Chapter 3

3 2 0
                                    

Chloe's POV:

Nasa basketball court kami ng university dahil nagpapractice si Chitt. Lingid sa kaalaman kong dito nya lang pala ako dadalhin dahil gusto nyang mapanood ko syang nagpapractice.

But I think, I'm not needed here kase all the bleachers was occupied by her fangirls with a banners pa hys iba talaga kapag isang Chitt Trevor Mendes. Nasa baba ako ng mga blechers dito sa court,yung mga blecher ng mga player na hindi pa pinaglalaro, dun ako nakaupo.

Bored na bored ako rito habang yung mga fangirls ni Chitt ay todo hiyaw sakanya. Yung iba pa nga sisigaw ng "Chitt! Lemme wipe your sweats!"" like what the ef? Ganyan ba sila kadesperada? Whatever, ganyan din naman ako kay Harold dati eh.

Ang daming fangirls dito. Parang lahat na nga ng babae sa university na ito andito na eh, nahiya naman ako bigla kay Chitt. Popular eh.

Practice palang ito para sa finals nila sa susunod,dahil nga makikipag compete sila sa SDFNHS. Alam ko namang malakas ang team ng University namin dahil unang-una, magaling nga si Chitt pangalawa ay disiplinado ang team nya. Todo papuri na sya sa isip ko tsk. Pero madumi kase maglaro ang mga taga SDFNHS. Alam mo yung mga fouls na moves? Yun hehe wala akong alam sa basketball eh.

Todo-hiyawan lang lahat ng fangirls ni Chitt na animo'y totoong laban na ito,pero ako eto bagot na nakatingin sa kawalan. Hindi ko nga pinapanood si Chitt kase puro naririnig ko 3 points, shoot! Sharp shooter amp! HAHAA.Ewan ko ba. Wala akong alam sa basket ball talaga.

"Time out! Boys pahinga muna!" nabalik lang ako sa ulirat ko ng sumigaw ang coach nila,kaya sinulyapan ko si Chitt na papalapit saakin.

Nagulat ako ng may sumiko saakin. Teammate nya palang kanina pa nakaupo dito sa bangko. Ano 'to? Upo lang naiambag nya sa laro? Joke. Inabutan nya ako ng tubig, kaya nagtaka ako. "Ano gagawin ko dito?" I ask.

"Bigay mo kay Captain, tignan mo gaganahan yan." ani nito saakin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"I'm not her maid. Meron syang kamay and anytime kaya nya 'tong kunin mag isa ng walang nag aabot sakanya. Malaki na sya." I said. Ayoko ng mga ganitong palabas eh, yung kung saan may dalawang tao na magshota tapos basketball player si boy, tas si girl laging naka-abang kada-timeout para mag abot ng tubig at punasan ang likod ni boy. Like what the ef?! Yaya ka gOrl?!

"Sige na kase!" tinulak nya pa ako. Ay? Feeling close? Wala na akong nagawa kaya hinintay ko nalang makalapit saakin si Chitt. Attitude na tamad ako kaya bahala sya. Pero habang papalapit sya ay parang naging slow motion ang lahat. Habang papalapit sya sakin ay kinakawayan nya ang mga fangirls nya na todo ang hiyawan habang nakangiti pa sya kaya ang resulta ang tagal mawala ng ngiti nya sa isip at mata ko. Fudge!!! Chloe!!!! Acckkk!

Biglang natahimik ang mga fangirls nya at nakatingin lang saamin dalawa. Tama yan mga bitxhes, I'm owning the throne. Joke. Nang makalapit saakin si Chitt ay saka ko sakanya bagot na inabot ang tubig. That's right, Chloe. Pretend that he's not that really hot.

He smiled at me, "Thanks for this, sweetie." gulat ang lahat ng tawagin akong sweetie ni Chitt kaya sinamaan ko sya tingin. Alam nyang may pinapahiwatig ako gamit ng tingin na iyon pero tumawa lang sya at ininom ang binigay kong tubig. This man is really annoying!

Eff! What's wrong with this guy?! Even the way he drink his water looks really hot. Tapos basa pa sya ng pawis nya. His pair of jersey that really suit him very well and his messy hair that makes him really hot!—pwe! Ano ba, Chloe?! Nagugwapuhan ka lang pero hindi ka bibigay! Tsk!

Namula ako ng maalala na ang hot na lalaki na pala ito ay yung humalik saakin kahapon sa locker nila. Fudge! Nakakahiya! Medyo napatungo ako ng ramdam ko ang pagngiti ko.

He's Inlove With A KontrabidaWhere stories live. Discover now