Chapter 29

3K 64 2
                                    

Chapter 29

Ikatlong araw na simula nang mapunta dito si Grey. 'Yun mga araw na lumipas ay hindi ko na siya naramdaman uli. Sa isang araw ay nagpaparamdam siya ng isang text na halos pare-parehas lang naman ang nilalaman. He always texted me na hwag papabayaan si Kaylee na akala mo ay gagawin ko napabayaan ito. Sa mga araw na hindi na siya nakabalik dito ay nagpapadala lang siya ng almusal na halis hanggang tanghalian na namin sa dami.

'Yun na rin ang huling pag uusap namin. Akala ko pa nga ay makakakuha ako sa kanya ng sagot pero umiwas siya at agad tumayo para lapitan ang anak na tapos na pala maligo. Siya pa nga ang nag asikaso nun at nang dumating naman ang hapon ay natulog lamang sila. Kaya wala ako pagkakataon pa na tanungin uli siya na mukhang ayaw niya rin sagutin.

"Ang kupad talaga nitong babae na 'to," inis na bulong ni Carlos nanhinihintay ako makapag sapatos. Nasa tabi niya naman si Kaylee na handang handa na rin sa pag-alis namin. Nasa hamba na nga sila ng pintuan.

Pabiro ko siyang inirapan. "Aba, sino kaya kasi ang basta sumusulpot dito para mag-aya gumala? Sana may pasabi para nakapag-handa agad diba?"

Hindi na siya nakaimik dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam sa lalake na 'to at naisipan yayain kami ang isama sa panonood ng sine. Hindi nalang humanap ng girlfriend para iyon ang hatakin basta kung saan-saan.

Nang nasa kotse kami ay inaasar ko siya tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend. Inireto ko pa nga si Niana at para siyang nandiri agad sa narinig na pangalan. Natawa agad ako dahil doon. Samantala ay nagkakilala na naman sila noonnsa Cebu pero sa loob ng isang linggo na pagkakakilala nila, halos bangayan ang nangyari sa kanila na hindi ko inaasahan kay Carlos din.

Akala ko ay si Carlos ang masusunod sa papanoorin namin. 'Yun pala ay treat daw niya kay Kaylee iyon kaya pinapili niya ito ngbgustong panoorin. Agad naman na natuwa ang anak ko at walang ano-ano ay 'yun Frozen 2 daw ang gusto niya. She's a fan of Elsa. She always sing that song, Let it go, I think.

Natatawa ako kapag naririnig ko na sinasabayan ni Kaylee ang kanta na bago lang sa pandinig niya ngayon. Kahit si Carlos ay hindi napigilan tumawa. Kaya nahihiya si Kaylee sa pagsabay sa kanta dahil sa taw anamin pero pinilit ko pa rin siya.

Naglalakad kami paikot ng food court sa mall na ito para humanap ng makakain. Kahit oa may pagkain kami habang nanonood ay eto pa rin kami at nagugutom. Alas syete nanrin naman ngbgabinkaya kung titingnan ay sakto lang. Gusto pa nga ni Carlos ay sa restaurant pa daw na tinanggihan ko agad dahil alam kong mamimilit na siya ang magbayad. Si Kaylee naman ay panay ang kwento at tuwang-tuwa siya habang inaalala lahat ng napanood kanina. Mahuli-huli oa nga siya sa paglalakad dahil may mga action pa ang ginagawa niya. I pinched her cheeks because of her cuteness.

"Tito Carlos, alam mo po ba si Daddy nung nubg pumunta po siya sa amin, he showed me something on his cellphone. It looks like a ring. He just asked me kung maganda po ba 'yun. I answered him a yes." biglang pag iiba ng anak ko nang makaupo na kami, inaasikaso ko na rin ang pagkain ni Kaylee.

Sumulyap sa akin si Carlos gamit ang mata na nagtatanong. I shrugged. Hindi ko nga alam na may ganun, e. Ngayon ko lang din narinig kay Kaylee ang kwento na iyon.

Magtatanong sana ako kay Carlos nang maalala na kasama pala namin si Kaylee kaya nanahimik ako at binigyan nalang ng isang tingin si Carlos nanagad niya naintindihan.

Maingay ang naging pagkain namain hindi dahil nasa public place kami, kundi dahil lang sa dalawang ito. Kahit kumakain ay oanay ang kulitan na nakasanayan ko na rin naman dahil sa halos dalawang buwan na ganto naman palagi ang eksena nila sa hapag.

Sa sobrang kapagudan na rin ni Kaylee sa maghapon na paglalaro din ay nakatulog agad ito kaya buhat na ito ni Carlos pabalik sa sasakyan. Hindi ko na nagawa pa umikot para sa mga gustong bilhin dahil mahihirapan din ito buhatin ang anak ko.

With you by MistakeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin