Chapter 7

4 1 0
                                    

Chloe's POV:

Three days after.....

9:40 am

Nasa mall kami ngayon para bumili ng maisusuot namin mamaya para sa birthday ni Chitt. At sabi nya nga magpapapool party daw sya tutal wala naman mga parents nya kase nasa ibang bansa,busy din yun sa business. Kung tutuusin mas mayaman sakin si Chitt. Ang Papa nya kase ang nangungunang pinakamayaman na businessman sa bansa. Pangatlo lang ang grandfather ko. Well, mahina na rin kase si Lolo. At dahil nga mayaman si Chitt ay siguro binigyan lang sya ng allowance para sa birthday nya.

So ayun naghahanap kami ng swimsuit para kay Apple at Joyce. At oo palagi ko na rin nakakasama si Apple dahil simula ng lumipat sila ng condo,hindi na rin sya umalis sa tabi ko. Daig pa ang bunsong kapatid. Third year highschool palang sya kaya kung tutuusin bunso nga talaga sya. Andami din kaseng nangyari sa makalipas na tatlong araw. Si Chitt laging nagpapractice sa basketball pero nagagawa nya pa rin akong kulitin sa lunch break at sa uwian. Si Apple naman ayun nga laging nasa tabi ko pati rin si Joyce, pero minsan magkasama sila ng boyfriend nya. Yes, may boyfriend si Joyce.

Ako eto simple lang. Pero kahapon kila Apple kami kumain ng hapunan kasama si Chitt at Joyce. And guess what? Ang daming kalokohan ang nangyari. Tsk tsk. Syempre sino pa ba may pakana? Isa lang naman ang loko-loko sa kwento ko.

Flashback

Nasa bahay kami ngayon ni Apple, yung condo na binigay ko. Inimbita kase kami ng mga magulang nya na don nalang kami maghapunan dahil nga nagluto ito ng madaming putahe para saamin. Pagpapasalamat na din daw. And expected ko na yung magandang treatment saaming tatlo nila Chitt at Joyce.

Grabe para kaming nasa restaurant dahil grabe kung kumilos ang mga magulang ni Apple, masaya naman ako na nakikita ko silang ganon. I mean, napalitan na ng magandang ngiti ang lungkot sa mga labi nila.

"Wow! Ang sarap po nito,Tita!" nasasarapang ani ni Joyce habang nahigop ng sabaw ng sinigang.

"Talaga ba,hija? Nako salamat! Specialty ko kase yan eh. Nang dahil sa sinigang nainlove sakin si Rico." matamis na ani ni Tita Ruela(Mama ni Apple) habang nakatingin kay Tito Rico(Papa ni Apple).

Agad naman silang tinukso ng tatlo kong kasama. Si Chitt,Joyce at Apple habang ako tahimik lang na kumakain. Hindi naman sa bored ako pero hinahayan ko lang sila na magsaya.

"Siguro Tita kelangan ko rin lutuan ng sinigang si Chloe, para mainlove din sya saakin! Hehe!" nasamid ako sa sinabi ni Chitt kaya naman agad nya akong inabutan ng tubig.

"Pfft! Ayaw sayo ni Best friend,Chitt. Pano ba yan?" pang-aasar ni Joyce kay Chitt. Pinunasan ko ang labi ko.

"Tsk! Panira ka din tomboy ka eh!" asar na sabi ni Chitt kay Joyce habang nakanguso,hinalakhakan lang sya ni Joyce.

"Grabe ka naman Ate Joyce! Bagay kaya sila! Parehong maganda at gwapo! Hehehe!" nakangiti at patalon-talon pang ani ni Apple kaya naikunot ko ang ulo ko.

"Nako,Apple! Kinukunsinti ka nanaman nyang panget na yan!" aning Joyce saka tumingin saakin. "Binayaran ata 'to ni Chitt,espren? HAHAHAHAHA!" humalakhak ulit si Joyce.

Parehas nakanguso si Apple at Chitt na parang bata.

"Nako mga bata kayo. Hahahaha ganyan talaga yan,nag uumpisa sa asaran hanggang sa totohanan." nakangiting usal ni Tita Ruela.

He's Inlove With A KontrabidaWhere stories live. Discover now