nilalagnat ka, hindi ka man lang nagsasabi." Pero umungol lang ito na parang wala man lang siya kalakas-lakas magsalita.


Kumuha agad ako ng mga kailangan, binilinan ko pa muna din si Kaylee na aalagaan ko muna ang daddy niya. She insisted na tulungan niya ako pero hindi ko pinayagan at lapitin din siya ng sakit, baka mahawa.


Bahagya ko siyang tinapik-tapik at ginising. Sinimulan ko siya punasan ng malamig na towel para bumaba man lang ang init ng katawan niya. Nang matapos ay inilagay ko na lamang ang tuwalya sa noo niya at hinayaan 'to doon. May nararamdaman na pala na iba, di man lang nagsasabi akala mo naman iba pa kami sa isa't-isa.


Aalis na sana ako nang bigla niya hawakan ang braso ko kaya napatigil ako sa pag-alis.


"Hmm..." may iba pa siyang sinabi na di ko maintindihan. "I love you."


Mahina lang 'yun pero rinig na rinig ko at pakiramdam ko ako ang sunod na lalagnatin sa init ng pisngi ko.


Jusko, nadale na!

With you by MistakeWhere stories live. Discover now