Chapter 4

3 1 0
                                    

Chloe's POV:

7:30 am

I'm here now at the parking lot dahil nga pinark ko yung sasakyan ko. Oh yes, I have my own car pero ngayon ko lang nadala kase sabi sakin ni Chitt,hindi nya ako mahahatid at sundo ngayon,maybe may meeting sya with his team kaya sino ba naman ako para magreklamo? So ayun sabi ko okay lang naman. Kitain ko nalang daw sya later mga lunch sabi nya.

Kinuha ko sa backseat ang bag ko at prenteng naglakad papalabas ng parking lot. Hays, ang boring talaga kahit kailan at kahit saan.

Napansin ko lang parang medyo unti lang ang studyante ngayon eh, alas-syete trenta na. 8:00 am kase ang umpisa ng klase,pero siguro mamaya pa ang iba pero hindi kase ganito. Nasanay kase akong madaming studyante basta ganitong oras. Ngayon lang naging unti. Pero ano ba pake ko?

Napairap nalang ako sa kawalan.

*****

Nang malapit na ako sa classroom ko ay may napansin akong kumpulan ng mga studyante kaya naman naikunot ko ang noo ko. Ano nanaman kayang kabalbalan ang ginagawa ng mga 'to? Tsk.

Pumasok na ako sa loob ng classroom ko dahil malapit lang naman don sa kumpulan ang classroom ko. Inilapag ko ang bag ko at nag stretch muna dahil parang nastiff ang katawan ko sa kakaupo don sa kotse ko. Hindi naman masyadong malayo ang University ko sa tinitirahan ko pero kailangan pa din ng masasakyan.

Narinig kong parang nagkakakunsintihan yung mga nasa labas dahil parang may kampihan ang nagaganap. Naitaas ko naman ang kilay ko dahil halos lahat ata ng classmate ko ay nasa labas din. Maliban kay Joyce kase alam Kong late nanaman yon.

"Uy,Chloe." uhm speaking of the ChickenJoy.

"First time, aga mo ah." pamungad ko sakanya.

Inilapag nya naman din ang bag nya sa tabi ng bangko ko. "Bakit may kumpulan don?" okay, umandar nanaman pagkachismosa nya.

I shrug my shoulders, "Malay ko,hindi ako chismosa eh."

Nanlisik ang mga mata nya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay. "What? I'm just telling the truth." I said and crossed my arms.

"Tara, tignan natin!" hindi na ako nakapalag dahil bigla nya akong hinila papunta sa kumpulan.

This girl really loves chismis a lot!

"Excuse me... Padaan kami..." ani ni Joyce habang hawak pa rin ako at nakikisiksik sa mga tao dito. Gosh! Germs! Baka mapano skin ko dito!

Ayokong sumisiksik sa mga tao. Tumingkayad si Joyce habang nasa gitna palang kami ng kumpulan. Putcha ang daming tao dito ah! Pag nalaman ko talaga anong kabalbalan 'to, malalagot sakin may pakana neto. Mark my words!

"You deserve it anyway." dinig kong ani ng isang babae doon sa mismong pinagkukumpulan. Teka? At sinong nagsabing bukod sakin meron pang pwedeng mang-api?

"W-wala naman akong ginawa sayo ah." nanginginig na sambit ng isang mahinang nilalang. What I really hate is bakit kase sila nagpapakitang mahina sila,kaya sila nabubully ng katulad ko eh!

"Bakit? Meron bang batas dito na kahit walang ginawa,hindi pwedeng mang away? Pfft you're pathetic." mataray naman na sambit ulit ng babae kanina.

Nag ingay naman ang kumpulan ng studyante na parang bino"boo" nila yung mahinang nilalang na parang si Alice.

Hindi na ako nakapagtiis pa dahil ako lang ang DAPAT MANGAWAY DITO! Nang napansin ni Joyce na nakayukom na ang mga kamao ko ay agad nya akong tinignan.

"Oh? Gigil ka na?" tanong pa nya.

Tumango lang ako habang nakatitig sa eksena. "Oh sige,sugod." ani nito saakin at tinulak pa ako. Haha what a supporter.

He's Inlove With A KontrabidaWhere stories live. Discover now