Chapter 30

3.2K 58 1
                                    

Chapter 30

I was staring at him the whole time. Hindi makapaniwala sa narinig na salita na mismong sa harap ko at mismo sa akin sinabi. Hinihintay ko na bawiin niya pero hindi niya ginawa. Hindi ko na kinaya ang tingin niya. Saktong lumabas din naman si Carlos mula sa loob kaya binalingan niya iyon ng tingin na nagtataka.

Pero sa akin duneretso si Carlos. He even bids his goodbye before kissing my forehead na ikinagulat ko pa. This jerk! Mukha sinadya niya pa iyon dahil hindi naman kami nasanay sa ganun na pagpapaalam. He just lazily waved his hand to us before driving.

Ngayon ay sa akin na naman ang atensyon ni Grey. Mas tumalim ang tingin niya at hindi ko alam kung para saan ang mga ito. Tumagal ang
titig niya sa akin pero siya na mismo ang sumuko. He sighed and hold my shoulder, hinuhuli ang paningin ko.

Akala ko pa noon una ay hahalik din siya sa noo ko pero mariin niyang ipinunas ang palad doon na akala mo may galit. Napaka-assuming ko talaga!

"Aray naman!" reklamo ko at lumayo sa kanya habang hinihimas ang noo ko.

"Sorry," he apologized. "Sige na, pumasok ka na doon. I'll just go back tomorrow."

Itinulak pa niya ako papasok kaya kumaway nalang ako at isinara ang pintuan. Narinig ko naman pag-andar ng sasakyan niya. Mabilis akong napahawak sa puso ko nang maramdaman ang sobrang bilis ng pagtibok nito. Para saan yun, Grey?

Hindi pa ako matatauhan kung hindi pa malakas na tumunog ang cellphone ko. Halos hugutin ko ang paghinga ko nang makita na mensahe iyon mula kay Grey.

From: Grey

Goodnight. We'll talk next time about that.

We will talk about the jealous thing? Pero siya, nagseselos? Bakit? Why are you jealous now Grey? Do you like me now? Para akong tanga sa mga naiisip ko kasi alam ko na hindi ako makakakuha ng sagot pero eto ako pinipilit lahat ng posibilidad. Paano kung meron nga? May gusto na siya sa akin? Mahal na niya ako? Pero paano?

Lumipas nalang ang mga araw na dala ko lahat ng tanong na iyon. Akala ko non ay kinabukasan magkakaroon na ng sagot pero mukhang sinadya ni Grey na iwasan lahat ng iyon.

Sa nga lumipas din ay masyado siya naging dikit sa akin. Not touchy but he will always like talk to me, isasama niya ako sa kulitan nila ni Kaylee, he always sent a sweet messages. Not iloveyou's pero sa palagi message niya ay masyadong pa-fall ba. He always sends imy' messages na parang may something. I just don't want to assume first kahit nakakaramdam na ako ng kung ano.

Isa pa ay palagi na rin siya humahalik sa noo ko whenever na dadating siya o uuwi na. I was confuse by his actions but it gives me a different feeling kaya hindi na rin ako tumatanggi sa mga bagay na pabor din naman sa akin.

I texted Grey that I am on my way to his office. He asked me to accompany him buying gifts for Christmas. Ilan araw nalang din naman kaya medyo magahol kamo nito.

Si Kaylee naman ay tinangay ng magaling kong kapatid. Nasermunan pa nga ako kanina nang malaman na hindi ako sasama sa kanila dahil din napag-usapan na rin namin ang lakad namin na ito ni Grey.

"Kung hindi langbtalaga kita kapatid, nabatukan na kita." komento pa niya habang hinihintay ang anak ko na matapos sa pag-aayos. Inirapan ko siya dahil doon.

"As if naman kaya mo?"

"Umuwi ka na sa atin, Khloe. Tigas na naman ng ulo mo, eh. Magpapasko na naman na walang kasama doon sila mama kahit isa sa atin?"

"Eh bakit hindi ikaw ang umuwi?" I scoffed. "Tsaka nagpaalam ako kila mama, pumayag sila. Ikaw lang 'to sige pauwi sa akin. Kaya ikaw nalang ang umuwi, kayo. Kayo ni Ate Lili, isama mo siya doon."

With you by MistakeOnde histórias criam vida. Descubra agora