Chapter 5

4 2 0
                                    

Chloe's POV:

6:00 pm.

"Ayusin mo yan! Ano ba ang bagal mo!" reklamo ko kay Chitt na ang tagal-tagal maglakad.

Nagpasama kase ako sakanya bumili ng mga furniture at groceries sa mall ko. Oo mall ko. Bili sakin 'to ng mga magulang ko when I was only 15 years old. Para daw yon sa mga kailangan ko kaya ayun. Nagamit ko naman eh.

Papunta kami sa condo kong hindi ko naman nagamit dahil nga may bahay naman ako. Nabisita ako rito dahil balak kong ibigay 'to kay lampa pati sa pamilya nya. Nilagyan ko ng mga bagong sofa,kama at iba pa. May mini ref naman don so bumili din ako ng groceries.

Si Chitt ang may dala ng mga damit din na pinamili ko para kay lampa tapos ako naman ang may dala sa groceries.

"Wait naman,sweetie!" nakita ko pang nanguso ito kaya naman napasinghap ako.

"Ang tagal mo kase! Halos isang oras na tayo dito sa parking lot, hindi pa man tayo nakakaakyat sa taas!" pano ba naman kase binababa nya pa yung mga damit na shinopping ko para kay lampa. Lapag lakad ginagawa nya.

"Ang bigat kaya neto!"angal nya habang nakanguso.

"Hiyang-hiya naman ako sayo na puro malalaking lata at pagkain 'tong dala ko!" inis ko syang binalikan doon at hinigit ang isa sa mga dala nyang shopping bag.

"T-teka! Akin na yan! Mabigat yan!" ani nito saakin habang binabawi ang shopping bag na inagaw ko sakanya.

"Kala mo naman kung gaano kabigat eh ang gaan-gaan nyan!" ani ko rito habang iritang-irita. Sayang kase oras ko!

"Pano ba naman kase hindi mo naiintindihan yung gusto kong iparating!" nakanguso at nagpapadyak nyang ani. Kinunutan ko sya ng noo.

"Ano ba kase 'yon?!" inis kong tanong rito.

Nginisihan nya ako,mukha syang aso. Tsk. "Kiss mo ko." ani nito sabay pikit at ngumuso pa.

Nanlisik ang mga mata ko. "Ano akala mo sakin uto—"

*TSUP*

Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng bigla nya akong hinalikan. Napatulala ako sa kawalan dahil sa ginawa nya.

"Sweetie! Alikana anong oras na oh? Mag iisang oras na tayong nandito sa parking lot baka gusto mong umakyat na tayo!" sigaw pa nito kaya ng mga ilang segundo kong pagkatulala ay nilingon ko sya pero ang loko nasa second floor na kaya naman,kukunin ko sana ang mga groceries ng wala na don. Aba nasa loko na pala!

Tumakbo nalang ako para maabutan ko sya. Tsk! That guy stole a kiss again!

****

"Yan! Perfect na, sweetie ang galing ko talaga!" ani ni Chitt habang nagpapagpag ng kamay. Kalahating oras din naman inayos ang condo ko. Malinis naman kase 'to, kaso hindi lang natitirahan. Sayang naman kung dito lang yan.

"Tch. Bilib na bilib sa sarili." ani ko sabay irap sakanya at abot ng mineral bottled water. Nginitian nya naman ako.

"Naks,improving ang sweetie ko." pang-iinis nya saakin.

I crossed my arms and arched my left eyebrow, "Akin na yan!" bawi ko sakanya pero ang loko tinaas nya lang tapos lumapit sa mukha ko.

"Sayo na ko." he said and wink. Sinuntok ko sya sa sikmura pero hindi ganon kalakas. Napaaray sya pero tinalikuran ko lang ito. Masstress ako dito kay Chitt.

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko and composed a message for Joyce.

To: Joyce

wer u at? gonna talk to lampa's parents.

He's Inlove With A KontrabidaWhere stories live. Discover now