Prologue

13 3 0
                                    

***

"Kung sino man ang tutol sa pag-iisang dibdib ng dalawang ito ay tumutol na." malumanay na sambit ng pari habang hawak ang mic at nagpapalinga-linga sa loob ng maganda at malaking simbahan kung saan nagaganap ang isang magarbong kasalan sa pagitan ng isang dalaga at binata na nagpasya ng magpakasal sa murang edad pa lamang.

Akala ng lahat ay wala ng kung sino pang tututol sa kasal kaya malalim na napahinga ang dalawang magkasintahan sa harapan ng altar. Gayon na din ang pari nila,magsasalita na sana ulit ang pari at itutuloy ang pag iisang dibdib ng dalawa ngunit merong isang dalaga ang biglang tumayo. Isa pala sa mga abay ng kasal.

"Ako." matapang nitong sambit. Nagulat at nagbulungan agad ang mga tao sa loob ng simbahan. Hindi alintana ang presensya ng simbahan dahil parang ang makadyos na mga tao sa simbahan ay biglaang naging mga mapanghusga. Grabe talaga ang mga tao,nagtatago lang sa loob-loob nila ang mga panget nilang ugali. Tsk tsk.

"Ano ba yan! Nakakahiya sya! Gagawa nanaman ba sya ng eksena?!" ani ng isang babae na imbitado lang sa kasal.

"Grabe,bakit ayaw nyang patahimikin yang dalawa?! Nakakahiya talaga sya!" ani naman din ng kasama nya.

"Tignan mo,sis oh! Yung face ng mga parents ng dalawa! Kung ako yan,hindi ko gagawing abay si gurl! Myghad nakakahiya!" ani pa ng isang babaeng imbitado lang din. Kakapal ng mga mukha amp! Chos.

"Hindi pa talaga sya nakakamove-on! So embarrassing lang talaga! Ikakasal na nga yung dalawa nandyan pa din sya naghahabol kay Harold! Mygash!" ani ng isang babae sa kabilang mahabang bench sa simbahan. Tsismosa hys!

"Bet mamsh! Gwapo naman kase ni Harold mamsh! Tapos pretty din naman si Alice, ang kaso may epal pa din talaga hay nako mamsh!" parang naiinis pang ani ng kasama nya. Wow te? Ikaw may problema? Alam mo nangyari?! Dejoke. Di ko 'to POV. Si author po ito.

"Tutol ako sainyo dati...." nakangiting ani ng dalaga habang hawak ang Louis Vuitton wallet nya.  "It's really hard to accept na hindi ako yung napili mo,Harold." mas umugong pa yung bulungan ng lahat sa loob ng simbahan.

"C-Chloe...." ani ng bride. Si Alice.

"I thought we're already okay, Chloe?" malamig na sambit ni Harold. Ang groom.

Ngumiti ulit ang dalagang nag ngangalang Chloe... "Masakit talaga,Harold.....pero dati na yun. Unti-unti ko rin natanggap na hindi mo ako nahintay." malumanay na dagdag ng dalaga.

Ang akala ng lahat ay bitchy talaga si Chloe pero hindi nila alam na nasaktan lang din ito kaya naging ganon. Mahirap kaseng makita sa ibang babae ang first love mo,mahirap magpaubaya lalo na kapag mahal na mahal mo.

"Actually tanggap ko na rin kase eh. Tanggap ko na...na best friend ko pa yung pinalit mo saakin. Hindi ako galit sayo, Alice." natahimik ang lahat.

May gustong pumigil kay Chloe pero hindi din nila ito mapipigilan kase ito na yung time nya para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman nya.

Ngiting malapad lang ang naibigay ni Chloe kay Alice na naiiyak na. "You know I didn't mean to fall inlove with him, Chloe... I'm so sorry." umiiyak na ani ni Alice sa best friend na si Chloe. Nadudurog na ang puso ni Chloe sa eksenang ito,natapos na nila ito at napag-usapan na but there's still something that she really want to say for the last time kaya naman pinilit nyang ilabas yung pagbabagong nagawa sakanya ng sakit na naranasan nya. The bitchy side of her.

She arched her right eyebrow, "Tsk. Hahaha! Hindi bagay saatin 'tong dramang ito!" she crossed her arms and directly look to the wedding couple. Masakit sa mata,masakit lalo na kapag first love mo at best friend mo yung mismo mong nakikita sa harap ng altar. That should be me, sabi nya pa sa isip nya pero napailing nalang sya. This time, she will let go of everything. Pain, depression and anxiety. Naranasan nya lahat yan ng dahil sa nangyari between her first love and best friend. But now? Baka tawanan nya nalang yon.

He's Inlove With A KontrabidaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt