Chapter 2

4 3 0
                                    

Chloe's POV:

"You're good at hiding ha?" napatalon ako ng marinig ko ang boses ni Chitt. Dahan-dahan akong napalingon rito na may kaba sa dibdib.

Shet,sayang yung pagtatago ko kung makikita ko din sya ngayon! Tsk!

"Sino ba nagsabing nagtatago ako?!" ani ko rito habang sinusubukang tarayan sya. Malamang tatarayan ko sya,di ba naman ako pinatulog nung halik nya! Aish! That damn kiss!

Lumapit sya sakin kaya agad akong umatras. Nasa garden ako ng university ngayon. Hindi ko pa din nakakalimutan yung ginawa nya kahapon saakin. Pano ba naman pagkatapos nya akong halikan at pasuotin ng damit nya ang daming nagulat at nawindang. Hindi ako nilubayan ng mga mata kahapon pero masungit ako kaya tinataasan ko lang sila ng kilay.

Si Joyce naman ang magaling kong kaibigan ay nakikichika eh kaso sabi ko sa sabado nalang. Pwede naman syang dumalaw sa bahay tutal ako lang naman tao dun.

"Bakit mo ako tinataguan ha?" nakanguso nyang tanong habang papalapit nanaman saakin habang ako atras lang ng atras.

"Bwiset ka! Lumayo ka nga!" inis kong sigaw rito pero hindi sya nagpatinag at agad akong hinala papalapit sakanya at agad nya akong kinulong sa yakap nya.

Nagpumiglas pa ulit ako pero masyado syang malakas. "Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin kahapon?! Ha! Ha?!" galit kong sumbat rito.

"Hindi. Hindi mo na makakalimutan yon." proud nya pang sagot.

Ah ganon pala ah! Tignan natin kung makalimutan mo 'to.

"ARAY!!!!!" Agad syang napabitaw saakin at napahawak sa alaga nya.

Hmm, ano akala nya papatalo ako? Pfft,ako pa kinalaban nya.

Tinuhod ko lang naman alaga nya. Kaya ngayon namimilipit na sya sa sakit WAHAHAHAH! Pero kung tutuusin mas mabigat kasalanan nya saakin kahapon! Tsk!

Napaupo na sya sa sakit. "Aray ko po!" ewan ko kung tatawa ba ako o kung maawa. Kase halos maiyak na sya sa sakit. Bakit kase ang manyak nya?! Lesson learned nya yan! Pero ano ba!

Shet. Masyado ba talagang masakit basta natutuhod mga alaga nila? Hyssss!

Nang medyo naawa ako kay Chitt ay agad ko itong nilapitan,nakaupo sya sa damuhan ngayon habang hawak alaga nya. "C-chitt. S-sorry...." paumanhin ko rito pero hindi sya nagsalita at nang gagalaiti pa din sa sakit.

Waaaaaaaa! What should I do?!

I really don't know what to do, but I think this will help him to ease the pain that I've cause. I cop his face and look straightly to his teary eyes. I close my eyes and breathe.

Alam kong bababa ang tingin ko sa sarili ko kapag ginawa ko ito pero nakakaawa din 'tong nilalang na ito.

Takte! Nagdadalawang isip ako pero bahala na!

Lumapit ako sakanya,yung malapit na malapit. Hanggang sa nahuli ko ang labi nito.

*TSUP*

I gave him a peck of kiss, and yeah tama ako. Napatigil sya sa kakasabi ng masakit.

Bigla syang tumayo at pinagpag ang damit nya. "Minsan talaga ang sarap ng maging artista eh." nagulat ako sa sinabi nya.

"S-so?! Umacting ka lang?!" inis kong sigaw rito pero sya nakangiti lang ng malapad habang sumisipol pa.

"Leche ka!!!!!!" hinabol ko sya dahil sa gigil ko!

Alam nya ba na ang baba na ng tingin ko sa sarili ko dahil sa halik na yon?! Sya lang nahalikan ko! Ako pa mismo! Tapos yung kahapon?! Bwiset ka,Chitttt!

He's Inlove With A KontrabidaWhere stories live. Discover now