Chapter 27

3K 65 2
                                    

Chapter 27

Nagising ako kinabukasan na may tumatawag agad sa akin. Nung una ay pinapatay ko pa dahil sa sobrang aga pa naman. Pero nang makailan na ulit ay padabog akong bumangon at sinagot ang tawag. "WHAT?!"

I heard a gasped on the other line. Pero bigla din natawa. Napakunit ang noo ko kung sino man ito. Pero hindi ako nag abala na tingnan pa. Masyado pa akong nilalamon ng antok. For heavens sake, I bet it's only 5 in the morning.

"Chill, geez," boses babae 'yun na agad ko naman nakilala. Napairap ako bigla. Kay aga-aga manggulo ng bruha. "Ang aga pa, ang sungit na. Papanget ka niyan." asar pa niya

"Alam mo, Niana, kung tumawag ka para mang-asar please, it's so early for that. Patulugin mo muna ako. Bye," akmang ibaba ko na ang tawag pero humabol pa siya.

"Hoy, hoy! May itatanong kasi ako, bruha to!" she exclaimed at kaunti nalang ay mapipikon ako dito. Masyado pa maaga para sa boses niyang malakas. Geez.

"What is it? Bilisan mo at gusto ko na uli matulog. Isa pa, maiingayan si Kaylee sa boses ko nito." reklamo ko. Saglit na nanahimik ang ang kabilang linya. Akala ko tuloy ay end call na. Tuloy ay ilan beses ko pa siya tinawag sa pangalan niya.

"BABAE KA! BAKIT BUMALIK KA NA NAMAN DITO SA MANILA, HA?!" eksahuradang sabi niya na nakapagpabulabog sa sistema ko. Inis ko inilayo ang telepono sa tainga.

"Wala ako sa Manila.."

She immediately cutted me off. "PILOLOSPO KA! EDI KUNG NASAAN KA MAN SA LUZON NGAYON! ANG AKIN LANG AY BAKIT KA BUMALIK NA NAMAN DYAN? ABA'Y MAHAROT NA BABAE!" asar pa niya sa huli na hindi ko masabi kung insulto o kung anu man. Pero ang hindi ko malaman ay kung bakit ba kailangan niya sumigaw. Wala ba siya kasama sa kanila na mabubulabog niya?

"Kaylee asked me this, kung pwede ay bumalik kami, okay? Being a good mother, ibinigay ko ang gusto dahil hindi naman din sa kanya makakasama ito." agad na paliwanag ko para wala na mahabang usapan pero hindi tumalab.

"Aba, makakabuti? Eh ano ba ginawa nun gago na 'yun sa inyo? Ha? Diba nga pinalayas kayo tas ngayon bumabalik na naman kayo dyan?"

"Hindi kami mismo bumalik sa kanya, may sarili kaming bahay..."

"Aba ang babae ay nagdahilan pa! Parehas lang 'yun! Lumapit na naman kayo sa patalim! Ang ayos nyo na ng inaanak ko doon sa Cebu pero bumalik kayo para ano?" buti ngayon ay naging kalmado ang boses niya. Pinapasensyahan niya ang mga sinasagot ko kahit alam ko naman na tama din ako.

"It's for Kaylee, okay?"

"Ulol mo, Khloe," bigla na sabi niya. Masyado talaga ang bunganga ng isang 'to. "Kay Kaylee nga ba o para a sarili? Naku, hwag na ako ang lokohin mo Khloe Alexia, halata naman na ikaw din mismo ay gusto bumalik. Kasi kung iniisip mo ang kapakanan niyong dalawa, hindi ka na babalik dyan dahil na rin sa nangyari."

"Isusumbong kita kay Rick!" agad akong natawa sa idinugtong niya. Pero agad ko pinigil dahil baka magising ang anak.

"Sumbong ka, eh sa kanya nga galing 'yun naging panggastos namin para makabalik dito." pang-aasar ko na alam ko ikakapikon niya.

Noong nagdedesisyon ako sa pagbalik namin ay si Carlos at Rendrick ang una kong kinonsulta. Hindi naman sila naging tutol, hindi katulad nila Kuya at itong si Niana. Sila mommy ay pumayag din naman nang malaman na meron na kami nakabook na ticket pabalik dito.

Noong una ay hindi ako pumayag sa gusto ni Rendrick na siya ang magbayad ng kakailangananin namin pero dahil sa makulit siya ay wala akong nagawa. Si Carlos ay hindi tumutol dahil na rin 'yun ang plano niya dahil kinukulit siya ng magulang niya na doon na sa Manila branch nila magtrabaho. Hindi siya tumutol dahil mababantayan niya parin anman daw kami kahit papaano.

With you by MistakeWhere stories live. Discover now