Chapter 26

3K 66 0
                                    

Chapter 26

Nagising ako na maingay ang kwarto namin. Nandoon na si Kaylee sa gilid ng kama at naglalaro habang kumakanta pa. I smiled and agad na pinuntahan siya para humalik sa kanya. Ginantihan niya iyon ng yakap.

Napabitaw kami ng malakas na tumunog ang telepono ko. Saglit lang iyon, ibig sabihin ay text message lang. Agad kong kinuha iyon. Napataas ako ng kilay nang makita na si Grey iyon.

From:Grey

Good morning. Eat your breakfast. I am at my office, now. Start na ng meeting ko. Take care, babies.

I don't know pero biglang may kumiliti sa puso ko dahil sa nabasa. Hindi ko alam kung para saan 'yun dahil kung kay Kaylee lang iyon mensahe ay papangalanan niya pero hindi, babies ang nakalagay. Kaming dalawa ganun? Ayoko mag-assume.

I tried to calm myself before typing a reply. Ilan beses pa ako nagbura nang nagbura, iniisip kung tama ba ang ilalabas ko na salita para sa kanya.

To:Grey

Ow, ok. Then take care, too.

Sa tagal ko magreply, ganyan lang kaikli ang napagdesisyonan ko isend. Ewan ko at para akong nagbalik high school girl dahil sa pakiramdam ko. Eto ako at biglang kinikilig dahil sa nabasang mensahe niya kahit hindi ako sigurado doon.

Natigil lang ako sa pagpapantasya nang marinig ko na ang reklamo ng anak ko dahil sa gutom. Tawa-tawa akong kumilos at hinanda na lang ang kakainin namin. Natapos ko na rin lahat ng gawain dito at eto na nsman ang panibagong araw para tumambay kami ni Kaylee sa bahay. Iiwasan ko na ngayon ang pag-alis namin ng madalas dahil baka bigla kami kapusin ng budget.

Napaamang ako ng may matanggap na naman na mensahe mula kay Grey. Napapadalas ah?

From: Grey

Text me your address.

Magtitipa palang sana ako ng mensahe pero tumawag agad ito, mukhang nabagalan sa akin kahit wala pa ito halos dalawang minuto.

"Hey, send me the details of your house." I heard him sighed. Narinig ko pa ang pag-upo niya at bigka niyang pagbuga ng hangin.

"For what?" I asked curiously sunce wala talaga ako balak sabihin kung hindi naman ganoon kaimportante.

"Basta. Kailangan ito and I will send something there," he pleased at wala na akong magawa kundi sumang-ayon. Pinutol ko ang tawag at agad na tinipa ang hinihingi niya.

Alas onse na ng umaga at naubos ang ilan oras namin sa kakanood lang ng kung ano dito. Hindi naman ako nalulungkot na kami lang ni Kaylee dito pero masyado na kaminh nabobored.

I decided na tumayo at maghain para sa pananghalian namin dalawa. Iniwan ko muna si Kaylee sa kwarto at diretso kusina agad ako. Naglapag ako ng pinggan na gagamitin.

Napatigil ako sa pagsasandok ng pagkain nang may malakas na kunakatok mula sa labas. Tumatawag pa ito ng 'tao po'

Dahan dahan ko naman binuksan ang pintuan para makasigurado. Nakita ko na isa itong delivery boy. Nakangiti itong bumungad sa akin na may hawak na papel na hindi ko pa alam kung para saan.

May iilan siyang pinaliwanag sa akin at inabit sa akin ang papel para pumirma ako dun. Gulat pa din akong napatingin sa kanya nang ilabas nuya ang mga take out na pagkain. Kaya nagmamadali ko ito ipatong sa gitnang mesa ng sala. Bumalik ako sa pintuan at ngayon ay isang bungkos ng rosas naman ang inabot nito sa akin. Meron pang maliit na manika doon na tingin ko ay para kay Kaylee.

Magtatanong pa sana ako kung kaninin galing since wala akong nabasa kanina kung sino ang sender ng mga ito. Pero umalis na ito kaya dahan-dahan ko nalang inilapag ang hawak sa sofa.

Tinawag ko pa ang anak para ipakita ngayon ang dumating na padala. Pero mas naexcite siya sa manika kaya hinayaan ko.

Sino naman kaya ang magpapadala ng mga ito at dahil base na rin sa mga nakita ko ay mahak ang mga ito. Si Carlos? Eh bakit?

Nasa malalim akong pag-iisip nang may tumatawag sa akin. Agad na napaisip ng kung ano nang makita ang caller.  Eh diba hiningi niya yun address namin? Siya kaya? Pero bakit siya magpapadala ng ganun? Nang sagutin ko ay siya ang unang bumati.

"Did you..." hindi niya agad tinuloy ang sinasabi, mukhang kinakapa pa kung paano ba sisimulan ang tanong. Nakuha ko naman agad 'yun pero para makasigurado ay nagtanong nalang ako.

"Sayo galing ang mga 'to? Masyado madami at wala naman okasyon," sinamahan ko pa ng tawa iyon kahit na alam ko sa sarili ko ay may kilig na akong nararamdaman kahit na hula ko palang iyon.

Pero lalong nagmutawi ang kilig at pamumula ko dahil sa isinagot. "I hope you both like it," tumikhim pa siya matapos nun.

Kahit na ang pagsagot niya ay para sa amin dalawa ni Kaylee iyon, eto ako parang teenager na kinikilig dahil nabigyan ng rosas ng crush niya.

Pero agad ko pinilig ang mga iniisip at inayos ang sarili para makasagot ng maayos. Nakita ko pa na napataas ang kilay ni Kaylee sa akin, mukhang nahahalata ang kung ano man na nararamdaman ko.

"Nag-abala ka pa," I chuckled sexily. Hindi ko inaasahan na yun ang magiging kalalabasan kaay agad ako umayos. "Pero salamat, gusto mo makausap si Kaylee?" pag iiba ko nalang para makatakas naman ako sa gantong pakiramdam.

"If it's okay, but it will only for a short time. I have a meeting in a bit," Inabot ko na sa anak at hinayaan sila mag usap doon.

Naging mahaba pa rin ang usapan nila dahil na rin sa pamimilit ni Kaylee na mamaya na daw iyon meeting and she still wants to talk to her dad. Mukhang walang nagawa ang tatay at sinunod ang prinsesa.

Matapos ng pag uusap naman nila ay kinain na namin ang mga padala ni Grey na pagkain. Masyadong nagustuhan ni Kaylee iyon kaya naparami ang pagkain.

Pinaligo ko muna siya dahil sabi niya ay inaantok daw siya. Baka mamaya ay hapunin pa ang ligo at magkasakit. Nang matapos ay malambing siya agad na yumakap sa akin, nagpapabuhat para mas makatulog siya. Alas dos palang naman din ng hapon kaya sakto lang din ang tulog niya.

Inalo ko pa muna siya hanggang sa lumalim ang tulog niya ay dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama at iniwan na din muna siya doon para mag-asikaso ng sarili. Tinapos ko rin muna ang ligpitin bago tumabi. Gustuhin ko man na matulog ay hindi pa pwede din at bagong ligo ako.

Marahan kong hinahaplos ang buhok ni Kaylee at napangiti nang makita na mahigpit ang pagkakayap niya sa manikang dala pinadala ni Grey. Nagustuhan niya din agad ito dahil sa ganda ng manika at kulay ng damit nito. Hindi ko naman maiwasan maalala ang nangyari tuwing napapadako ang tingin ko sa braso ni Kaylee.

Pero inalis ko nalang sa isip ko yun. Hindi magugustuhan ni Kaylee kpag naiisip ko na naman 'yun nangyari. She's really a soft hearted kid. Kung 'yun ibang bata ay magagalit kapag sinaktan sila. Si Kaylee ay iba, mas pinili niya na maging mabait noong oras na 'yun. Noong umalis kami sa puder ni Grey, inaamin ko na nagalit ako. Pero si Kaylee ang nagpaliwanag sa akin na hwag daw. That maybe its also an accident na natapunan siya nun bata na yun ng mainit na inumin.

Sinabi din niya na nagalit lang din daw siguro ang daddy niya dahil may nasaktan din daw kami which is yun pagkakatulak ko doon sa batang hindi ko na inalala pa. She said na gusto nuya bumalik uli dahil baka wala daw nag aalaga sa daddy niya.

Imbes na isipin niya ang sarili niya ay inisip pa niya si Grey noong mga oras na 'yun at mga pwedeng maging dahilan nito. Pero hindi niya pa rin ako pinangunahan, sinabi niya na kung hindi naman magiging okay sa akin ay hindi ko naman daw kailangan ipilit din.

But she's my daughter, I just can't resist her happiness. I am glad that I have this little kid by myside. Instead na malungkot ako dahil naudlot ang pangarap ko. Naging bagong pangarap naman siya sa akin at eto paunti unti ko tinutupad na pangarap ko ay ang mapalaki siya ng maayos.

With you by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon